3) My husband is back

412 13 0
                                    

3-He's back

MULING hiniling ni Andrew na samahan siya ni Nica sa lugar na madalas nilang puntahan.

Huni ng ibon at mga insekto ang maririnig sa paligid. Gaya ng dati nakahiga si Andrew sa hita ni Nica.

Habang haplos ng babae ang buhok nito at hawak ang kamay.

"Nica,s-salamat...s-salamat at-pinagbigyan mo ako-ipagdarasal ko-na-maging masaya ka habang kasama ang lalaking-mahal mo. Babantayan kita-pangako.."

Hindi maiwasan ni Nica ang hindi mapaluha sa bawat salitang naririnig niyang binibigkas ni Andrew.

Ang bawat salita nito ay nagpapahiwatig ng pamamaalam. Masyado ng mabigat ang pasan nito. Kaya hindi na niya nanaising dagdagan pa iyon.

Hindi na niya babanggitin pa ang ginawang pag iwan ni Raven sa kanya.

Ayaw niyang lumisan ito ng may pagsisisi. Tama nang siya na lamang ang humarap sa mga suliraning naganap dahil sa ginawa niyang pasya.

Gusto niyang maging mapayapa ang paglisan ni Andrew.

"Andrew, matulog kana, alam kong pagod kana, nandito lang ako hindi kita iiwan."

Lumakas ang hangin at mas naging maingay ang huni ng mga ibon sa paligid. Para bang ipinahihiwatig niyon ang isang sandaling dapat nang tanggapin ni Nica—ang katotohanang nilisan na ni Andrew ang mundo.

******

LUMIPAS ang limang taon. Naging payapa ang lahat. Pero hindi ang buhay ni Nica.

Naging mahirap para sa kanya ang mga sandaling wala siyang katuwang mula sa pag aaruga sa kanyang dalawang supling.

Kumakayod para may makain. Marahil kung wala siyang lakas ng loob. Matagal nang namatay sa gutom ang kanyang mga anak.

Nagsumikap si Nica. Hanggang sa magtagumpay na makaahon kahit kaunti. At makapagsimula ng panibagong buhay kapiling ang mga natatanging tao na alam niyang hindi siya iiwan.

"Mama..!"

Mahigpit na yakap ang sumalubong kay Nica pag uwi niya ng bahay.

Ang kanyang mga anak na sina Reena at Randell ay kapwa nakangiti habang nakayapos sa kanya.

Maghapon siyang nasa trabaho kaya hindi niya nakakasama ang mga anak.
Pero sa tuwing may pagkakataon lagi siyang bumabawi sa mga ito.

"Mama, dadalawin po ba ulit natin si Papa Andrew?"

"Oo anak, sigurado akong matutuwa si Papa Andrew sa pagbista natin, kaya magbihis na kayo." Naging masigla ang kilos ng kambal.

Nang mawala sa paningin niya ang mga anak. Saglit munang nagpahinga si Nica. Naupo siya sa sofa. Pero ang mapupungay niyang mga mata na handa na sana sa pagpikit ay napadako sa pahayagan na nasa mesa.

"Mr. Raven Ortega is back, from leaving the country five years ago."

Nakaramdam ng takot si Nica. Hindi para sa sarili kundi para sa kanyang mga supling. Nagbalik na ang kanyang asawa. Hindi niya tiyak kung ano ang mga mangyayari.

Natatakot si Nica na mawalay sa kanya ang kanyang mga anak. Natatakot siyang baka kunin ito ni Raven oras na malaman ang tungkol sa kambal niya.

Kaya naman bumuo siya ng pasya. Isang pasya na alam niyang makakabuti para sa kanyang mga anak.

"Manang Lita! Paki handa po ang mga gamit ng mga bata!" Naguguluhan man sumunod na rin ang matanda niyang kasa-kasama sa bahay. Umalis sila matapos makapag empake ng mga gamit

Nakarating sila Nica sa isang liblib na lugar. Matapos lisanin ang naging tahanan nila sa loob ng mahigit limang taon.

"Nica, bakit ba lumipat pa tayo ng bahay? May problema ba?"

"Bumalik na po si Raven, Manang. Natatakot po ako na baka kunin nya ang mga anak ko."

"Pero hindi ba wala naman syang alam na buntis ka nung hiwalayan ka nya?"

