Naglalakad kami ni Marge papuntang BEG kasi ngayon na yung simula ng training namin
"Shet kinakabahan na ako" Sabi ni Marge kanina pa 'to di makapakali parang tanga naman
"Ly pansin ko lang dami nakatingin sayo" bulong niya kaya napa linga ako sa paligid ko, ang weird naman may nag bubulungan pa tsk.
Nung nasa harap na kami ng building ay rinig na rinig ko yung mga hampasan. Huminto si Marge sa pag lalakad parang natatakot pero ako dire diretso lang at hinayaan ko lang siya na sumunod sakin.
Den's POV
Late na kami shit talaga, si Ella kasi ang tagal kumilos kasi sabi niya antayin ko siya, at kanina pa umalis yung teammates namin.
"100 push ups is pakening real" pagpaparinig ko kay Ella habang naglalakad kami papuntang Gym
"Besh sorry na eto naman. 150 yung gagawin ko para 50 nalang yung gagawin mo" Di ko na siya pinansin kasi ewan parang kinakabahan din ako.
"Bakit parang ang tahimik naman?" Tanong ni Ella nung nasa may gate na kami ng BEG
"Baka nag water break lang" Sagot ko
Pumasok na kami sa loob at bumungad samin yung teammates namin na nag kukumpulan na parang may pinag kakaguluhan
"Ang hot"
"Ang tatangkad nila"
Habang papalapit kami ay bigla akong mas kinabahan, di ko maiintindihan yung nararamdaman ko. Nakita naman kami ni Fille kaya sinenyasan niya kami na bilisan yung pag lalakad.
"Sorry na late kami" Biglang sabi ni Ella nag pa tigil naman sa ginagawa nung mga teammates ko.
"Lazaro at De Jesus may bagong teammates tayo" Sabi ni Gretch na sobrang laki yung ngiti kaya tumabi yung iba para maka daan kami ni Ella.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. I lost my balance kasi nanginginig yung tuhod ko, buti nalang andyan si Ella sa tabi para hawakan yung braso ko at rinig ko din na napamura si Ella.
"Everyone listen up! Since kompleto na kayo, meet Marge Tejada and Alyssa Valdez from University of Strasbourg, France. Your new teammates so please be good to them and I hope wala kayong gagawing kalokohan, lalo ka na Ho" Sabi ni coach sabay tingin kay Gretch kaya napayuko 'to habang natatawa naman yung iba.
"Alexa" Di ko namalayan na napalakas pala yung pagkasabi ko at umiiyak na ako. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka.
"Den okay ka lang?" Tanong ni A
"Uhm guys please excuse us masama lang pakiramdam ni Den" Di na ako nag react sa sinabi ni Ella kasi ang gulo ng isip ko.
"Coach dadalhin ko muna siya sa clinic, nice too meet you Marge and A-Alyssa" dagdag ni Ella tapo tuluyan na kaming nakalabas ng BEG.
Tulala sa padin ako habang nag lalakad at sa pagka tatanda ko di naman dito yung daan papuntang clinic.
"Den, I cant believe what I just saw. Patay na si Alexa p-pero a-ano yon?"
"Besh Alyssa yung pangalan niya. I don't know ang gulo" Gusto ko siyang yakapin kanina pero parang di niya ako kilala. Ang lamig ng titig niya sakin.
"Diba may na kwento si Alex dati na may kapatid siya pero nasa ibang bansa pero yon lang yung sinabi niya. Baka nga siya yung tinutukoy niya? Pero sobrang magkamukha sila diba? kahit yung hubog ng katawan mula ulo hanggang paa. Kambal?"
Sumasakit yung ulo ko dahil sa mga sinabi ni Ella. Paano kung di talaga si Alex yon? Nakakapanlumo kasi umaasa padin ako. Nakakahibang.
"Besh balik na tayo don" aya ko kay Ella, di ko alam kung bakit gusto ko siya makita ulit.
"Sigurado ka ba? Okay ka na?"
Alyssa's POV
I can see sadness and pain in her eyes. Nakatulala padin ako kasi ang ganda niya. Di ko akalain na mas maganda pala siya sa personal.
Nakikita ko sa mukha nila yung confusion dahil sa inasta ni Dennise.
Nakaalis na sila nung kasama niya na si Ella. Syempre kilala ko kasi madalas silang ikwento ni Alex dati. Nanlambot ako nung nakita ko siyang umiyak, nawala yung galit na naramdaman ko sa kanya. "Shit Alyssa! Andito ka para mag higanti okay? Wag kang tanga" Sabi ko sa sarili ko"Alyssa di ka ba nakikinig?" Siniko ako ni Marge kasi nasa gitnan ng court yung mga kasama namin
"May sinasabi ka ba?"
"Gago sabi ni coach simula na daw tayo, lutang ka nanaman" Sabi ni Marge habang inaayos yung sintas ng sapatos niya.
Inantay ko lang siya matapos para sabay na kami pumunta sa gitna. Coach instructed us to do drills bago daw mag laro. Habang nag s-spiking kami ay puro sigaw lang yung naririnig ko mula sa mga teammates ko
"Grabe Valdez ang galing mo baon na baon yung bola" Sabi ni Ho, sabay hampas sa balikat ko wtf.
"Thanks" sagot ko lang di ko kasi alam ano pa sasabihin ko and ang awkward.
Patuloy lang kami sa ginagawa namin, grabe na yung pawis ko kaya hinubad ko yung jersey na suot ko kaya naka sports bra nalang ako.
"Alyssa pinag lalawayan na nila yung abs mo gaga ka" bulong ni Marge sakin kaya napatingin naman ako sa kanila kaya tinakpan ko yung tiyan ko gamit yung braso ko shit naman nakakahiya.
Den's POV
Hindi ako pinayagan ni coach na sumali kasi baka daw mas lalong sumama yung pakiramdam ko. Hays pinanindigan ko ko nalang yung excuse ni Ella kanina.
Sa gulo ng isip ko ay di ko namalayan na naka titig na pala ako sa kanya. Ang galing niya. Bawat galaw niya sobrang perfect tignan. Mas lumala nung hinubad niya ang jersey niya, natulala silang lahat pati na din ako.
Napansin niya ata na nakatitig din ako kaya tinitigan niya din ako ng matalim na tagos sa kaluluwa ko, nakakapanlamig kaya umiwas ako ng tingin. "Shit ano ba yon?"
"Okay lets play na!" Sigaw ni coach kaya pumunta lahat sa gilid kasi hahatiin ni coach yung mga players into groups.
"Caoch kulang kami ng isa" Sabi ni Ella kaya napatingin sila sakin
"Dennise is not allowed to play"
"Coach kaya ko naman na" Sagot ko kasi gusto ko din mag laro.
"Sure?"
Tumango lang ako at ngumiti. Kinabahan ako kasi nasa kabilang team siya.
--------
Nagsimula na yung laro nila at halata kay Den ang pagkainis dahil hindi niya masalo salo yung mga palo ni Alyssa. Napansin naman ito ni Ella kaya sinabihan siya na kumalma na ginawa naman ni Den.
Habang sa kabila naman ay sobrang natutuwa si Alyssa sa ginagawa niya, pinapahirapan niya si Dennise.
"Alyssa!" Sigaw ni Jia at agad naman niyang pinalo ng malakas yung bola
"Den! Oh my God!" Sigaw nila kasi nakahilata na siya sa sahig at dumudugo yung ilong niya. Nagulat si Marge sa nakikita niya at napatingin siya kay Alyssa.
"Serves you right"
![](https://img.wattpad.com/cover/222769093-288-k49820.jpg)