Kabanata 4

14 0 0
                                    

Pag angat ko ng aking ulo ay Sobrang blurred parin ang nakikita ko.

Pag angat ko ng aking ulo ay Sobrang blurred parin ang nakikita ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ctto.
-----
May naaaninag ako sa di kalayuan na papalapit sa akin.
Naka blusang itim at maputing babae ngunit di ko maaninag ang kanyang muka dahil sa labo. Hindi ko maigalaw ang aking katawan, di rin ako makagalaw sa aking kinauupuan. Tanging malabong aninag lamang ang nakikita ko.

"Hmphh.. hmph.. ma..m... E..sth..er?" Habang Pinipilit kong igalaw ang aking katawan upang makatayo ngunit wala etong responde tanging mata ko lang ang aking naigagalaw ngunit ito'y malabong nakakakita.

"Sshhh... wag ka nang maingay." Ani ng babaeng tumabi sa aking kinauupuan at ang kamay nya ay nakatakip sa aking bibig.

Nararamdaman kong ang kamay na mula sa aking bibig ay unti unting bumababa papunta sa leeg hanggang makababa mula sa aking dibdib. Na sadya kong ikinagulat dahil kahit kailan ay di ko pa naramdaman ang ganong sensasyon ngunit Hindi ako makareak dahil wala akong magawa kundi hayaan sya dahil ang aking katawan ay di ko maigalaw.

"Huumpp! Hummp!"

Nasaisip kong itigil na nya At gusto kong sumigaw ng napakalakas ngunit sinong nakakarinig sa akin? Malakas ang ulan sa labas? Napakalayo sa tao ng lugar na ito.
Anong gamot ba ang ipinainom nito sa akin kung kaya't pati ang pagsasalita ay di ko magawa. Ni hindi ako makasigaw para humingi ng tulong.

Wala na kong magawa kundi hindi lumaban at manahimik habang tumutulo ang aking luha sa takot. Naramdaman kong ang kamay nya ay papunta na sa aking kasarian at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Ang huli ko nalang narinig ay halakhak mula sa isang babae.

Nanay Esang POV

"Asan na kaya iyong batang iyon. Ginabi na wala parin." Nagaalala kong tanong sa aking tauhan

"Nay baka nagkaroon lang problema daan yon malakas kasi ang ulan kanin, gusto niyo ho ba ireport ko na sa baryo" sabi ng aking tauhan na si Eduardo

"Hindi na, baka nga naaberya lang iyon. Makakaistorbo pa tayo sa mga tao ng baryo at tayo'y matsismis pa. Hala na, umuwi kana!"

Iniisip ko lang din ang kapakanan ni Helga baka matsismis sya ng kung ano ano dito sa amin. Ang bilis pa naman kumalat ng kwento dito.

Makalipas ang buong gabi halos di ako nakatulog sa magdamag kakaisip kung nasaan si Helga. Nagaalala kung anong nangyari sa kanya. Nagiisip ako kung sino huling denileveran nya.

"Si Esther!"

Agad na akong bumangon sa kama at tinawag si Eduardo.

"Eduardo!! Halika samahan mo ako at ipagdrive mo ako papunta sa bahay ni Esther baka nandoon sya..

---
Helga's POV

Pagmulat ko ng mata ay agad ako tumayo na nagdulot ng biglang pagkahilo at napaupo ulit ako sa SOFA.

Nang mawala na ang hilo ay nagulat ako at may nakaupo sa harapan ko.
Isang magandang matandang babae na halos kaedad ng nanay ko.

"Madam Esther?!"

"Ako nga." Nakangiti nyang sabi.

"Kagabi po may nagpapasok po sa akin ditong babae kaya.. kaya.. po ako nandito." Nangangatog kong sabi dahil muli kong naalala ang mga kakaibang nangyari kagabi.

"Hah?! Natatawa nitong reaksyon. "Wala akong tauhang babae rito. Puro lalaki lang ang kinukuha ko maging tagalinis ng bahay"

"HOH? Pano ho nangyari yun may babae pong kumausap sa akin kagabi." Panggilalas ko sa sinabi niya

"Iha mataas ang lagnat mo kagabi baka nanaginip ka lang. Kinuha ka lang ng tauhan kong si Elmer sa sasakyan mo dahil nakita ka nyang nakatulog sa sasakyan mo kagabi. Basang basa rin yung damit mo kaya kita mo iba na yang suot mo" seryoso nitong sagot sa akin.

Napatingin ako sa suot ko. Nakita kong iba nga ang suot ko. Bakit ganoon parang totoo yung nangyayari kagabi, pero di na ako nagtanong ulit kay madam esther, baka panaginip nga lang ang lahat. Hiningi ko nalang ang kasuotan ko nang gabi at pinakuha naman ito ni Madam sa tauhan nya sa labas.

"Iha kumain ka muna at maya ay umalis kana dahil baka hinahanap kana ng nanay esang mo." Alok ni madam esther sa akin.

"Sige po." Habang papunta sa hapagkainan ay nililibot ko ang aking mga mata sa napakalaking bahay ni madam. May nakita akong picture frame at nang lalapitan ko na ito ay biglang may narinig akong kalabog mula sa ikalawang palapag ng bahay ni Madam. Napatingin ako sa hagdanan paakyat.

"Halika kain kana." Nasa likuran ko na si Madam at Nakangiting alok sa akin.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Nang makaupo na kami para kumain ay biglang may narinig kaming sasakyan na paparating kaya napatingin kaming dalawa sa bintana.

Napatayo ako sa upuan tulad ni Madam na nakangisi sa harap ng bintana.

"Ang nanay Esang mo nandito na" nakangisi nitong sabi.

Agad akong lumabas ng bahay upang salubungin si nanay dahil alam kong nagalala ito sa akin ng sobra.

"Nayy!!" Tumatakbo ako papunta sa kanya habang pababa pa lang sila ng sasakyan.

"Helga!? Nagalala ako sayo. Sabi ko na nga ba at nandito ka lang. Halika na at umuwi na tayo"

"Nay ano ka ba magpasalamat ka kay madam pinatuloy nya ko dito sa kanila dahil malakas ang ulan kagabi" habang hila hila ko ang kamay ni inay ngunit ayaw na nitong sumama.

"Ikaw nalang masakit na ang mga tuhod ko" hinaing nito sa akin.

Hindi ko na pinilit si inay at isinakay ko na sya sa sasakyan.

Bumalik muna ako sa bahay para magpasalamat kay Madam.

"Madam Esther nakalimutan ko pong Magpasalamat at magpakilala. Ako po si Helga, natutuwa po ako at nakita ko narin po kayo ng personal. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa bahay niyo" nakangiti kong sabi kay madam.

"Walang anuman matagal na kitang kilala, magiingat kayo sa paguwi ahh. Pwede ka pa namang bumalik dito. Eto pala may pamahid ako, ipahid mo dyan sa peklat sa kamay mo."

Kinuha ko naman ito at nagtataka kung bakit alam nyang may peklat ako sa kamay. "Salamat ho"

Bago ako sumakay ng sasakyan ay may naaninag akong nakasilip sa bintana ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin marahil ito'y dala lang ng hilo ko kagabi kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

Bago kami Umalis sa lugar ay napatingin muli ako sa bahay at maraming tanong ang nabubuo sa aking isipan ngayon.

Ngunit sa ngayon ay ayoko munang isipin lahat ng nangyari.




A Drive into The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon