:Reproduction or copying of this work in whole or in part in any form of medium including xerography, photocopying, recording and pasting is forbidden without the permission from the author. Plagiarism is a crime.
Habang nakatanaw ako sa binatana ng eroplano ay bumalik ang lahat ng ala-ala namin ni Clarence na siyang pag tulo ng mga luha ko, masakit man na iwan ko siya ay kailagan para makalayo sa kaniya dahil sa sakit na kaniyang idinulot sa akin, napagpasyahan kong pumunta sa New york para ipagpatuloy ang aking pag-aaral at makalayo din para makalimutan ang lahat pati rin SIYA.
Ng makababa ako sa eroplano ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin na para bang winewelcome ako nito para sa bago kong buhay, kaya naman sinabi ko sa aking sarili "Makakalimutan ko din ang lahat at makapag bagong buhay".
-
-AFTER 4 YEARS-
"Congratulations Ms. Katherine La Louisa". Bati sa akin ni Mr. Mcdowell ng iabot niya sa akin ang diploma kaya nakangiti akong kinuha iyon sa kaniya saka nakipag-kamay.
"Thank you sir!". Pagpapasalamat ko bago ako lumisan sa stage at pumunta sa kinaroroonan nila Mom and Dad.
"Congrats Anak!!!!". Bati ni Mommy sa akin gayun din si Dad saka sila yumakap sa akin.
"Mom, Dad salamat". Sabi ko sa kanila at yumakap ng napaka higpit sa kanila saka kumalas".
"Our daugther is now a graduate of a bachelor's degree in Business Management Cristina at hindi lang basta graduate dahil naging Cumlaude pa!". Masayang sad ni dad.
"Thank you dad". At nagyakap aming ulit.
Natapos ang seremonya ng aming graduation at umuwi na kami nila Mom and Dad sa unit ko at napag pasyahan naming kumain sa mga kilalang restaurant dito sa New York City.
-
"Anak, sasabay kabang umuwi sa amin ng Dad mo sa Pilipinsa bukas?". Tanong ni mommy sa akin habang kuma kain kami dito sa restaurant.
"Hindi ako sasabay sa inyo Mom, I think dito na muna ako dahil balak kong kumuha mo na ng trabaho dito for experience". Sabi ko kay Mom na sinang-ayonan naman ni dad.
"Hayaan mo mag desisyon ang anak natin Cristina matanda na siya Hahaha at balang araw naman eh siya na ang mamumuno ng business natin sa Pilipinas lalo na ang Hacienda La Louisa". Sabi ni dad na tumingin sa akin saka ako nginitian.
"Thanks dad".
Ng matapos kaming kumain ay pumasyal muna kami sa mga sikat na lugar dito bago kami bumalik sa unit kaya ayon tumba ang dalawa dahil sa pagod hahaha, medyo nalungkot ako kasi maiiwan nanaman ako dito mag-isa pero mainam na rin dahil hindi pa ako handang bumalik sa lugar kong saan nangyari ang mapapait na karanasan ko sa buhay pag-ibig.
Kinabukasan ay umuwi na sila Mom and Dad kaya ayon mag-isa nanaman ako dito sa unit.
-
Mga ilang buwan ay puro trabaho lang ang inaatupag ditoat minsan naman ay nag hahang-out kami ng mga friends ko sa mga kilalang beach to meet some random guys out there pero talang wala akong matipuhan kahit isa.
-
"Katherine, is this ok to you?". Tanong ni Eurice sa akin sabay pakita sa akin ng brochure ng mga lugar kung saan pwedeng mag relax.
"That's good Eurice". Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.
"Katherine, your suitor". Biro ni Caspiane sa akin dahil ang tinutukoy niya ay si Gerald Keith Arevalo na isa ding pinoy at mayaman saka gwapo na nangliligaw sa akin ng mahigit dalawang taon dito sa New York hanggang ngayon pero di ko parin sinasagot.
"You're crazy Caspiane, this hang-out is for as ladies and no mens allowed". Sabi ko sa kaniya sabay irap at natawa na lang man siya sa aking iniasta.
-
Every months and years that passed, I always enjoying with my work and friends.
Napakatagal kong namalagi dito sa New York kaya halos na kalimutan ko namang meron pa pala akong tanang babalikan sa pilipinas kaya panay kulit ang ginagawa nila Mom and Dad sa akin para umuwi dahil matagal na ako dito dahil mag eeleven years na ako dito. Actually, nag-uusap kami ngayon nila mom and dad sa skype.
-
"Anak, umuwi ka na dito sa pilipinas dahil kasal ng pinsan mong si Nikky sa darating na tatlong buwan". Yeah, they're persuading me to leave New York to attend the wedding of my cousin na di ko mabilang kong ika ilang ulit ba kami nag meet.
"Anak, umuwi kana dito sa makalawa dahil merong party na gaganapin para kay Nikky at sa Fiance niya dapat kumpleto tayong mga relatives doon dahil ipakilala ng pamilya nila ang lalaki sa atin dahil sa magiging bagong miyembro na siya sa ating angkan". Pagkukumbinsi ni dad sa akin kaya napa buntong hininga na lamang ako, ano pa bang magagawa ko eh dapat nandoon nga ako dahil minsan lang nman din kami nagtitipon-tipon.
"Ok Dad, uuwi na ako sa makalawa". Walang gana kong sabi.
"And don't forget to retire from that company ija dahil we have a deal". Yes deal namin na kapag uuwi na ako sa pilipinas ay mag retire na ako sa kompaniyang pinapasukan ko.
"Ok dad". Sagot ko sa kaniya.
Nagtagal pa ang pag-uusap na min hanggang sa napagpasiyahan na naming matulog, napagpasyahan pala nila dad na sila mismo ang susundo sa akin sa airport sa makalawang linggo.
-
Heto na, Heto na ang araw na aapak muli ako sa lupang aking pinaggalingan. Palabas na ako sa Airport ng salubungin ako ng yakap nila Mom and Dad.
-
"Welcome back anak". Sabay na bungad nila sa akin at talagang nag effort pa sila na gumawa ng banner nila na nakalagay ang mga pictures ko at natawa naman ako dahil yung mga pictures ko na ginamit nila ay yung mga jeje pics ko gamit ang retrica ang candy cam.
"Salamat mom, dad". at nagyakap kami ulit. Sumakay kaming agad sa van para umuwi na daw at para maka pag pahinga na daw ako dahil pagod daw ako sa biyahe. Nakarating kami sa bahay at sinalubong ako ng mga kasambahay lalong-lalo na si Manang Rosa na talagang namiss ko.
-
"Maligayang pagbabalik ija". bati ni Manang sa akin sabay yakap ng mahigpit ganoon rin ako.
"Salamat manang".
"Gutom ka ba ija baka gusto mong kumain?".
"Sige, Manang kakain ako dahil namiss ko luto mo eh hahahha".
"Ikaw talagang bata ka kahit kay di ka nag bago, napaka loko mo pa rin hahahha O siya ipagkukuha kita".
"Salamat manang".
Dumating naman agad siya ng may dala-dalang pagkain at inilapag ito sa mesa kaya agad kung nilantakan ito. Matapos kong kumain ay nag paalam na muna ako sa kanila para mag pahinga at pumunta na sa kwarto.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang loob ng kwarto ko, ganoon parin ang ayos ng lahat walang nag bago pero sadyang napakalinis ng lahat, umupo ako sa higaan saka dinama ang lambot nito at parang bumalik ako sa nakaraan, napaisip tuloy ako kung nandito pa sa mga drawer ko ang mga tinatago ko noon hahaha kaya walang paatubiling binuksan ko ang drawer at laking gulat ko ng nandito pa ang mga gamit ko natuwa naman ako dahil nakita ko yung friendly bracelet na binigay ni Anne noon sa akin nong high school pero isa lang talaga ang mas umagaw sa akin ng paningin, ang cellphone ko noon napa buntong hininga naman ako dahil marami rin kaming alaala dito ni Clarence pero mas pinili ko paring kinuha ito at chinarge dahil na lowbat ito. Nang magkaroon aito ng batterya ay nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito dahil kinakabahan ako, pero mas pinili kong buksan ito dahil alam ko naman na sa sarili ko na naka move on na ako sa kaniya.
