:Reproduction or copying of this work in whole or in part in any form of medium including xerography, photocopying, recording and pasting is forbidden without the permission from the author. Plagiarism is a crime.
"Ano ba yang suot mo? palitan mo nga yan napaka iksi. Ayaw kong makita ka na nagsusuot ng ganiyang klaseng damit".
-
-
Gentlemens, huwag nating pilitin/pigilan silang magsuot ng gusto nilang mga damit dahil parang pinipilit na din natin silang mag bago. Oo sweet siya pero pag sumobra nakakasakal kaya hindi iyan mabuti para sa relasyon.Pwede naman natin silang gabayan at pag sabihan lang pero yung pilitin that's bad. kung gusto mong mag bago ang isang tao huwag mong pilitin, let him/her na mag bago siya ng kusa.
-
-
"Tigilan mo na nga yang kakalaro mo ng video games o kung ano pa man yang inaatupag mo, kaya ka nawawalan ng time sa akin eh".
-
-
Ladies and gentlemens, huwag nating ipagdamot ang time nila para sa sarili nila at huwag nating pigilan na gawin ang nakakapag pasaya sa kanila, kung sumobra man sila ay pwede naman natin silang sabihan hindi yung tipong aabot sa punto na mag-aaway na kayong dalawa parati.
-
-
"Meron ka ng girlfriend/boyfriend kaya wag ka ng lumapit parati sa ibang babae/lalaki kahit na kakilala o kaibigan mo pa yan sila".
-
-
Minsan talaga ang pagiging possesive nakakasama sa relasyon, ok lang sana kung kagaya ng possesive series ni C.C ang love story niyo. Huwag naman kasi nating ilayo sila sa mga taong malapit sa kanila. Kung alam mong sa una palang ay mahal ka talaga niyan hindi namn yan gagawa ng bagay na ikakasama ng relasyon niyo. Sabihin na nating kahit wala siyang gawin ay meron paring umaaligid na sumisira ng relasyon pero nasa kaniya na iyan kung papatol siya o hindi. It is just a choice for him/her at ang gawin mo lang ay magtiwala at gumabay sa kaniya.
-
-
"Ano ba yan ikaw naman yung may kasalanan eh, ba't ako yung sinisisi mo!?'.
-
-
Kahit naman sa friends at family natin pride din ang sumisira sa relasyon natin sa kanila. Kaya please babaan natin ang ego natin dahil hindi yan nabebenta kahit sa divisorya.
-
-
"Ako o ang pamilya mo?".
-
-
Taray hah? lakas maka teleserye, pero promise nangyayari ito sa reality. Huwag nating papipiliin ang mahal natin sa dalawa dahil mahirap yan para sa kaniya dahil parehas kayong importante at mahal niyan. Kapag kasi pinipilit natin silang pumili ay parang ipinagkakait na natin ang kalayaan nila. Baka magulat ka na lang magpupunit yan ng sedula sa harapan mo sabay bigkas ng "PARA SA KALAYAAN!!".
-
-
"Ganito kasi dapat mong gawin, yan dapat pipiliin mo hindi iyan".
-
-
Ano ka? manager na kailangan ikaw ang mag desisyon sa buhay nila? kaya nasasakal ang partners natin eh kasi kulang na lang pati kulay ng brief o panty nila ikaw pa ang mag dedesisyon. So CONTROLLING and that's very very bad.
-
-
"Ginawa ko naman lahat ah bakit parang hindi mo ako minahal".
-
-
Ganito talaga ang problema kadalasan sa relasyon. Huwag natin kasing ipagsiksikan ang sarili natin sa kanila at huwag nating piliting mahalin nila tayo.
sabi pa nga ni DEREK GAMBA.
-
"You cannot make someone love you. You can only make yourself someone to be loved".
Taray ano? Go take note niyo na yan para hindi niyo makalimutan.
-
-
Alam nating walang perpektong tao, pero nasa atin parin kung magiging perpekto tayo dahil choice naman natin yan. Katulad na rin sa relasyon, kung gusto mo ng perpektong relasyon edi piliin mo yung option o bagay na makakabuti.
-
"Everything happens in our life is a choice and no one can hinder us from choosing the right choice".
-
-
[Treasure your relationship and your partners guys!]
YOU ARE READING
One Shot Stories
FanfictionThis book is composed of my one shot stories. So that, one shot lang talaga siya wala ng pa intro intro sagad agad