5) My husband is back

409 15 0
                                    

5- Mama

HINDI nagpakita ng takot si Nica sa galit na ipinapakita sa kanya ng ina ng kanyang asawa.

"Gusto ko po sanang makausap si Raven?"

"Tsk! Ang lakas din naman ng loob mong tumapak dito sa pamamahay ko pagkatapos ng mga ginawa mong panloloko sa anak ko!"

Napayuko na lamang si Nica at tinanggap ang masasakit na salita ng ina ng kanyang asawa.

Noon pa man ay tutol na ito sa pakikipagrelasyon niya kay Raven.

Pinilit nitong maging maganda ang pagtrato kay Nica. Sa kabila ng pagkadisgusto at galit. Nagsawa na lamang ito sa pangungutya sa dalaga nang magawang patunayan ang sarili. Na malinis ang hangarin ni Nica at tapat ang pag-ibig para sa anak nito.

Ngunit dahil sa ginawa ni Nica, umusbong muli ang galit nito. Nang dahil sa isang maling akala na hindi naman talaga ginawa ng dalaga.

Mahal ni Nica si Raven. Hindi siya nagtaksil gaya ng ibinibintang sa kanya. Pero walang gustong maniwala at makinig sa kanya. Sa halip hinusgahan nila si Nica at itinaboy.

"Ma, tama na 'yan mabuti na rin at narito sya." Bumilis ang tibok ng puso ni Nica ng marinig ang tinig ni Raven.

Nakatingin lang si Nica sa mukha ng kanyang asawa. Walang emosyon ang guwapo nitong mukha. Para bang baliwala lang dito ang makita si Nica. Pinakalma ni Nica ang kanyang sarili.

Alam niyang limang taon na ang lumipas at hindi na dapat niya maramdaman ang damdaming matagal na niyang kinalimutan para kay Raven.

"Pumasok ka may ibibigay ako sayo."

Huminga ng malalim si Nica bago sumunod kay Raven.

Wala pa ring nagbago sa aura nito, sa tindig at kilos. Naroon pa rin ang pagiging makapangyarihan, sa tuwing nagsasalita at lumalakad.

Kalmado si Nica kahit pa nasa harap niya ang buong pamilya ni Raven, habang nakatingin sa kanya ng may galit at pagkasuklam.

"Annulment paper 'yan, gusto kong ipawalang bisa na ang kasal natin na dapat noon ko pa ginawa."

Nagbara ang lalamunan ni Nica. Nanikip din ang dibdib niya. Nang mga sandaling iyon alam niyang tuluyan nang mawawala sa buhay niya si Raven. Pero sa isang banda mabuti na rin iyon upang hindi na sila magulo pa.

Hindi na nito dapat makilala pa ang mga anak niya.

Pero sa isang banda. Si Raven lamang ang taong alam niyang makakatulong sa kanya. Kailangan niyang makita ang nawawalang anak.

May pag aalinlangan man na baka hindi siya mapagbigyan. Nilakasan na lamang ni Nica ang loob.

"Bago ko pirmahan 'yan, pwede bang hingin ang tulong mo? Kasi-"

Hindi alam ni Nica kung paano magsisimulang ipaliwanag ang sadya niya. Para bang ayaw na siyang  magtagal pa sa tahanang iyon ng pamilya Ortega.

"Señorito! 'Yung bata po nagwawala!"

Nataranta ang lahat dahil sa balitang iyon. Sabay-sabay pa ang mga itong naglaho sa harap ni Nica.

Hindi tuloy niya alam kung ano ang dapat na isipin. Sino kaya ang batang tinutukoy ng katulong? Nanatili lang si Nica sa kinauupuan hanggang sa mapadako siya sa nagmamadaling yabag ng pamilya Ortega.

Magkakasunod itong bumaba ng hagdan.

"Ahhh...!"

Nanginig si Nica ng makita kung sino ang batang kalung-kalong ni Raven.

Sige ito sa pagwawala. Tanging malakas na boses lamang nito ang maririnig sa loob ng buong bahay.

"Tinawagan ko na ang Doctor kuya, ibaba mo na sya at hawakan na lang nating mabuti."

Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon