Kabanata 3: Blusang Itim

22 0 0
                                    

Ctto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ctto.
---

Mag aalas-syete na ng gabi ng makarating ako sa bahay nila Madam Esther.

Malamig ang simoy ng hangin dahil sa lakas ng ulan kanina na animo'y nagbabadya ulit ng malakas na ulan.

Masyado ng gabi para sa Normal na oras ng pagdadala ko ng mga gulay at iba pang tanim. Sa Normal na araw ay nakakarating ako ng alas-kwatro kila Madam, ngunit sa Dami nang nangyari ngayong araw at nakatulog pa ako ng saglit sa daan ay masyado na akong inabot ng dilim.

Madilim man ang paligid. Ngunit makikita mo ang angking Liwanag ng tahanan ni Madam. Isang malaking mansion na niluma ng panahon ngunit nanatili ang ganda At mararamdaman mo ang sariwang hangin na dadampi sa iyong balat kapag nandito ka. Nakakamangha naman talaga sa laki ng bahay

Ang bahay ay napapaligiran ng mayayabong na puno sa paligid. Makikita mo din sa harap ng kanilang bahay ang hardin na puno ng mababangong bulaklak na maamoy mo kapag sumisimo'y ang hangin. Ang kanyang bahay ay may Tatlong palapag. May malalaking bintana at pintuan. Never pa akong nakapasok sa bahay ni Madam, usually kasi sa labas ko lang iniiwan ang mga order nya, kasi pinapakuha nya nalang sa mga tauhan nya ang nga ito.

Kumukuha si Madam sa amin ng mga pananim, dahil wala itong ibang kilala sa baryo na pagkukunan ng Pagkain kundi si nanay lang. Hindi rin kasi lumalabas ito ng lugar nila o bumababa man lang sa bayan.

Usap usapan nga ng karamihan na Never pa nila nakita sa personal si Madam Esther. Never daw ito lumabas ng bahay. Tanging si Inay lang daw ang nakakakilala dito at ang mga nagtratrabaho doon usually ay edad 15-20s  and above.

Usap usapan din ng iba na Mangkukulam,mahiko,bampira,aswang at marami pang spekulasyon. Hindi ko alam kung alin don ang totoo.

Hindi naman ako natatakot dahil ang alam ko kaibigan niya si nanay. At di ako naniniwala sa mga ganun. Para sa akin ay haka haka lang ng mga tsismosang kababayan yon.

---
Ibinababa ko na sa sasakyan ang aking mga dala at isa isa itong nilagay sa tapat ng malaking pintuan ng bahay.

Habang naghihintay ako na may magbukas ng pintuan ay may naaninag akong bukas na ilaw at may nakasilip sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay ni Madam.

Nang lalapitan ko na ito para mas makita ay bumukas ang pinto.

At hindi tauhan ang lumabas kundi Isang maganda at maputing babae na may suot na puting mahabang damit at may balabal na itim. Talaga namang kung ikaw ay lalaki ay mahuhumaling ka sa kagandahan nito at nakakaakit na halimuyak ng bulaklak na nakadikit sa kanyang katawan. Pero nagtataka ko dahil bago ang muka nya sa aking ala-ala. Iba ang pinagbibigyan ko dati ng mga deliveries ko.

Nagising ako sa imahinasyon ko ng magsalita ang babae.

"Bakit ngayon ka lang dumating kanina ka pa inaantay ni Madam." Sabi ng magandang babae habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ah eh may aberya lang ho sa byahe ko kaya ginabi na po ako ng dala sa inyo. Pasensya na ho kayo, masarap parin naman po ito hindi po basta basta nasisira. Sino ho pala kayo?" Ani ko sa babae.

Natawa lang ang babae at hindi sinagot ang tanong ko. Laking pagtataka ko dahil ngayon lang ako pinapasok sa bahay ni madam

"Halika pasok ka" ani ng babae.

"Ho? Nasaan po ba si Madam ? Pipirmahan nya lang po itong resibo." Nagtatakang tanong ko.

"Halika pumasok ka muna hindi na pwedeng lumabas si Madam ngayon dahil gabi na. Hintayin mo sya sa loob." Sabi sakin ng babae habang hinahatid ako papasok.

"Paano po ung mga inorder sa labas kukunin ko lang po" sabi ko sa babae dahil nakita kong naiwan lang ito sa tapat.

"May kukuha nyan. Hayaan mo. Umupo ka muna dyan at paghahandaan kita ng pagkain bago mo makausap si Madam"

Sumunod naman ako at umupo sa upuang malambot ng malaking salas ni madam. Nililibot ko ang aking mata sa mangha na aking nakikita.

 Nililibot ko ang aking mata sa mangha na aking nakikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


May mga magagarang pigurin at makikintab na ilaw. Malalaking bintana at kurtina. Magagandang mga kagamitan. Mwebles na gawa sa matitibay na kahoy. Walang binatbat ang aming pamamahay. Nangisi nalang ako habang iniisip ang pagkukumpara at pagoobserba sa lugar.

"Eto inumin mo muna itong kape" inabot nito sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay na nakahawak sa baso.

Napatingin sya sa marka ng sugat na mayroon ako sa kamay. At bumitaw mula sa pagkakahawak.

"Maghintay ka lamang dyan at tatawagin ko si Madam." Paalis nyang sabi.

Habang nililibot at iniinom ko ang masarap na kape na hinanda sakin ay may nakita akong mga kakaibang pigurin at tinititigan ang mga malalaking litrato. Nang mapatingin ako sa isang side table malapit sa hagdanan ay mayroong isang lumang Album ngunit bago pa man ako makalapit ay napapansin kong habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng hilo  at ang aking paningin ay lumalabo. Kasabay ng pakiramdam na sakit ng ulo.

Nabitawan ko ang kapeng aking iniinom. Pilit kong Kinukuskos ang aking mga mata, Ngunit hindi nawawala ang labo ng aking paningin.

Hanggang sa mapaupo ako sa Sofa at ipinikit ang aking mata para mapahinga baka sakaling ito'y mawala.

Pag angat ko ng aking ulo. May naaaninag ako sa di kalayuan na papalapit sa akin. Naka blusang itim na maputing babae, ngunit hindi ko mamukhaan.

...

A Drive into The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon