Sa isang lugar na matatagpuan sa Pilipinas ay may tinatawag na Baryo Magnilay.
Ctto.
-----Isang tahimik at kahit papaano'y maganda at mataba ang mga lupain kung kaya't sagana at malalaki ang mga pananim pag ito'y iyong inani.
Sikat itong lugar namin sa ibang bayan dahil sa angking ganda at Natural na imahe ng aming bayan.
Sagana ito sa mga puno at bundok na kalimita'y hindi pa napupuntahan ng mga turista, marahil narin na hindi pa ganoon kaganda ang mga daanan.
Ako nga pala si Helga Santosa, 19 years old, ampon ako ni Nanay Esang, ang may ari ng Sari-sari Farm. Ang farm ni nanay ay may lawak na 1 hectare, minana nya daw ito sa kanyang pumanaw na ina. Halos dito na ko lumaki sa farm hindi na nga ako nakapagtapos ng pagaaral at hanggang highschool lamang ang natapos ko dahil gusto ko narin makatulong kay nanay sa farm.
Wala kasing asawa si nanay, Ewam ko kung anong dahilan e kapag tinitigna ko ang mga litrato niya nung kabataan ay napakaganda nya at balingkinitan ang katawan. Kapag naman tinatanong ko ang dahilan hindi naman nya sinasabi at iniiba nya lagi ang usapan.Kaya naman tinutulungan ko si nanay dahil Kaunti lamang ang tauhan niya sa farm dahil maselan si nanay sa pagtitiwala sa mga tao.
At ang gusto nya madalas ako ang magdeliver ng mga paninda namin gamit ang sasakyan, dahil wala syang tiwala sa mga gumagamit ng sasakyan dahil madalas pag binalik sa garahe ay may gas-gas o kung minsan naman ay may sira at nakakabangga.
---"Helga! Ideliver mo na ang mga order na gulay"
"Helga! Ang bagal mo kumilos mahuhuli nanaman ang pagbubukas ng tindahan ni Mang Manuel"
"Helga ang mga gulay baka mabulok"
"Helga! Helga! Helga! Helga"
Naalimpungatan ako sa panggigising ni Nanay Esang sa akin, hanggang panaginip ba naman inuutusan ako ni nanay.
Dali dali akong bumangon dahil mahahampas ako ni nanay pag di pa ako bumangon. Alas-kwatro ng umaga pa lamang ay gumigising na ako dahil mag-aayos pa ako ng mga panindang idinedeliver ko sa umaga.
Habang inaayos pa nila ang mga paninda na idedeliver, eto ako at umiinom lamang ng kape sa lamesa at iniisip ang aking mga dedeliveran na lugar.
Madalas ang suki ni Nanay Esang e si Mang Manuel ang matandang tindero ng gulay sa palengke nang Baryo Magnilay. Bulto kung umorder si Mang Manuel. Hindi narin ako magtataka dahil isa sya sa may pera sa lugar, usap usapan noon ng mga tao sa aming baryo na masugid na manliligaw ni nanay si Mang Manuel noong kanilang kabataan pa lamang kaya daw kung bumili ito ngayon kay nanay ng mga gulay ay napakarami.
Mayroong nagiisang anak na rin si Mang Manuel si Gustavo, pero wala na itong asawa at maagang na byudo.Isa pang suki ni Nanay ay si Mang Minandro, nagdedeliver ito madalas ng mga gulay at paninda papuntang bayan. May anak na lalaki si mang Minandro, si Mike kababata ko sya pero nagkalayo na kami ng landas simula ng nagaral sya ng kolehiyo sa bayan. May kapatid na nakababata siya si Ynna, maganda at madaldal ito at madalas pumupunta ito si farm upang mag kwento lamang ng problema nya sa school. Ang asawa naman ni Mang Minandro na si Ginang Rosario ay naging guro ko noonng highschool nung ako'y nagaaral pa. Strikta si Mam Rosario sa eskwelahan maging sa kanyang mga anak. Kaya ganun na lamang ang takot nila Ynna at Mike sa kanya.
Mayroon din akong dinedeliberan sa malapit sa bundok ngunit dinadalan ko lang ito kapag iniuutos lamang ni nanay, sya Si Madam Esther, nakatira sya sa isang Mansion malayo sa aming baryo kaya kung dalhan ko sya ay sa hapon at pinakahuli dahil mahirap ang pagpunta doon. Buti na nga lang ay halos 1 beses sa isang buwan lamang ito kung magpadala dahil tuwing uuwi ako mula roon ako'y nakakaramdam ng sobrang pagod dahil matagtag ang byahe.
"May nakalimutan pa ba ako nay ?!" Sigaw ko habang nagmamaniobra ng
Sasakyan."He helgaa, nak! May pahabol pa si Madam E..Esther." Ani nanay na hinihingal pa sa pagsasalita.
Nako po may pahabol pang deliber, sana pala umalis na ko ng maaga aga.
"Dapat kasi nay gabi pa lang nagsasabi na yan si Madam, anong oras na oh"
Pinaayos na agad ni inay sa mga tauhan nya ang mga pahabol ni Madam Esther.
...
BINABASA MO ANG
A Drive into The Unknown
Mystery / ThrillerSiya si Helga, 19 years old, inampon mula pagkabata ng isang babaeng nagmamay-ari ng farm sa kanilang lugar. Madalas syang magdrive at magdeliver ng mga pananim nila, minsan sa palengke o sa bahay mismo ng kanilang mga suki. Depende sa trip nila. A...