2) My husband is back

519 12 0
                                    

2- Galit


ISANG linggo nang binibisita ni Nica si Andrew. Sinasamahan din niya ito sa pagpunta sa ospital.

Siya din ang nagpapainom dito ng gamot. Na hindi na rin gustong inumin pa ni Andrew dahil isang buwan nalang naman at mamamatay na ito.

"Andrew naman! Alam mo namang makakatulong pa din sayo ang gamot para maiwasan ang pagsakit ng ulo mo," sermon ni Nica sa binata. Isang umaga na bisitahin niya ito.

Hindi maiwasan ni Nica ang mag alala. Lalo na sa ilang beses nitong nasaksihan ang paghihirap ni Andrew sa sakit nito.

Sakit nitong napakahirap labanan. Tanging pagyakap lang ang naitutulong niya sa dating kasintahan. Sapagkat hindi naman siya manggagamot para malunasan ang sakit nito.

Pero sa mga bisig niya, nagagawa niyang mapahupa kahit paano ang paghihirap nito. Alam niyang mali. Pero sa tuwina si Andrew ang madalas niyang makatabi sa pagtulog.

Ilang ulit na niyang kinumbinsi ang sarili sa maling desisyon na ginawa niya. Pero sa tuwing dumadaing si Andrew. Laging may pag aatubili sa isip niya.

Alam niyang mahal siya ni Raven at sigurado si Nica na mauunawaan siya ng asawa. Mauunawaan nito ang madalas niyang pag alis sa hacienda. Mauunawaan nito, dahil alam niyang mahal siya nito.

"Nica, pwede ba tayong mamasyal? Ilang araw na akong nandito sa loob ng bahay. Gusto kong makita ang lugar kung saan tayo madalas mamasyal. Please Nica..."

Pinagbigyan niya si Andrew. Dinala ni Nica ang binata sa lugar na madalas nilang puntahan noong magkasintahan pa sila.

Hawak niya ang kamay nito habang nakahiga sa hita niya. Mahina ang bawat paghagod niya sa ulo at buhok nito. Nasa kalagitnaan sila ng katahimikan ng magsalita si Andrew.

"Nica, natatandaan mo pa ba 'yung pangako ko sayo? Tanda mo pa ba 'yung mga sinabi ko noon?"

Pumikit si Nica at sinariwa ang masayang alaalang sinasabi ni Andrew.

Ang alaalang hindi niya makakalimutan. Ngunit dapat din na huwag nang ungkatin at itago na lamang sa kailaliman ng kanyang isip.

"Gusto kong sa lugar na ito tayo bumuo ng sarili nating pamilya, dito ko gustong mamatay. Mahal ko ang lugar na ito gaya ng pagmamahal ko sayo Nica. Kaya pangako dito ko itatayo ang magiging bahay natin. Mahal na mahal kita."

Parang nais umiyak ni Nica sa alaalang iyon. Na alam niyang hindi na maibabalik pa.

"Nica?"

Napadilat si Nica mula sa saglit na paggunita sa alaalang iyon ng masayang sandali nila ni Andrew.

Napatingin siya sa binata. Nakapikit ito habang mahigpit na hawak ang kamay niya.

"Nica, mahal na mahal kita. Patawarin mo sana ako kung hindi ko na matutupad ang pangako ko."

Pinilit ni Nica na huwag malungkot. Hinaplos niya ang nahahapong mukha ni Andrew. Tila pagod na pagod ito na para bang tumakbo ng napakalayo. Malalim din ang paghinga nito.

"Andrew, maging matatag ka nandito lang ako."

Walang naging tugon pero alam niyang mahimbing lang na natutulog si Andrew.

*******

"RAVEN..! Please.. mali ka ng iniisip wala akong ginagawang masama, please...makinig ka naman oh.. mahal na mahal kita parang awa mo na wag mo akong iwan... Raven please...!"

Malakas na sampal ang natanggap ni Nica mula sa ina ng kayang asawa. Sapilitan siya nitong inilayo sa pagkakayapos niya kay Raven.

"Manloloko ka! Paano mo'to nagawa sa anak ko? Sabi ko na nga ba hindi ka mapagkakatiwalaan. Sinungaling at manggagamit ka! Ni hindi kana nahiya talagang ipinakita mo pa sa anak ko ang panloloko mo!"

"Mama, mali po kayo hindi ko po niloloko si Raven. Mahal na mahal ko po sya maniwala po kayo..." Panay ang iyak ni Nica. Pakiramdam niya wala ring saysay ang pagmamakaawa dahil blangko at walang emosyon ang nasasalamin niya sa mukha ng kanyang asawa.

"Raven hali kana! Tama lang na iwan mo ang babaeng yan! Hindi sya karapat-dapat sayo." Mabilis ang naging galaw niya ng humakbang ang asawa. Pero napatda si Nica ng matapos niyang mahawakan ang asawa ay basta na lamang nitong pinalis ang kamay niya.

"Raven, please...Raven...!"

Buong magdamag na umiyak si Nica. Hindi niya inaasahang malalaman ni Raven ang araw-araw na pagbisita niya kay Andrew.

Akala niya buo ang tiwala sa kanya ng asawa, sa tuwing naghahabi siya ng kasinungalingan. Pero may dahilan, may dahilan kung bakit niya iyon ginagawa. Pero alam niyang sarado na ang isip ng asawa niya sa mga paliwanag.

Hindi ito maniniwala kahit ilang ulit pa siyang magpaliwanag. Kaya sa halip na sundan ito. Kusa na lamang nilisan ni Nica ang kanilang tahanan upang puntahan si Andrew.

"Nica..! Mabuti at dumating kana. Si Andrew!"

Mariing nakagat ni Nica ang ibabang labi habang nasasaksihan ang ginagawa ni Andrew.

Panay ang paghampas nito sa ulo mula sa dingding ng silid nito. Walang pag aatubiling niyakap ni Nica ang binata. Patuloy ito sa pagsigaw at pagwawala. Sinabayan niya ang bawat pag iyak nito.

Nasasaktan siya dahil wala siyang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

"Nakatulog na sya, salamat Nica."

"Ate, bakit parang mas lumalala po ang kalagayan ni Andrew? Hindi po ba may gamot naman sya? Hindi po ba sapat 'yon para maibsan ang pananakit ng ulo nya?"

"Malala na ang sakit nya Nica, araw na lang ang binibilang. Pasensya kana kung kung naging malupit man sayo sila mama, sana mapatawad mo sila. Sa ngayon ikaw na lang ang tanging tao na gustong makita ni Andrew. Nagpapasalamat ako dahil dumating ka, kanina ka pa nya hinahanap." Nasapo ni Nica ang bibig. Napatingin siya sa nakahigang si Andrew. Nakatulog na ito dahil sa pagod mula sa walang humpay na pagsakit ng ulo nito.

"Ang totoo, may dapat kang malaman Nica."

"Ano po yon?"

"Tatlong araw na lang, tatlong araw na lang ang nalalabi sa kanya."

Napaluha si Nica. Tanging pagluha na lang ang nagawa niya ng mga sandaling iyon.



























"Masaktan man tayo mula sa pagkabigo, naroon pa rin ang pag asam na sana, humupa na din ang unos kung saan may pag asa pang nalalabi para muling makapagsimula."









♥♥♥
saharazina



Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon