Read first 👉Pasimula. Important part po siya ng story. Thank you.
----
Paalis na ako sa aming bahay ng biglang sumigaw si nanay para sabihin lang na may pahabol sya.
"Helga!!"
Magdeliver daw ako kay Madame Esther.
Nagsisisi tuloy ako na di ko inagahan ang alis kailangan ko pa tuloy puntahan ang masukal na lugar ni Madam. Napakalayo pa naman dito samin.
Sumakay na ko at binuksan ang radyo upang makinig ng mga kanta mula sa aking paboritong estasyon.
Nagdadrive na ako ngayon papunta sa tahananan nila Mang Minandro, ang una kong customer.
Habang nagiisip ng maraming bagay tungkol sa aking buhay, Napapaisip kung bakit hanggang ngayon ganito parin ako taga deliver lang ng mga gulay habang ang iba kong mga kaibigan ay nag-aaral sa bayan, at may magandang kinabukasan tulad nalang ni Mike.
Nakatulala lang ako at lumilipad ang isip habang nag dadrive sa daanang halos kabisado ko naman na dahil halos tatlong beses sa isang linggo kung dalhan ko sila Mang Minandro.
Nang may maaninag akong batang nakasuot ng halos nangingitim na damit na nakatalikod at nakaupo sa gitna ng daanan.
Prttttttttt...
Prttttttt..... matagal na pindot ko sa busina ng sasakyan.
Ang bata ay nanatiling nakaupo lang sa gitna ng daanan kahit binubusinahan ko para umalis na sya, ngunit parang wala itong naririnig aa aking busina.
Kaya bumaba ako sa sasakyan para tignan ang bata.
"Psst.. Boy alis kana dyan marami pa akong dedeliveran at baka masagasaan ka pa ng ibang dumadaan dito" sabi ko habang nakatayo lang ako sa tabi ng pintuan ng sasakyan.
"Pssstt..."
Parang walang naririnig ang batang gusgusin na nakaupo lang sa sahig at nakatalikod sa akin.
Nang lalapitan ko na ang bata ay tsaka ko naman ito dahan-dahang humarap patungo sa akin. Nagulat ako ng pagharap nya ay babae pala sya. Magulo at maikli kasi ang buhok nito kaya mapagkakamalan mong lalaki. Nangingitim sa dumi ang muka nito na halos mata lang ang makikita mo.
"Neng anong pangalan mo ? Nasaan ang mga magulang mo ?"
Hindi ito sumagot.
"Ilang taon kana ? Nawawala ka ba? Gusto mo ba ihatid kita sa barangay para iuwi ka nila sa inyo"
Tumango lang ang bata at bahagyang tumitig sa akin. Naisip kong nawawala ang bata dahil sa edad nito kung titignan mo ay 5 taon pababa ang gulang nito at tumingin-tingin ako sa paligid kung may malapit ba na bahay para may mapagtanungan, ngunit puro damuhan lang ang nakikita ko. Nakokonsensya naman akong iwan sa daanan ang maliit na batang ito. Kawawa naman.
Napaka-unusual naman, bakit kaya may bata sa daanan tapos wala pang mga bahay na malapit dito. Nasaan na ba mga magulang nito. Usal ko sa aking isip.
Hinawakan ko ang kamay ng bata para itayo at pinagpagan ang damit bago isakay sa sasakyan. Medyo malamig ang kamay ng bata siguro dahil narin sa tagal nitong nakaupo sa daanan. Binuhat ko sya papasok sa sasakyan dahil mataas ang dala kong truck pang deliver.
Medyo iba na ang amoy ng bata dahil nangingitim na rin ang kasuotan nito. Buti nalang may baon akong damit pamalit at binihisan ko ang bata. Malaki nga lang. Pinamunas ko rin ang dala kong bimpo sa kanyang muka dahil di ko matiis na muka syang uling sa itim. Binigyan ko rin sya ng baon kong pagkain dahil alam kong gutom ito.
Hindi ako nagkamali at naubos nya ang baon kong tatlong nilagang itlog.
Wala na akong baon. Sa isip isip ko hay nako Helga masyado kang mabait wala ka tuloy pagkain buong araw. Usal ko sa aking sarili. Nangisi nalang ako sa nangyayari.
Makalipas ang ilang oras nakarating narin ako kila mang Minandro, tahimik lang ang bata sa buong byahe at nakatitig sa labas habang nginangata ang maitim na kuko.
"Neng dito ka lang ah, may kakausapin lang ako" sabi ko sa bata bago ko pinatay ang makina at kinuha ang susi nito baka kasi paglaruan ng bata.
Tumango naman ang bata at bumaba na ko ng sasakyan.
"Helgaa buti naman at nakarating kana medyo huli ata ang delivery mo ah." Sabi ni mang Minandro habang nakangisi.
"Oo nga mang minandro pasensya na kayo medyo nagkaproblema lang sa Daan, eto na po delivery nyo paki pirmahan nalang po sa resibo"
Habang inuusisa ni Mang minandro ang mga paninda ay sumusulyap sulyap ako sa sasakyan at tinitignan kung nasa loob parin ang bata. Nandoon parin naman ang bata sa loob kaya hindi na ako nagalala.
"Salamat Helga ah, magingat ka sa byahe madami loko-loko dyan sa tabi tabi. Malapit na nga pala magbakasyon dito si Mike sa Summer Break. Isama mo sya minsan sa delivery mo para malibot nya ulit ang Baryo." Ani nya Habang nagaayos ng paninda.
"Sige ho mang Minandro mauna na po ako. Ikamusta nyo po ako kila mike at Ynna."
Pabalik na ko sa sasakyan ng maaninag kong wala sa kinauupuan ang batang iniwan ko. Inikot ko ang palibot ng sasakyan at tinignan pati ang ilalim nito ngunit wala ang bata.
Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan nagulat ako at nagtatago sa may ilalim ng upuan ang bata at nanginginig.
"Uy bata ayos ka lang" at dahandahan kong inabot ang balikat ng bata para di ito magulat. Nagulat nalang ako ng kagatin nya ito.
"Arayy!!" Nahila ko ang kamay ko dahil sa gulat kaya nagsugat ito ng malalim. Hindi ako makaimik sa sakit napasigaw nalang ako.
"Grrrhh!! Ano bang problema mong bata ka!" Nanggigigil kong tanong habang hawak hawak ang nagdudugo kong kamay.
Sa takot ng bata ay tumalon ito sa binatana ng sasakyan na nakabukas
Natulala nalang ako
At di makagalaw sa kinauupuan ko
---

BINABASA MO ANG
A Drive into The Unknown
Mystery / ThrillerSiya si Helga, 19 years old, inampon mula pagkabata ng isang babaeng nagmamay-ari ng farm sa kanilang lugar. Madalas syang magdrive at magdeliver ng mga pananim nila, minsan sa palengke o sa bahay mismo ng kanilang mga suki. Depende sa trip nila. A...