02

60 3 0
                                    


Chapter 02:

Tinulak ni Drayne si Austin papalayo, sa lakas ng pagkakatulak ni Drayne sa kaniya tumilapon siya sa sahig, agad tumingala si Austin kay Drayne at nakita niya itong natutulala, kaya agad siyang tumayo at nilapitan ito. "Drayne nagbibiro lang ako," sabi ni Austin sa kaniya.

Tumango lang si Drayne habang nakayuko ang ulo, hinawakan ni Austin ang ibabang bahagi ng kaniyang baba upang iangat ang kaniyang ulo, dahan-dahan nagtagpo ang mga mata nila at nginitian siya ni Austin, "Drayne nagbibiro lang ako, sorry if na offend kita." Hindi pa rin mawaglit sa kaniyang mukha ang malaki nitong ngiti, agad din umiwas si Drayne at Hinawakan niya ang kaniyang dibdib.

'dugdug, dugdug'

Napalunok si Drayne at agad na umalis, ngunit napahinto siya sa paglakad dahil hinawakan ni Austin ang kaniyang pulsohan. "Drayne saan ka pupunta?" Hindi sumagot si Drayne sa kaniyang tanong kaya Binitawan niya ito sa pagkakahawak at kinuha ang libro sa kaniyang bag, ibibigay na niya sana ito ngunit nawala na si Drayne sa kaniyang kinatatayuan.

Door clangs (rooftop)...

Agad sinarado ni Drayne ang pinto at huminga siya ng malalim."huuuu, ngayon pa talaga nasira ang elevator ng school na'to," reklamo niya. Hinanap niya ang lumang upuan sa likod ng water tank, nang makita ito agad niya itong kinuha at nilagay sa harapan ng parapet walls.

Tanaw na tanaw ni Drayne ang buong school campus, buti na lang medyo makulimlim kaya hindi masyadong mainit ang panahon.

Rooftop ang pinupuntahan ni Drayne sa tuwing nagkakaproblema siya or 'di kaya'y gusto niya lang mapag-isa, dito din niya nilalabas ang kaniyang galit, poot, hinanakit, at higit sa lahat dito din niya kinakausap ang kaniyang sarili. Ito ang pinaka mapayapang lugar ng school campus nila bukod pa dito wala ding ibang mag-aaral ang nakakapasok sa lugar na'to kung kaya't isa ito sa paboritong lugar ni Drayne sa kanilang paaralan. Tanging si Drayne, Austin at iba pang malalapit sa kaniya ang nakakapasok dito.

Kahit maganda ang tanawin sa rooftop hindi pa rin niya magawang ngumiti sapagkat bumabagabag pa rin sa kaniyang isipan ang mga pangyayari kanina.

'Then do it'

'Then do it'

'Then do it'

Sinampal niya ang kaniyang sarili. "Shit!!! Please lang umalis ka sa isipan ko!" Sigaw niya.

Minasahe niya ang kaniyang noo at kinagat ang kaniyang labi. "This can't be, I already know that there is something about him but kaibigan ko siya and besides I'm already committed to someone whom I loved the most, she makes me happy, she made me feel that I am not alone and I can't afford to lose her. Hindi to pwede, I need to stop this and I need to forgot this fucking shit dahil isa lang itong kahibangan..." Sabi niya sa sarili.

Phone rings...

Agad niyang sinagot ang tawag.

DRAYNE: hello, Roxanne napatawag ka ata.

ROXANNE: nandito ako sa labas ng classroom mo but wala ka, nasan kaba?

DRAYNE: I'm here at the rooftop and bakit mo ba ako hinahanap?

ROXANNE: because I miss you.

Napangiti si Drayne sa sinabi ni Roxanne sa kaniya.

DRAYNE: talaga? Baka binibiro mo lang ako.

ROXANNE: I really miss you, diyan ka lang, pupuntahan kita.

DRAYNE: okay, I love you...

Once in a Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon