6) My husband is back

701 31 6
                                    

6- Family

"BASTA kana lang ba maniniwala sa mga narinig mo? Paano kung naghahabi lang sya ng kwento?"

"Ma, tama na! Buo na ang desisyon ko. Gusto kong dito na tumira ang mga anak ko, at kasama dun si Nica."

"Bahala ka! Sana hindi mo ito pagsisihan? Huwag mong sabihing hindi kita binalaan!"

Nang malaman ni Raven ang tungkol sa kanyang mga anak. Nakabuo siya ng desisyon. Hindi na rin muna niya binalak na ituloy ang pakikipaghiwalay kay Nica.

Kahit pa nga tutol ang mga magulang at kapatid niya.

Nang araw na iyon nagpaluto ng marami si Raven para sa pagdating ng kanyang mga anak. Abala ang lahat sa hacienda.

Kasama ng kanyang buong pamilya. Sabay-sabay silang naghintay sa pagbabalik ni Nica. Sabik na sabik na si Raven na makilala ang isa pa niyang anak.

At nang dumating ang mga ito. Naroon ang buong atensyon ng kanyang pamilya. Hindi na rin napigilan ng kanyang pamilya ang umiyak ng tuluyang masilayan ang kambal niyang anak.

Hindi niya kamukha si Randell. Dahil si Reena. Ito ang kahawig na kahawig niya mula sa mata hanggang sa mukha. Para itong batang Raven. Babaeng version niya.

"Oh...god! Kamukhang-kamukha mo sya Raven anak. Hindi ako makapaniwala na sya ang nakakuha ng pigura mo?"

"Oo nga no? Posible pala yon?"

Hindi na pinansin pa ni Raven ang mga sinasabi ng pamilya niya. Dahil nakatutok lang siya sa kanyang mga anak.

"Reena, magpakilala ka, sige na anak."

"Mama, uwi na po tayo. Ayaw ko po dito."

"Reena, di ba sabi mo gusto mong makilala si Papa? Ayan sya o, sige na lapitan mo siya."

May pag aatubili man sa mukha ni Reena. Sinunod na rin nito ang utos ng ina. Humarap ito sa pamilya Ortega maging sa ama nito.

"Hello po, ako po si Reena Ortega. Four years old na po ako. Mahilig po ako sa strawberry jam, ahm...si Papa ko din po mahilig sa strawberry jam. Pero may allergy po ako sa orange."

Tumingin si Reena sa mga taong nasa harap nito na nakangiti habang nakatingin sa inosente nitong mga mata. Mabilis itong tumakbo sa likod ng kanyang ina at nagtago.

Nagtaka naman ang lahat sa inasal nito.

"Hihi..! Tago si Reena..! Labas kana wag ikaw tago."

"Hmm..! Hindi ako nagtatago, kasi parang, ayaw nila sa'kin. Ahm, mama?"

"Ano 'yon, Reena? May gusto ka bang sabihin?"

"Mama, kung dito na po tayo titira. Ibig sabihin hindi na po natin mabibisita ang puntod ni Papa Andrew? Sino na pong magdadala sa kanya ng mga bulaklak?"

"Wag ikaw alala. Sasakay tayo ng bangka! Di ba po, ma?"

"Tama sasakay tayo ng bangka. Pero tanungin nyo muna si Papa kung papayag sya?"

Napatingin si Nica sa gawi ng kanyang asawa. Bakas sa mukha nito ang samut-saring emosyon. Lalo na ng lapitan ito ng kambal.

"Papa..! Pwede po ba naming bisitahin si Papa Andrew? Kasi kawawa po sya, nasa heaven na sya kasama si papa god."

Nakagat na lamang ni Nica ang kanyang labi habang inaantay ang sasabihin ni Raven.

"Sige, walang problema."

"Yehey..! Salamat po, pa! I love you po!"

Naiyak si Nica ng yumakap ang mga anak niya sa ama ng mga ito.

Hiniling niyang sana lagi na lang masaya ang mga anak nila.

******


"SYA si Tito Rowell, ito naman si Tito Ramil at sila naman ang Lolo at Lola nyo."

