03

60 1 1
                                    

Chapter 03:

Makalipas ang ilang araw lumabas na ang resulta ng Final Exam nila. As usual si Drayne na naman ang nangunguna, syempre siya lang naman ang pinakamatalinong estudyante sa paaralan nila. Ngunit bobo siya pagdating sa pag-ibig haha. Siguro kung hindi dahil kay Austin hanggang ngayon single pa rin siya.

Pilit iniiwasan ni Drayne si Austin magmula nung araw na 'yon. Pagkatapos ng exam ni Austin agad siyang hinatid ni Drayne sa labas ng paaralan, hindi makabasag pingan ang katahimikan habang sila'y naglalakad dahil naiilang siya sapagkat nakita mismo ng mga mata niya ang kahalayang ginawa nila ni Natasha sa CR ng mga lalaki. Ngunit nilihim niya lang ito at kinim-kim sa kaniyang sarili.

tsk bahala siya sa buhay niya, wala din namang silbi pag sinabi ko pa sa kaniya na nakita ko siya sa CR habang--- ahhh basta. Ano naman ang sasabihin ko sa kaniya, "hey Austin I saw you fucking Natasha" ganon ba o di kaya'y. "hey Austin keep it up" sabay thumbs up.

Napailing-iling lang si Drayne at sinabayan niya ito ng mahinang tawa.

Alam ni Drayne ang mga kalokohang ginagawa ng kaniyang kaibingan ngunit hindi niya lubos maisip na sa paaralan pa talaga niya ginawa ang kababoyang 'yon, kung saan maraming tao ang maaring makakita sa kanila. Kung sa bagay hindi naman nag-iisip si Austin, Dumbass!

Umaga na, agad pinatay ni Drayne ang alarm clock at nagunat-unat siya. Inayos muna niya ang kaniyang higaan at masayang nagtungo sa CR upang umihi at maghilamos. Kahit gaano pa ka dami ang kaniyang problema nakasanayan na niyang nguniti tuwing umaga dahil naniniwala siya na pag bumangon ka ng masaya, sasaya din ang boung araw mo. Spread the positivity bitch.

Bago siya maghilamos lumabas muna siya at nag tungo sa cabinet na nasa gilid lang ng kama niya at kinuha ang Bluetooth speaker, kinuha rin niya ang kaniyang cellphone at pumili siya ng kanta. Nang makapili ito agad din siyang bumalik sa CR.

Napaindak si Drayne at sinabayan niya ang awit habang hinohugasan niya ang kaniyang mukha.
"Naui gotongi issneun gose Naega sum swige hasoseo
My everythin'
My blood and tears
Got no fears
I'm singin' ohhhhh
Oh I'm takin' over
You should know yeah-"(On by BTS) hindi niya natapos ang kaniyang pagawit dahil narinig niya ang isang mapangasar na palakpak.

Agad na napakunot ang noo ni Drayne at bumulyaw siya habang patuloy pa rin siya sa paghihilamos. "Ate Joy, alam mo hindi ka nakakatuwa! Ang aga-aga bwenebwesit mo na 'ko" Bulyaw ni Drayne. Si Joy o mas kilala bilang ate Joy, siya ang personal na yaya ni Drayne. Malapit na ito sa puso niya sapagkat elementary pa lang si Drayne siya na ang nagaalaga rito.

Maya-maya, narinig niya ang maingay na pagkatok ng pinto. Sa ingay nito, dinaig pa ang kaniyang Bluetooth speaker. Agad niyang pinunasan ang kaniyang mukha at inoff ang speaker pagkatapos nito, dali-dali siyang nagtungo sa pintuan ng kwarto. "Wait lang! Mukhang sisirain mo pa ata ang pintuan ko ah," sigaw niya at binuksan niya ito.

Nagulat si Drayne sapagkat hindi si Joy ang kaniyang nakita sa labas ng pintuan. "Ohhh Austin ang aga-aga mo ata," sabay crossed arms. Hindi umimik si Austin ngunit walang kung ano-ano napasmirk ito sa kaniya at dahan-dahang bumaba ang tingin at tila tinitignan nito ang kaniyang katawan.

"Holy fuck!" At sinara niya ang pinto.

Agad kinuha ni Drayne ang kaniyang black sweat pants at plain white t-shirt sa ibabaw ng sofa at dali-daling sinoot ang mga ito, nakalimutan ni Drayne na boxers lang pala ang soot-soot niya kanina. Tila sinampal siya sa sobrang hiya.

Once in a Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon