4) My husband is back

392 13 0
                                    

4- Randell

BALISA si Nica. Punong-puno ng pag aalala ang puso't isip niya. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari at hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng takot.

Lahat ng klase ng emosyon dama niya sa mga sandaling iyon. Huminga siya ng malalim bago iligpit ang mga gamit niya sa pinapasukang kumpanya.

Branch manager si Nica sa isang coffee shop. Nag umpisa lamang siya bilang taga hugas ng pinggan hanggang sa unti-unting umangat ang pusisyon dahil sa ipinakitang kasipagan at dedikasyon sa trabaho.

Sa bayan ng San Pablo siya nag tungo, matapos ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan. Hindi iyon nalalayo sa San Isidro kung saan siya lumaki.

Bangka lang ang sasakyan para makatawid mula sa kinaruroonan niya at hindi malayong mahanap agad siya ni Raven. Hindi naman kasi siya umalis sa Pampanga. Oo nga at itinakwil siya ng mga magulang pero hindi ibig sabihin niyon ay galit siya sa mga ito.

Ayaw niyang mapalayo ng tuluyan sa kanyang mga magulang kaya hindi siya nagtungo sa mas malayong lugar.
Pero sa mga nararamdaman niyang takot. Parang nagkaroon na ng pagdadalawang isip si Nica kung bakit hindi na lamang siya nanirahan sa mas malayo.

Nakarating ng mas mabilis si Nica sa inuupahang bahay. Ang takot na kanina pa nararamdaman ay mas lalo lamang nadagdagan ng salubungin siya ng natatarantang si Manang Lita.

"Nica! Si Randell!  Nawawala si Randell!"

Naibagsak ni Nica ang dalang bag. Matapos magbilin ng ilang bagay sa matanda. Mabilis na siyang lumisan ng bahay upang hanapin ang anak.

Andrew, pakiusap tulungan mo akong hanapin si Randell. Apat na taon palamang sya at tiyak na matatakot siyang mawalay sa'kin dahil sa kalagayan nya.

Panay lang ang usal ni Nica ng dasal at paghingi ng tulong sa namayapang kasintahan.

Na para bang sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang nagsisimulang panganib na lumulukob sa isip niya para sa nawawalang anak.

Sakitin si Randell. May hika at kailangan ng gabay dahil bukod sa karamdaman ay hindi pa ito nakakakilala ng ibang tao maliban kay Nica, Manang Lita at sa kakambal nito.

Nahirapan noon si Nica sa pagbubuntis. Dahil sa kahirapan, muntik na siya noong makunan.

Kung hindi dahil sa tulong ni Manang Lita at nang namayapa nitong asawa tiyak na nawala na rin si Randell sa kanya. Mahina at halos wala ng buhay si Randell​ nang lumabas sa sinapupunan ni Nica.

Hindi rin gaanong na develop ng husto ang pag iisip nito. Kaya payo ng doctor ay sikaping ibigay ang tamang pagkalinga at pag aalaga kay Randell.

Nanlumo ng husto si Nica nang unti-unti ng gumagabi. Nangangamba na siya para sa kaligtasan ng anak.

Nang umuwi siya tanging pagyakap na lang sa litrato ng kaisa-isang anak na lalaki ang kanyang nagawa.

"Randell anak, bumalik kana kay Mama."

*******



NAKATINGIN si Raven sa batang lalaki na nasa harap niya. Maging ang mga magulang niya at dalawang kapatid na lalaki ay ganun din ang ginawa. Nakita lamang ito ng mayordoma nila sa pampang habang panay ang pag-iyak.

"Kanino kayang anak 'yan? Ayaw sumagot nakatitig lang sa'tin?" usisang salita ng nakatatandang Ortega. Puno rin ng katanungan ang isip.

"Mabuti pa tanungin ulit natin?"

Nilapitan ng kapatid niyang si Rowell ang bata. Nang hawakan nito ang balikat ay agad na pumiksi ang bata at malakas na umiyak.

"Sshh...hindi ka namin sasaktan, saan ka ba nakatira? Sino ang mga magulang mo? Paano ka napunta dito sa hacienda?"

Mas lumakas ang iyak ng bata. Namumula na ito na ikinatakot nilang lahat.

"Tinakot mo naman Rowell! Ma, tawagan na natin ang Doctor parang may kakaiba sa kanya e?" Si Ramil na kababakasan ng pag-aalala gaya ni Raven na hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang batang lalaki.

"Sige mabuti pa nga."

Nang masuri ng doctor ang bata, nalaman ng pamilya Ortega na meron itong hika at kaunting depirensiya.

Kakaunti o bilang lamang sa daliri ang mga tao o bagay na kaya nitong kilalanin. Hindi ito dapat na laging paiyakin dahil sa sakit nito. Nang mga sandaling iyon hindi maipaliwanag ni Raven ang takot na lumulukob sa kanya.

Para bang napakabigat sa loob ang nalaman niya.

"Dito na muna siya sa hacienda habang hindi pa natin nakikita ang mga magulang o kamag anak nya." Buo ang pasya niya na arugain pansamantala ang bata.

Nang gabing iyon biglang sumagi sa isip ni Raven ang isang bagay na pinangarap niya noon bago pa man niya pakasalan si Nica.

Ang magkaroon ng sarili niyang anak.

********

NAGPASYA si Nica na magtungo sa kabilang bayan. Alam niyang hindi pa panahon para harapin ang asawa.

Pero ito lang ang taong naiisip niya na mahihingian ng tulong. Tatanggapin niya ang galit nito at panghuhusga.

Ang importante ay makita niya ang nawawalang anak. Magkikita rin naman sila ni Raven kahit ano pa ang gawin niyang iwas at pagtatago at alam niyang malalaman din nito ang tungkol sa kambal.

Pero hindi na mahalaga sa kanya ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ay mahanap niya si Randell.

Bitbit ang mga medisina ni Randell at pampakalma sa hika nito. Nilisan niya ang kanilang inuupahang bahay at sumakay ng bangka na magdadala sa kanya sa San Isidro. Pero hindi naging madali ang pagtapak niya sa sinilangang bayan.

Mga matang mapanghusga ang sumalubong kay Nica sa bayang naging tahanan niya ng halos dalawampung taon. Pero binaliwala niya iyon at nanatiling tikom ang bibig. Walang pag aatubili siyang nagtungo sa hacienda ng mga Ortega.

"Anong ginagawa mo dito?"













"Ang bawat desisyon ay may kaakibat na suliranin, ngunit sa bawat suliranin, may nakahanda rin namang solusyon. Pagtibayin ang loob sa bawat unos na darating. Upang maging handa sa ano mang bagyong darating."








♥♥♥
saharazina




Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon