Makalipas ang ilang buwan na halos pare-parehas lang ang nangyayari.
Balibalita ngayon sa baryo na may mga nawawalang kabataan sa baryo na edad 16 hanggang 20 babae at lalake. Usually aalis daw ito sa kanilang bahay ng gabi at hindi na bumabalik sa kanilang tahanan. Hindi ko alam kung ito'y haka-haka lang o may katotohanan ang payo nalang sa akin ni nanay ay laging magingat at magdala lagi ng itak sa sasakyan.
Habang naghihintay sa mabangong almusal na niluluto ni nanay ay pinahiran ko muna ng mabangong unguento mula kay madam sa peklat ng aking kamay.
Simula ng Binigay ni Madam Esther yung pamahid na pag inamoy mo ay parang samyo ng mga bulaklak sa Garden niya. Nagamit ko na nang ilang linggo at natutuwa ako sa magandang resulta dahil unti-unting nawawala ang marka sa aking kamay.
Pagkatapos kong magpahid ay umupo na ako sa hapagkainan ng dahil nagtatawag na si nanay para kumain. Ngunit may biglang pumasok sa aking isipan.
"Nay bakit Hindi ka Nag-asawa? Diba may gusto naman sayo si Mang Manuel, bakit hindi mo sya pinatulan." Biglang tanong ko sa kanya na sya naman nyang ikinahinto ng saglit.
"Isabay mo sa delivery mo ngayong araw sila Mang Minandro. Ipaghahanda ata nila si Mike yung kababata mo. Nakauwi na ata sya."
"Talaga ba Nay! Naku makikita ko narin sya sa wakas after 6 years, ano na kaya ang itsura non. Naaalala nya pa kaya ako?"
"Malalaman mo yan pag binilisan mo ang kain at pumunta kana don" nakatawang tugon sa akin ni nanay.
Binilisan ko ang kain, agad ako nagayos ng kinainan at pumunta sa kwarto.
Humarap ako sa salamin at tinitigan ang aking sarili mula ulo hanggang paa. Napagtanto kong Muka na pala akong lalake sa gulo ng buhok na halos walang suklay, ang dungis, at ang baho. Minsan kasi wala na kong panahon magayos ng sarili at hindi ko narin naiisip sa araw araw yon.
Ngunit parang iba ang ihip ng hangin at gusto ko kahit papaano maayos ang itsura ko. Nagsuklay ako ng buhok, nagpalit ng damit, at sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin.
Paglabas ko ng kwarto ay nagulat si nanay sa itsura ko.
"Aba iha,may iba yata sayo ngayon ? Di ka naman nagaayos ah"
"Nay naman eh minsan nalang ako magaayos"
"Ayun na nga ngayon ka lang nagayos sa talang buhay mo, nako ah! Helga siguraduhin mo lang na hindi para kanino pa man yan. Alam ko yang mga ganyan binabalaan kita."
"OPO NAY!! Wag na mainit ulo" tinatawanan ko sya bago umalis kasi nakasimangot na sya.
"Magiingat ka..."
Nanay Esang's POV
"Nay bakit Hindi ka Nag-asawa? Diba may gusto naman sayo si Mang Manuel, bakit hindi mo sya pinatulan."
Sumariwa sa aking ala-ala ang nakaraan.
"Esang halika na sumama kana sa akin at aalis na tayo dito sa lugar na to."
"Hindi pwede Emmanuel. Umalis kana. Hindi kita kailangan. UMALIS KANA! UMALIS KANA!" Sigaw ko sa kanya sa may bintana
"Hindi! Hindi totoo yan! Lumabas ka dito" Iyak ni Emmanuel habang nagmamakaawa na pagbuksan ko ng pinto.
Naghintay sya sakin ng buong gabi ngunit hindi ako lumabas. Hanggang sa umalis na sya.
---Alam ko bakit ka nagaayos Helga at
Ayokong masaktan ka kaya binabalaan na kita...Helga's POV
Nakarating na ako kila mang Minandro at nakita ko ang banners na nakalagay sa harap ng bahay nila.
WELCOME HOME!
