Sa chapter na ito nakasulat ang nakaraan ni Drayne at Roxanne kung paano sila nagkakilala at kung paano tinulongan ni Austin si Drayne sa pangliligaw kay Roxanne.
Enjoy Reading 😘
Chapter 04. The story of their love (Drayne x Roxanne)
"Drayne...hey babe...hey!!!" Roxanne pinch his nose.
Agad na natauhan si Drayne sa pagkakatulala. "Ohhh...yes babe?" At napailing siya.
"Kanina ka pa nakatulala diyan, kumakain lang ata ako rito mag-isa," nakabusangot si Roxanne at naka crossed arms sa sobrang irita. Kanina pa sila sa restong ito, habang kumakain napansin ni Roxanne na hindi ginalaw ni Drayne ang kaniyang pagkain at habang nagsasalita naman siya, hindi ito umiimik at nakatingin lang sa malayo.
Tumayo si Roxanne at kinuha ang Louis Vuitton Favorite MM handbag na regalo ni Drayne sa kaniya at akmang aalis ito ngunit pinigilan siya ni Drayne.
Umikot si Roxanne at nagtagpo ang kanilang mga mata. Nginitian siya ni Drayne. "Sorry babe, iniisip ko lang ang mga requirements ng school bago pa mag tapos ang deadline nito next week...sorry na." Niyakap niya ito ng mahigpit at hinatid pabalik sa inupuan nito kanina. 1st anniversary nila ngayon kaya hindi niya ito hahayaang masira dahil lang sa pagiisip ng kung ano-ano. Nandito ang pinakamagandang babae sa harapan niya kaya hinding-hindi niya hahayang masira ang araw nila.
Insangat ni Drayne ang kaniyang paningin patungo sa mukha ni Roxanne, ngumiti siya rito, napangiti naman si Roxanne. Kinuha niya ang palad nito at hinalikan, maya-maya pa'y binunot niya ang kulay pulang box sa bulsa niya at inilahad ito sa palad ni Roxanne. "Open it," at nakangiti siya.
Nanlaki ang mga mata ni Roxanne, bumungad sa kaniyang mga mata ang silver plated white diamond necklace na bigay ni Drayne sa kaniya. This is just a simple gesture of his love towards his lady, he can spent more than this if he wants too. Well, mayaman naman sila. Hindi talaga magastos si Drayne but when it comes to his lady he can spend all his wealth to make her happy.
Ngunit binalik ni Roxanne ang necklace kay Drayne, hindi niya ito tinanggap, Hindi dahil ayaw niya ito kundi nahihiya siya at isa pa sa tingin niya sobra-sobra na ang binibigay ni Drayne sa kaniya. Drayne spoiled her with lavish things, somehow gusto niya ito ngunit iniiwasan niya ang mga salitang maaaring ibato sa kaniya. Nangaling lang sa simpleng pamilya si Roxanne, hindi mayaman, hindi rin naman mahirap. Kaya talagang hindi maiiwasan na masabihan siyang gold digger.
Hindi siya umimik ng ilang segundo, tinitigan lang niya si Roxanne ng deritso at nakita niya itong namumula. "Are you okay?" Tanong niya ng may pag-aalala ang boses.
Nakanguso si Roxannse bago niya ginantihan ng tingin si Drayne. "Drayne, I don't want to use your money, and besides-" hindi natapos ang pagsasalita ni Roxanne sapagkat tumayo si Drayne at kinuha ang necklace sa loob ng box. Pumunta siya sa likod ni Roxanne at inangat ang buhok saka sinoot ang necklace sa leeg ni Roxanne.
"Pretty," at nakangiti ito.
"But Drayne-" Drayne shut her off by placing his index finger on her lips.
"Shhhhh, It's yours, I insist."
Napasmirk si Dryne, at dahil dun napangiti si Roxanne sa sobrang kilig. Mahal na mahal niya si Roxanne, kahit pa man nagugulumihan ang kaniyang dam-damin, si Roxanne pa rin ang kaniyang pipiliin.
Past, the story of how he met Roxanne...
Malapit na ang sportfest ng school nila last year so busy lahat ng tao including him. Pininili ni Drayne ang Track and Field habang basketball naman kay Austin. At first hindi talaga gusto ni Austin ang basketball but Drayne forced him to do so kasi alam niya magaling si Austin sa sports na 'to. 11th grader sila that time at medyo nahihiya pa si Austin kasi pangalawang taon pa lang niya sa school na 'to, kaya to the rescue si Drayne sa kaniya, at pinakilala siya sa coach ng basketball team na nagkataon din na PE teacher niya ito dati.
BINABASA MO ANG
Once in a Blue Moon
Roman d'amourA STORY OF LOVE, FRIENDSHIP, TRUST, AND SACRIFICES. cttro:Pinterest