Siya si Helga, 19 years old, inampon mula pagkabata ng isang babaeng nagmamay-ari ng farm sa kanilang lugar.
Madalas syang magdrive at magdeliver ng mga pananim nila, minsan sa palengke o sa bahay mismo ng kanilang mga suki. Depende sa trip nila.
A...
"Alam mo kanina parang may kakaiba kay Helga, Tingin ng tingin ba naman sa sasakyan. Akala mo may kukuha ng sasakyan nya e nakalock naman." Kwento ko kay Rosario habang naghihintay ng niluluto nyang Menudo.
"HAY NAKOO! Ganyan talaga mga kabataan ngayon Madaming sekreto! teka nga tawagan mo muna si KUYA kanina pa gusto makipagskype non" nakapamewang na parang nagtuturo ng estudyante.
"Halika nga dito Ynna turuan mo ko dito sa selpon"
"Hay nako tay! TAGAL TAGAL KO NA TINUTURO sa inyo yan." Nagdadabog na sagot ni Ynna.
"Hoy Ynna ayusin mo pananalita mo sa tatay mo ah! Baka gusto mo makumpiska yang hawak mo" galit na tugon ni Rosario sa asta ng kanyang anak.
Nagloloading na ang skype...
"Hello kuya!! Kamusta kana dyan? Kelan kana ba babalik ?" Kumakaway na sabi ko habang nakaharap sa camera.
"Malapit na tayy!! Konting tiis nalang po matatapos na ako dito"
Binigay ko muna kay Misis ang skype para makamusta nila ni Ynna si Mike
-----
HELGA'S POV
Nagulat ako ng pagtalon ng bata sa bintana ng sasakyan ay may dumaan na sasakyan. Dinig na dinig ko ang kalabog ng pagtama nito sa sasakyan.
Natulala ako at di makagalaw sa kinauupuan ko. Kasalukuyang alas-dose ng tanghali ngunit ang pakiramdam ko'y nilalamig.
Nakahinto parin ang sasakyan sa harapan at naaninag kong bumaba ang driver upang tignan ang nabangga nito.
Bumaba rin ako sa sasakyan at dahan dahang lumapit sa sasakyan halos nangangatog ang aking katawan sa kaba
Ngunit pag tingin ko sa harapan ng sasakyan ni Manong driver ay isang Itim na ibon lang pala ito na nakabagsak sa sahig. At windshield na nabahiran ng dugo.
Napatingin sa akin ang Driver kung bakit ako nakikiusisa at nagtanong "Ano hong kailangan niyo Miss" kunot noo nyang tanong.
"Ah e wala ho." Halos parang gusto kong mapaupo sa sahig dahil di ako makapaniwala sa nakikita ko.
Tumalikod ako at napabuntonghininga, Takang taka kung paano o nasaan ang batang kanina ay kasama ko lang sa sasakyan.
Naglakad na ako pabalik sa sasakyan habang tinitignan ang paligid nagbabakasakaling makita ko ang batang ngunit wala akong nakita.
Namamalik mata lang ba ako?
Eh sino ung batang katabi ko kanina ?? Mariing tanong ko sa sarili.
Nang makasakay na ako, ay napatingin akong sa sugat mula sa kagat ng bata sa aking kamay.
Nagtataka naman ako at wala na ang sariwang sugat ngunit may marka ito ng kagat. Nakita ko rin ang bimpong pinamunas ko kanina sa bata na nasa upuan, at Naihagis ko ito sa labas ng bintana ng makita kong balot ito ng itim sa dumi. Tinignan ko din ang baon ko na binigay ko sa bata kanina. At ganun din wala iyong laman.
"Paano nangyari yon?" Usal ko sa aking sarili na takang taka sa mga nangyari.
Pagkatapos kong madalhan si Mang Manuel na laging kinakamusta si Nanay Esang ay nagmadali na akong umalis, kailangan ko nang puntahan si Madam Esther dahil magdidilim na at mahihirapan na ako makauwi.
Alas-kwatro na ng hapon at patungo na ako sa huli kong destinasyon. Halos buong byahe ko iniisip ko ang batang tinulungan ko at napapatingin ako sa upuan na kanina'y inuupuan lang ng batang babae. Nagtataka din ako sa naiwang bakas sa kamay ko na kanina naman ay wala.
Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala habang tinitignan ang aking kamay na may bakas ng kagat.
Nakakaramdam ako ng sakit nang ulo kakaisip sa nangyari kaya hininto ko muna saglit ang sasakyan upang magpahinga.
Binuksan ko muna ang Radyo para magpatugtog at makaidlip ng saglit. Pero puro Static lang naririnig ko.
Shsksls...nnshs...khsk
"Ano ba yan! "sabay hampas ko sa radyo ng sasakyan. Litsugas na lugar to walang signal, itinigil ko na ang paghahanap at pinatay ang Radyo. At umidlip nalang ng sandali.
...
...
Nagising ako sa tunog ng bumukas ang Radyo na puro static lang naman pero malakas.. ... .. . Ang alam ko ay pinatay ko bago matulog ang radyo kaya laking taka ko at Pinukpok ang radyo bago ko pinatay baka sakaling gumana. Kailangan na talaga palitan itong radyo medyo luma na rin kasi.
Makalipas ang ilang oras ng byahe ay medyo malapit na rin ako sa lugar nila Madam, ngunit medyo nagdidilim na at maulan. Medyo mausok narin ang daan, dala na rin siguro ng lamig ng lugar.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.