"Opo, kaya lang paano po pag nalaman nya? Tiyak na kukunin nya sa'kin ang mga bata."

Yakap ni Manang Lita ang saglit na pumawi sa agam-agam ni Nica. Nang mga sandaling iyon isa lang ang hiling ni Nica. Na sana huwag makilala ni Raven ang mga anak niya.

*******

SA KABILANG banda. Abala si Raven sa pakikipag usap sa kanyang mga magulang.

Tutol ang mga ito sa nais ng kanilang anak.

"Raven, bakit kailangan mo pang hanapin ang babaeng 'yon? Hindi pa ba sapat ang ginawa nya sayo? Niloko ka nya at pinagtaksilan."

"Tama ang mama mo anak. Isa pa saan mo naman hahanapin si Nica? Itinakwil na din sya ng mga magulang nya matapos malaman ang ginawa nyang pagtataksil sayo. Ikinahihiya na sya at isinusuka ng bayang ito."

Pinutol ni Raven ang ano mang salita na nagdudulot ng takot sa kanyang ina.

"Wala po akong balak makipagbalikan pa kay Nica. Kaya ko sya gustong ipahanap ay upang papirmahin sa annulment namin. Naging busy ako sa America. Gusto kong tuluyan ng mawala sa buhay ko si Nica. Isa pa gusto nyong ipakasal ako kay Alissa. Paano ko sya mapakakasalan kung nakatali pa rin ako kay Nica?"

Nangislap ang mga mata ng ina ni Raven.

"Kung ganun pumapayag ka nang magpakasal kay Alissa? Mabuti naman kung ganun. Patutulungin ko ang mga tauhan natin sa paghahanap kay Nica, sigurado naman akong narito lang siya sa San Isidro. Alam kong mahal na mahal nya ang pamilya nya kaya hindi nya maiisipang lumayo dito sa lugar natin."

Wala nang naging komento pa si Raven sa mga sinabi ng kanyang ina. Pati na sa sayang nakikita niya sa mukha ng kanyang pamilya.

Isa lang ang bagay na gusto niyang mangyari. Ang muling makaharap ang babaeng nagtaksil sa kanya.

Sa loob ng limang taon. Dala niya ang bangungot ng nakaraan. Kung saan inakala niyang makabubuo siya ng pamilya kasama ang babaeng mahal niya. Alam ng lahat kung paano niya ipinaglaban si Nica. Maging sa pamilya niya dahil sa magkaiba nilang estado.

Pero hindi niya matanggap na nagawa lang siya nitong lukohin. Akala niya mali lang ang mga naririnig niya patungkol sa lalaking laging kinakatagpo ng asawa. Hanggang sa siya na mismo ang makakita.

Mabait si Nica, isa iyon sa mga katangian na nagustuhan ni Raven.
Maalaga at mapagmahal din ito sa pamilya. Alam niyang magiging mabuti niya itong asawa at ina ng magiging mga anak nila.

Pero naglaho ang lahat ng mga pangarap ni Raven nang makita niya ang kanyang asawa sa piling ng dati nitong kasintahan.

"Mahal na mahal kita Nica, wag mo sanang kalilimutan 'yon, kaya sana mapatawad mo na ako."

"Matagal na kitang pinatawad Andrew, kalimutan mo na ang nakaraan, nandito lang ako hindi kita iiwan, mabuti pa ipagluluto kita ng paburito mo."

"Nica, pwede mo ba akong subuan?"

"Oo na naman! Tara na?"

Pakiramdam ni Raven hinahati sa dalawa ang puso niya dahil sa eksenang iyon.

Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na iwan si Nica. Para saan pa ang naging pangako nila kung hindi naman pala buo ang pagmamahal nito sa kanya?

Nasaktan siya ng husto, paglayo ang naging sulusyon niya para makalimot sa sakit. Kaya ngayong nagbalik na siya. Isa lang ang paraan para tuluyan nang maglaho sa buhay niya si Nica.

Ang tuluyang mawalan ng bisa ang kanilang kasal.
























"Hindi nasusukat ang pagmamahal sa tagal ng panahon, kundi sa tibay at wagas na pagmamahalan. Hayaang magpasya ang puso, upang lubos na maunawaan kung tama ang pasya na iyong gagawin."
















♥♥♥
saharazina

Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon