04

107 1 0
                                    

"Den okay ka na ba?" Tanong ni A na umupo naman sa tabi ko at tumango lang ako bilang sagot.

Kanina pa tapos yung training at andito na kami sa dorm nag papahinga. Di ko padin makalimutan yung nangyari kasi di man lang siya nag sorry tas sobrang gulo pa ng isip ko dahil sa mga nangyayari hays.

"Den pinapaakyat ka ni Ella sa taas bilisin mo daw" Sabi ni Fille na bagong ligo lang.

Dali dali akong umakyat sa taas para puntahan si Ella. Naabutan ko siyang seryoso nakatutok sa laptop niya.

"Ells bakit?" tumabi ako sa kanya at tinignan kung ano yung pinag kakaabalahan niya.

May nabasa akong "Alyssa Valdez" sa article kaya nabatukan ko siya. "Ella anong ginagawa mo? Baliw ka ba?"

Wala ako narinig na sagot at di man lang siya nag react sa ginawa kong pambabatok.

Tinanggal niya yung salamin niya at tinignan ako "Den"

"Bakit nga kasi?" iritang tanong ko

"Kambal nga, kambal siya ni Alex"

Medyo gumaan naman yung nararamdaman ko sa sinabi ni Ella, pero may parte sakin na nalungkot. Hindi ko ma explain kung bakit.

"Chineck ko din kung may mga social media accounts ba siya pero facebook lang nahanap ko tas naka private pa at walang profile picture. Sa google ko lang nabasa lahat ng informations about sa her and hell den sobrang sikat niya pala sa school niya dati" Sabi niya

"Thankyou besh"

Kahit papaano nabawasan na din yung mga iniisip ko.

-------------

"Alyssa ano 'yon? Bat di ka man lang nag sorry sa kanya?"

Kanina ko pa nahahalatang inis si Marge dahil sa nangyari kanina nung training.

"I don't feel sorry"

Sabi ko lang saka sumampa sa kama kasi masakit ulo ko. May sinasabi siya pero di ko nalang pinakinggan hay ewan.

"Di ka pa ba uuwi?" tinanong ko siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin

"Wala akong kasama sa bahay" tumayo siya at dinaganan ako walang hiya talaga

"Ly what do you think of Dennise? Cute niya no?" nagulat ako sa tanong niya kaya natulak ko siya.

"Aray naman!" reklamo niya kasi nahulog siya mula sa kama dahil sa ginawa ko.

"Sabi ko na nga ba may gusto ka don eh, kung mainis ka diyan parang ikaw yung natamaan sa mukha"

"Ay bakit ka nagagalit? Crush mo?" Panunukso niya sakin

"Ew! No. Never" depensa ko kasi di naman talaga. Never gonna happen.

"Okay" nginitian niya lang ako nang malaki. Ano kaya nasa isipan nito?

"Ang manyak ng mukha mo. Alis ka na nga Margarita matutulog ako" sabi ko pero di naman talaga ako matutulog, gusto ko lang talaga mapag isa muna.

"Sige po master bangungutin ka sana charot bye" sabi niya lang saka lumabas na ng kwarto ko, ang sama talaga.

Mag aayos pa ako ng gamit kasi lilipat na kami ng dorm ni Marge bukas. Gusto ko sana dito lang ako sa bahay pero sabi ni coach better daw if sa dorm kami with our teammates para na din malapit lang sa school.

After ko mag ayos tinawag na ako ni mom kasi kakain na daw ng dinner kaya bumaba na ako.

Umupo ako sa harap nila mom and dad, nginitian ko lang sila kasi ang sweet parin nila sa isat-isa hanggang ngayon.

Before UsWhere stories live. Discover now