MIKE HERNANDEZ, RPh, MSc
Congratulations and Advance Happy 25th birthday.Pagbaba ko ng sasakyan ay Pinagmamasdan ko ang Banner nya. Sobrang proud ako sa kanya sobrang layo na ng narating nya. Tapos na sya sa masteral nya parang kailan lang. At malapit narin pala ang kaarawan nya. Napabuntong hininga nalang ako sa dami ng pumapasok sa isip ko.
Dumiretso na ako sa tapat ng pintuan nila upang kumatok ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaking parang di ko nakikilala.
Matangkad, kayumangi na may mapupulang labi at matingkad na ngiti na aabot hanggang sa langit.
Char! Kanta na pala hahaha
Natulala ako ng saglit. At naka balik din sa wisyo.
"Ahhmm.. andito na po yung order ni Mang Minandro."
Nagulat ako ng biglang hinila ni Mike ang balikat ko at pinulupot ang braso nya sa leeg ko at ginulo ang buhok ko na sadyang kinagulat ko.
"Oyyy!! Ang laki laki mo na Helga, dalaga kana! Hahaha" habang ginugulo ang buhok ko.
"Oyy mikee bitawan mo ko." Kinagat ko ang braso nyang nakapulupot sa leeg ko. "Aray ko !" Sabay tawa nya ng malakas, Tsaka nya lang ako binitawan.
"Wala kang kupas ah nangangagat ka parin tulad ng dati" Pangaasar nito.
"Asaan na ba si Mang Minandro pipirmahan nya lang ito. Nang makaalis na ako." Sagot ko sa pangaasar nya para makaalis na ako, Dahil di ko na rin maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Aalis kana agad? Halika dito ka muna at magkwentuhan muna tayo." Hinila nya ko papasok ng bahay.
"Ate Helga oo nga kain ka muna dito oh marami kaming ihahanda para kay kuya!" Singit ni Ynna.
"Pasensya na gusto ko man pero marami pa akong Deliveries ngayong araw eh. Sasaglit lang ako dito."
Hindi na nya ko pinilit at pinaupo nya ako sa Dining Area nila. Pilit na ngumiti ako sa kanya upang matakpan ang hiya at kaba na nararamdaman ko habang magkatabi kami ng upuan at hinihintay ang pagkain.
Isang tahimik na sandali ang namagitan sa aming dalawa.
"Kamusta kana?" Sabi ko.
"Kamusta kana?" Sabi nya.
Sabay naming bigkas sa isat isa. At natawa kaming dalawa. At doon lang nabasag ang katahimikang bumalot sa amin."Wag kang mahiyang kumain ng marami. Alam kong mapapagod ka sa buong araw." Ngiti nya sakin kasabay ng pagtaas taas ng dalawa nyang kilay.
"Helga isama mo nga yan muna si Mike sa byahe mo nang malibot nya muli ang Bayan natin". Ani ni Mang Minandro habang ngumunguya ng pagkain.
"Basta umuwi kayo ng maaga at magiingat uso nangunguha ng kabataan ngayon". Ani ni Ginang Rosario sa amin.
"Ma naman parang bata parin ang turing sa amin. Sa laki ng katawan kong ito (showing his biceps)natatakot ka pa! Galing Manila na to ma. Wala yang mga yan!" Pangloloko ni Mike sa mama nya.
"Ah basta para sakin muka parin kayong bata!" Seryosong tugon ni Mrs. Rosario
"Ma sama ko sa kanila!" Singit ni Ynna.
"Hay nako gumawa ka ng mga assignments mo dyan. Hindi pwede di ka pa tapos" ani ni Mrs. Rosario kay Ynna.
Napakamot ng ulo si Ynna sa inis at
Nagtatawanan kami sa hapagkainan at habang tumatagal ang kwentuhan ay unti unti ng gumaan ang pakiramdam ko at nawala na nang kaunti ang hiyang nararamdaman ko. Parang katulad nalang ulit ng dati nung mga bata pa kami. Siguro sa sobrang tagal nya din kasi nawala, nanibago lang din ako.
BINABASA MO ANG
A Drive into The Unknown
Mystery / ThrillerSiya si Helga, 19 years old, inampon mula pagkabata ng isang babaeng nagmamay-ari ng farm sa kanilang lugar. Madalas syang magdrive at magdeliver ng mga pananim nila, minsan sa palengke o sa bahay mismo ng kanilang mga suki. Depende sa trip nila. A...