Nang buksan ko ito ay hindi mapakali ang cellphone ko sa kakatunog dahil napakarami nitong txt messages and Voice messages na sa iisang tao lang naman nanggaling kundi kay Clarence, binasa ko lahat at pinakinggan ang mga voice message niya pero akala ko hindi na ako masasaktan pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko ng marinig at mabasa ko ang mga pinadala niya pero sa lahat ng mga iyon ay isang voice message lamang ang mas pumukaw sa sarili ko yun ay "Katherine, magiging masaya din ako dahil sa pinili mong desisiyon at hanggang dito na lang ako". akala ko kaya ko na pero bakit ganito masakit na masakit parin sa aking parte. Nagdaan ang mga araw at hindi ko parin lubos na maisip o matanggap ang mga salitang iyon sa voice message niya at napapaisip ako kung no na kayang nangyari sa kaniya.
-
Dumating na ang araw ng party ng pinsan kung si Nikky kung saan ipapakilala na ng pamilya nila ang magiging asawa ng anak nila.
Nandoon na sila mom and dad dahil nauna na sila sa akin kaya medyo na late ako ng kaunti pero pag dating ko doon ay halos lumuwa ang mata ko dahil halos hindi ko makilala ang mga tao dahil marami na talagang nag bago nung nawala ako pero na pukaw ang atensyon ko ng tinawag ako ni mom sa tumpok ng mga kababaihan na siguro ay mga pinsan ko at mga tita ko yun dahil nag tatawan silang lahat.
-
"Anak halika dito gusto kang makita ng mga pinsan at tita mo!". Tawag ni mom kaya pumunta naman ako doon sa kanila.
"Siya na ba yan Cristina?". Sabi nung isang babae na maganda at I think married na rin siya.
"Oo Criselda siya ang na nga yan".
"Aba! angganda niya naman". papuri niya sa akin saka lumapit at bumeso sa akin.
"Salamat po tita Criselda".
"By the way anak siya ang mommy ni Nikky". masayang sabi ni Mom.
"Wait lang ija tatawagin ko lang si Nikky para makipagkamustahan kayo". sabi ni tita na tinanguhan ko naman.
"Mom nasan si dad?". Tanong ko kay mom.
"Ah nandoon sa kabilang cottage kasama mga tito mo di kasi sila pwede dito kasi sineparate nila nikky ang babae sa lalaki eh".
"Ah ganoo-".
"Ija!! This is nikky you're cousin". Biglang sulpot ni tita.
"Hi Nikky". Sabi ko.
"Hello Katherine". Bati niya rin sa akin bago bumeso.
"By the way anak nasan na ang iyong nobyo?". Tanong nita sa anak niya.
"Malapit na siya mom na late lang siya kasi may inasikaso pa".
"Ah ganon ba".
"Opo mom".
"Alam mo Cristina ang swerte swerte ni NIkky sa nobyo niya". Sabi ni tita kay mom habang ako ay nakikinig lang while si nikky naman ay namumula na halatang kinikilig .
"Baka siya ang maswerte Criselda Hahahah".
"Alam mo bang napakabait ng binatang iyon". Pagkwekwento ni tita at nakinig lang naman ako."at napakasipag pa dahil siya mismo ay pinag-aral niya ang sarili niya".
Nag kwento pa si tita tungkol sa fiance ni Nikky habang ako ay nakikinig at minsan ay nakikisabat din sa kanila hanggang sa umabot ang pag-uusap nila tungkol sa akin.
"Ang galing naman pala ng anak mo Cristina".
"Mana sa akin eh".
"By the way ija kailan ka mag-aasawa?". Tanong ni tita na ikinagulat ko.
"Di ko pa alam tita eh hahahha".
"I heard you're already 29 baka maging matanda kang dalaga niyan hahahaha".
"Siguro hindi pa lang ito ang tamang panahon tita". sabi ko.
"Aba kailan pa iy-". Naputol ang sasabihin ni tita ng dahil kay Nikky.
"Mom he's here na susunduin ko lang siya doon sa may entrance". Masayang saad ni nikky saka nag paalam sa amin.
-
Mga ilang sandali ay pina settle na ng pamilya nila ang lahat at pinagtumpok kami sa iisang place lang sa event para simulan na ang program. Habang nag aanounce ang MC ay nasa table lang kami nila mom and dad ng marinig kong e aanounce na o tatawagin na sa harap namin sila Nikky at ang fiance niya ay tumin na ako roon.
Isang MALAKING sampal sa mukha ko ng makita ko ang lalaking pinakamamahal na naka ngiti habang naka akbay sa pinsan ko.
-
"Good evening ladies ang gentlemen this DR. CLARENCE HIDALGO". Nang marinig ko ang pangalan niya ganon din sila mom and dad ay ganon din ang panlalaki ng mga mata nila sa nasaksihan nila.
"Oh my ghad". Mahinang naiusal ni mommy habang si daddy naman ay naka tingin lang kay Clarence.
Nakita kung hinalikan ni Clarence si Nikky sa labi nito at ganon na lang ang naramdaman kong sakit sa dibdib, hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya tumayo na ako saka umalis pero ng makatayo na ako ay nagtama ang aming mga paningin at ganoon rin siya ka gulat ng makita niya ako.
-
Umalis ako sa event na iyon at pumunta sa ibang parte ng beach at umiiyak ng umiyak, mag-iisang oras na din ako dito sa dalampasigan at nag iisip ng biglang.
-
"Katherine?". sa boses pa lang ay alam ko na kung sino iyon.
"Clarence". tawag ko rin sa kaniya.
"Kamusta ka na?".
"Heto, succesful na hahaha". Peke kong tawa para hindi halatang nasasaktan parin ako sa nangyari sa amin noon.
"Heto, sa awa ng Diyos ay naging Doktor na din". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Congrats pala dahil ikakasal kana".
"Sa-salamat".
"Alam mo bang nasasaktan ako ngayon Clarence? Akala ko naka move on na ako sayo pero hindi parin pala". Sabi ko saka tumulo ang mga luha ko. "Akala ko kakamuhian kita ng higit pa nung una dahil sa ginawa mo sa pamilya ko pero hindi". Dagdag ko sa sinabi ko.
"Katherine, sorry pero mali ang inaakala mo sa akin na may nagawa akong kasalanan sa pamilya mo". Sabi niya na pinagtataka ko.
Ikinuwento niya lahat ng nanyari kaya labis na lang ang iyak ko sa mga nalaman ko, matagal na pala akong niloko nila mom and dad sa mga sinabi nila.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin Clarence?".
"Dahil sinubukan kong magpaliwanag sa iyo noong una pero hindimo ako pina pasalita". Na pahinto naman ako sa sinabi niya.
"Pwede bang ako na lang ulit Clarence? Please tayo na lang ulit?". Disperada na talaga ako sa kaniya kaya nasabi ko ang mga ito.
"Hindi pwede Katherine, hindi pwede".
"Bakit ang pinsan ko pa?".
"Hindi ko naman alam na magka relatives pala kayo Katherine".
"Pero bakit siya ang minahal mo?".
"Dahil siya ang taong nasa tabi ko ng kailangan ko ng karamay imbes na ikaw".
"Mahal mo ako diba?".
"Oo mahal kita Katherine". Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniyang mga matan na may pag-aas. "Pero NOON iyon hindi na NGAYON".
"Ba-bakit ganito?".
"Sorry, Katherine pero mahal ko ang pinsan mo". Sabi niya saka nag paalam na dahil baka hinahanap na siya doon. Habang ako naman ay umalis doon ng walang paalam at umuwi na ng bahay.
-
Lumipas ang tatlong buwan ay ikinasal nga siya kay Nikky, ayaw ko sanag umattend pero pinilit ako nila mom and dad kahit na ayaw ko at kahit na iniiwasan ko sila dahil sa ginawa nila sa akin pero, wala na akong magagawa dahil hindi na maibabalik pa ang mga panahon upang maitama pa.
.
.
[Kung sana'y nakinig ay hindi matatapos ng ganito ang aming pagmamahalan]
.
.
-THE END_
YOU ARE READING
One Shot Stories
FanficThis book is composed of my one shot stories. So that, one shot lang talaga siya wala ng pa intro intro sagad agad