Kapwa may ngiti sa labi ang mga anak ni Nica habang nakatingin sa mga kamag anak ng ama ng mga ito.

Hindi maampat ang luha sa mga mata ni Nica. Pinangarap niyang maging masaya ang mga anak niya habang kasama ang buong pamilyang nakagisnan niya.

Nakaharap din sa kanila ang pamilya ni Nica na matagal niyang hindi nakasama.

"Mama? Bakit ka po umiiyak? Randell, halika kantahan natin si Mama, para hindi na sya iiyak dalian mo lapit kana kay Reena."

"Yehey...! Kakanta si Randell at Reena.!"

"Tahan na mama...! Pangako hindi na aalis..! Narito kami.. pangakong lagi mong makakasama... saan ka man magpunta..! Wag ka ng umiyak pagkat ika'y mahal namin...!"

"Mama, I love po! Mahal ka ni Randell."

"Mama, I love you din po mahal rin po kita."

"Mahal na mahal ko din kayo."

Nang mga sandaling iyon isa lang ang nasa isip ni Nica. Ang mapatawad siya ni Raven. Ang mawala ang galit nito at ang mahalin ng husto ang kanilang mga anak.

"Nakatulog na ang mga bata. Pwede na ba tayong mag usap?"

May takot sa mga mata ni Nica. Alam niyang imposibleng maibalik pa ang dati sa nawasak nilang relasyon ni Raven.

Pero hindi niya mapigilang umasa. Na sana mapatawad na siya nito. Kahit hindi na siya nito mahal.

"Handa na akong pirmahan ang annulment natin at binibigyan din kita ng karapatang makasama ang mga bata. Kung ano man ang desisyon mo para sa ikabubuti nila tatanggapin ko. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo."

Hindi na napigilan ni Nica ang umiyak. Puno ng agam-agam ang isipan niya dahil sa matagal na hindi pag sagot ni Raven.

"Handa na akong makinig sa ano mang sasabihin mo? Gusto kong sabihin mo sa'akin ang dahilan kung bakit nakita kitang kasama si Andrew? Saka ako magdedesisyon kung ano ba ang plano ko para sa'tin."

Nang gabing iyon isinalaysay ni Nica ang lahat. Wala siyang inilihim kahit isang sandali habang kapiling niya si Andrew.

"Isang buwan pa dapat siyang mabubuhay. Ang kaso pagkalipas ng isang linggo mas lumala ang kundisyon nya. Kaya 'yung nakalipas na tatlong araw hindi na ako umalis sa tabi nya. Pero maniwala ka hindi ako nagtaksil sayo. Alam kong mali ang ginawa ko, pero naging parte din naman ng buhay ko si Andrew. Kaya nanatili ako sa tabi nya hanggang sa mamatay sya. Nasa burol lang kami n'on. Ang sabi nya bago man sya umalis gusto nyang maging masaya ako. Ipagdarasal daw nya na maging masaya ang pagsasama natin. Pero ng mga sandaling 'yun wala kana. Iniwan mo na ako. Gaya ni Andrew, iniwan mo din ako." Naging emosyonal si Nica.

Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Raven.

"Tahan na, pareho tayong nasaktan at alam kong mas higit ka. Kaya patawad. Hayaan mong bumawi ako sayo. Pangako, ngayong nagbalik na ako hinding-hindi na tayo magkakahiwalay. Gusto kong ibalik natin ang dati at kalimutan na lang ang lahat ng mga nangyari."

Tanging malakas na iyak lamang ni Nica ang maririnig sa silid nila ng kanyang asawa. Umiyak siya nang umiyak upang kahit paano ay mapawi ang sakit na nararamdaman niya.

Dahil alam niyang sa darating na mga sandali makakamit na niya ang ligayang matagal na ipinagkait sa kanya ng lahat. Ngayong nagbalik na ang kanyang asawa.

Buo na muli ang kanyang pamilya.

















The end..
















"Bawat luha, may kakambal na ngiti. Sa bawat dilim may liwanag na uusbong. Pagmamahal ang sagot sa bawat kabiguan at paghihirap ng iyong pusong nangungulila at umiiyak. Manalig ka, dahil bukas wala ng unos na darating."











♥♥♥
saharazina


Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon