:Reproduction or copying of this work in whole or in part in any form of medium including xerography, photocopying, recording and pasting is forbidden without the permission from the author. Plagiarism is a crime.
"Anak! lumabas ka rito may naghahanap sa iyo". Tawag ni tatay sa akin sa labas kaya lumabas ako dahil sa sinabi niyang may naghahanap sakin na ipinagtataka ko dahil wala naman akong hinihintay na bisita, pero gulat akong makita ang magulang ni Katherine.
"Magandang umaga po sa inyo". Masayang bati ko sa kanila.
"Magandang araw din Ijo". Sabi ng nanay ni Katherine.
"Tuloy po muna kayo sa aming barong-barong tita, tito". Masayang yaya ko sa kanilang tumuloy sa bahay namin.
"Huwag na ijo napadaan lang kami dito dahil may sasabihin lang kami sa iyo". At nagtaka naman ako kung ano iyon.
"Ano po iyon kung ganon?".
"Gusto lang naman naming layuan mo ang aming anak". Sabi ni Donya Cristina.
"hindi maari tita dahil mahal ko ang inyong anak".
"Hindi siya nababagay sa iyo ijo dahil langis ka at tubig naman siya". Sabi ni Don Feliciano na siyang pumiga sa aking puso.
"At kailan ma'y hindi na babagay ang anak ko sa anak ng isang hardenero na isang mangmang". Saad pa ni Donya Cristina.
"Kahit anong gawin niyo tita, tito hinding hindi ko bibitawan ang anak niyo dahil siya ang pinakamamahal kong babae sa buhay ko". Pagpipigil ko ng galit sa kanilang dalawa.
"Ijo, hindi ka ba nahihiya sa sarili mong tawagin kaming tito at tita kahit hindi kanaming tanggap sa pamilya namin? Ijo, mga La Louisa kami at sa amin nag tatrabaho ang ama mo". sabi ni tita na siyang nag paigting ng panga ko sa galit.
"Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala sa akin, dahil hindi ko iiwan ang inyong anak".Giit ko
"Aba kung ganiyan naman pala ang iyong asal ay hindi ka nararapat sa anak namin, hindi mo siya bibitawan ng kusa? pwes kami ang gagawa ng paraan para ang anak namin ang siyang bibitaw sa iyo". Saad ni Donya Cristina at saka tinalikuran ako at nag paumunang lumakad sa kaniyang asawa sa sasakyan.
-
Nagdaan ang ilang buwan ay naging masaya kami ni Katherine sa aming relasyon kahit pa minsan lang kami nagkikita dahil nasa manila siya habang ako naman ay nandito sa probinsiya at isa pa busy rin kami dahil nasa second year college na kami na siyang kumuha ng kursong Business Management habang ako naman ay ang pagdodoktor, mabuti na nga lang at merong offer na kursong medisina sa pinili kong unibersidad dito malapit sa probinsiya namin. Malaking pera ang kinakailangan ko para sa tuitio kaya nag dodoble kayod si tatay para maka kuha ng sapat na pera para sa pag-aaral ko dahil wala nang katuwang si papa para pag-aralin ako kaya nga pinagbubuti ko ang aking pag-aaral.
_
"Babe?". Tawag ko sa kaniya mula sa telepono
"Yes, babe?".
"Tulog na tayo, mag mamadaling araw na oh".
"Sige babe, inaantok na din naman ako". Sabi niya.
"Good night babe, I love you"
"Good night din babe, I love you too". Sabi niya saka binaba ang linya niya.
-
Kinabukasan ay sabay kaming nag almusal ni tatay habang nag tatawanan habang nag-uusap para sabay na rin kaming pumunta sa Hacienda La Louisa para mag trabaho dahil tamang tama ay weekend ngayon at walang pasok. Naglalakad na kami pa tatay sa daan papuntang hacienda habang nag-uusap at nagtatawan.
-
"Naalala mo ba iyong pinalo ka ng mama mo Clarence?". sabi ni tatay habang natatawa.
"Hindi ko na maalala eih, ano ba iyon tay? baka naman gawa-gawa mo lang yan eih". Sabi ko sa kaniya na nangingisi sa kaniy.
"Hindi mo na talaga naaalala noong pinalo ka ng nanay ng sanga ng bayabas dahil kinuha mo lang naman yung bra niya sa kabinet saka mo iyon pinalaro sa aso nating si jumbo at nasira iyon. hahhahaha bigay pa naman sa kaniya iyon ng kaibigan niya galing abroad HAHAHAAH". Tawa niya parang timang, ambuti na lang hindi ako nag mana sa kaniya.
"Pero tay hindi mo ba namimiss si nanay? matagal narin?". Tanong ko sa kaniya ng may ngisi sa labi.
"Oo naman anak".
"Namiss mo si nanay kasi matagal narin hindi kayo nag an----.. a-aarayy!!! tatay!!". Sasabihin ko pa sana kaso inunahan niya ako ng pingot sa ilong.
"Ikaw talagang bata ka nag mana ka talaga sa akin HAHAHAHA". Sabi niya saka binitiwan ang ilong kaya napahawak naman ako doon dahil sa sakit.
"Masakit yun tay hah, masira ka gwapuhan neto sayo eih. baka di na ako magustuhan ni Katherine neto".
"Pero sabagay anak Hahahaha namiss ko ring gawin yun namin ng nanay mo BWAHAHAHAHHA". Maloko.
"Ang tanda mo na tay mahiya kanaman sa anak mo dito AHAHAHAHAHHA". Sabi ko sa kaniya habang tawang tawa. Akala ko pipingutin niya ako dahil akma siyang hahawak sa ilong ko naman ngunit dumapo ang kaniyang palad sa aking balikat na at napansin kung ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kaniyang dibndib kaya nag alala naman ako.
"Tay? ok ka lang?". di siya sumagot ng bigla na lang siya napa 'AAHHHH' hawa-hawak ang dibdib niya sa sakit. Hanggang sa natumba siya at nawalan ng malay.
-
Isinugod ko siya sa hospital ka agad para madaluhan ng tulong at mabuti na lang dahil kaagad naman siyang inasikaso ng mga nurse at doktor. Naghihintay na lang ako sa doktor na umasikaso kay tatay para malaman ko kung anong sakit niya pero habang nag hihintay ako ay biglang bumukas ang pinto ng ER at iniluwa nito ang doktor kaya agad ko itong nilapitan at tinanong tungkol sa kalagayan ni tatay.
-
"Dok, kamusta na po ang kalagayan ni tatay?".
"Mabuti naman na ang kalagayan ng iyong tatay ijo, kaso malubha ang sakit niyang dinadanas". Ng marining ko iyon sa doktor ay nanlumo ako.
"Ano pong sakit niya Dok?".
"Meron, siyang malaking butas sa puso na kailangang gawan ng paraan para maagapan siya, pero ang ikinababahala ko lang ay baka hindi kayanin ng katawan niya ang operasyon dahil nanghihina na siya dahil sa sakit nitong dulot".
"Gawin niyo ang lahat Dok para maisalba ang buhay ng aking ama Dok". Halos maiyak na ako sa aking sinabi sa harap niya na aking pinipigilan lamang".
"Kung ganoon ay gagawin namin ang lahat ijo ngunit, malaking pera ang kakailanganin mo para sa operasyon niya".
"Ako na pong bahala doon Dok basta isalba niyo lang ang buhay niya". Sabi ko sa doktor sa ka nag paalam na siya sa akin dahil may appointment pa siyang kailangang puntahan.
-
Saan naman ako kukuha ng ganoong pera pambayad sa ospital? Isa't kalahating milyon? Saan ko pupulutin ang ganiyang kalaking pera?. Ang tangi ko lang talagang pag-asa ngayon ay ang humingi ng tulong kay Don Huan, kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa kaniya at humingi ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot ni tatay. Nasa Hacienda La Louisa na ako ng makita kong nagkakagulo ang mga tao roon at may ambulance sa labas ng masyon kaya agad akong pumunta roon para tignan ang nangyari, pero laking gulat ko na lang ng makita kong isinasakay si Don huan sa loob ng abulance na isang malamig na bangkay na lamang. Nakita ko ang isang ksambahay na si nenita at tinanong ito kung ano ang nangyari.
-
"Nenita, anong nangyari kay Don Huan?". Tawag pansin ko sa kaniya.
"Inatake siya sa puso Clarence kaninang tanghali habang naglalakad siya dito sa pasilyo ng mansion nila". Sabi niya sa akin habang umiiyak.
-
Dahil sa nangyari kay Don Huan ay nalungkot talaga ako ng husto ganoon rin si tatay ng malaman niya ang balitang wala na si Don Huan. Pupunta ako sa mansion nila Don Huan para tumulong sa pag-ayos ng paglalamayan niya, sasama sana si tatay ngunit hindi pwede dahil naka confine pa siya sa hospital para sa monitoring. Nang nakarating ako sa Hacienda La Louisa ay nakita ko ang isang van na kararating lamang at ganoon na lamang ang pagmamadali ko dahil baka laman ng sinasakyang iyan ay si Katherine, ngunit ng huminto ito at bumukas ang van ay ang tanging bumaba lamang ay si Donya Cristina at Don Feliciano at nag tama ang aming mga paningin.
-
"Anong ginagawa mo rito?". Taas noong saad ni Donya Cristina sa akin na kitang kita ko naman ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa pag-iyak.
"Tutulong sana ako sa pag-ayos ng paglalamayan ni Don Huan, Donya Cristina".
"Huwag ka nang tumulong ijo dahil hindi namin kailangan ang tulong mo".sabi niya pa.
"Balita ko nasa Ospital raw ang tatay mo?". Biglang sabat ni Don Feliciano na siyang nilingon ko naman.
"Ganon nga po". Sabi ko habang nag titimpi ng galit.
"Nagyon ijo, hihiwalayan mo ba ang anak namin?". Sabi ni Donya Cristina.
"Hindi ko siya iiwan Donya Cristina".
"Alam kong malaki ang hinahanap mong pera ijo baka pwede na yun para layuan mo ang anak ko". dagdag ni Don Feliciano.
"Pwede rin namin iyong dagdagan para makapagsimula kayo ng bagong buhay ijo". Nakangising dagdag pa ni Donya Cristina.
"Bakit niyo ba gustong hiwalayan ko ang inyong anak!?". Sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Dahil kayo nararapat sa isa't-isa kaya layuan mo siya!". Sigaw ni Donya mabuti na lang at mga kasambahay lamang ang nakakakita sa amin.
"Pagtinanggihan mo itong alok namin ijo mamamatay ang ama mo! alam mo iyan kaya pumili ka!". Tumulo na ang aking mga luha dahil sa mga sinasabi nila sa akin pero nagpipigil parin ako.
"Iiwan mo ang anak namin para sa pera para panggamot sa tatay mo o mamamatay ang ama mo sa ospital na walang pambayad?". Dagdag ni Donya Cristina. Tama kailangan kong pumili labag man sa loob ko ngunit kailangan, kailangan kong maisalba si tatay pero mahal ko si katherine ayaw kong iwan siya para lang sa pera nahihirapan na talaga ako sa sitwasyon ko, pero sa huli mas pinili kong maisalba si tatay sa kapahamakan dulot ng kaniyang sakit.
-
Matapos ang pag-uusap namin ng mga magulang ni Katherine ay lumayo na ako kasama si tatay, nagdaan ang isang buwan at matagumapay na naipagamot ko si tatay gamit ang perang ibinigay ng mag-asawang La Louisa sa akin at sa awa ng Diyos ay na isalba siya mula sa kaniyang sakit. Napapaisip ako ngayon kung ano ng nangyayari sa sa Hacienda La Louisa gusto mang pumunta roon ay hindi ko magawa dahil sa napag-usapan namin ni Katherine, hindi ako nag change ng simcard ko dahil nagbabasakali akong tumawag siya at magtanong sa akin kung ba't ako nawala bigla. Sana mapatawad ako ni Katherine dahil pinagpalit ko ang pagmamahalan namin sa pera. Kahit na may pinag-usapan kami na huwag na akong pumunta sa Hacienda pero pumunta pa rin ako dahil binabagabag ako sa kasalanan ko pag hindi ako nakahingi ng tawad sa kaniya,pero sana nandoon siya.
-
Nasa Hacienda La Louisa na ako pero nagsuot ako ng pangmagsasaka na damit para hindi ako makilala ng mga tao roon dahil pag nagkataon ay malalaman ng mag-asawa na sinuway ko ang pinag-usapan namin. Tamang-tama naman na narinig ko ang kasambahay na nandito raw si Katherine at aalis siya mamaya kaya agad akong kumilos para makita siya, hinanap ko siya sa hardin ngunit wala siya doon, kaya isa lang ang pwede niyang puntahan dito yun ang lugar kung saan kami nagpapahinga pagkatapos mamasyal. Nasa kalagitnaan ako ng pag lalakad ng makita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad dahilsabik na sabik na akong makita siya, hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan sa kaniya ay lumingon siya na siya sa akin at kitang kita ko sa kaniyang mga mata na kagagaling niya lang sa pag-iyak at nasasaktan ako na nakikita ko siyang ganoon.
-
"Katherine". Tawag ko sa kaniya saka umupo sa tabi niya.
"Bakit hindi ka nag pakita sa lamay ni lolo Huan?". Tanong niya sa akin kaagad saka hinarap ako sa pagkakaupo niya.
"Hayaan mokong mag paliwanag Katherine".
"Ipapaliwanag mo kong pano mo ninakawan si lolo at inatake sa puso?". Nagulat ako sa sinabi niya, anong ninakaw? wala akong ninakaw.
"Kather-". Putol niya sa sasabihin ko
"Nagulat ka? kasi alam ko na ang totoo?". Naiiyak niya pang sabi na mas nagpadurog sa aking puso.
"Ang totoo kasi ay-". Putol niya ulit sa akin.
"Ang totoo kasi ay yun yon!".
"KAtherine magpapaliwanag ako".
"Wala kanang dapat na ipag papaliwanag Clarence dahil alam ko na ang totoo! ano pa bang sasabihin mo na hindi ikaw? na ang lahat ng mga kasamahan ni lolo sa mansion ay ikaw ang tinuturong salarin kung bakit namatay si lolo!. Dahil sa ginawa mo wala iyong kapatawaran sa akin!. ". Sinong may sabi na ninakawan ko si Don Huan? wala akong kailanmang ninakaw, puno ng tanong ang aking isipan sa sinasabi niya ngayon at nakakasakit ito ng damdamin ko.
"Kath_".
"Huwag mo akong ma tawag-tawag sa pangalan ko dahil wala akong kilalang kriminal!! at lalong-lalo na ay wala akong nobyong Kriminal". Pangduduro niya sa akin at hindi naman ako naka sagot at nag bitiw ulit ng salita na nagpayanig ng aking mundo.
"Let's end this relationship between us Clarence Hidalgo, I'm no longer your fire within your soul". Sabi niya saka umalis sa harap ko habang lutang ako sa sinabi niya at naramdaman ko na lang ang mga likidong umaagos sa aking mata at kasabay nito ang pag buhos ng ulan na napakalakas. Ang tunog ng malakas na hangin at ang tunog ng bumubulosok na tubig mula sa itaas ay mistulang musika sa aking pandinig na sumasabay sa bigat ng aking nararamdaman.
-
Naglakad lakad ako sa gitna ng ulan habang naka tulala sa kawalan na ang tanging nararamdaman ko lang ay ang mga luha kong sumasabay sa pag-agos ng tubig ulan sa aking mukha. Habang naglalakad ay napadaan ako sa isang tindahan tutuloy na sana ako para umuwi kaso may tumawag sa akin at ng tingnan ko ay si Nenita, isa sa mga kasambahay sa Hacienda La Louisa.
-
"Calrence!!". Sigaw niya na siyang nilingon ko.
"Halika dito basang basa ka ng ulan baka mag kasakit ka niyan!". Hindi ko sana siya papansnin ngunit may sinabi siya na kumuha ng atensyon ko.
"Halika rito may sasabihin ako sayo tungkol sa nangyari". Kaya lumapit na ako at sumilong kung nasaan siya.
"Clarence, Alam kong puno ng tanong ang iyong isipan at alam ko rin na pagsasabihin ko ang totoo sa iyo ay lalabagin ko ang iniutos nila Donya at Don Feliciano". Sabi niya pero di ako umimik.
"Pinalabas nila na ang pagkamatay ni Don Huan ay dahil sa iyo dahil ninakawan mo siya ng pera". Nagulat ako sa sinabi niya at bigla na lang ako nakaramdam ng poot at galit kaya naman bago pa ako maka pag mura ay nilisan ko na ang lugar kung saan sumisilong si Nenita, tinatawag niya ako na magpasilong muna pero hindi ko na siya nilingon.
-
Ang mga nangyari at nalaman ko ay mistulang malalaking bato na pasan pasan ko araw-araw, ang pamumuhay ko ay nawalan ng kulay. Nagdaan ang isang taon ay napapabayaan ko na ang pag-aaral ko pero mabuti na lang ay naipapasa ko din kahit papaano pero yung sakit na naramdaman ko ay nandito parin. Hindi ako galit kay Katherine dahil iniwan niya ako kaya palagi akong nag leleave ng txt messages sa kaniya at voice messages araw at gabi pero kahit isa sa mga iyon ay wala akong natanggap na reply, hanggang sa nagulat ako ng mag beep ang cellphone ko kaya agad ko itong binuksan at isang txt ang nag pop-up kaya binuksan ko agad dahil baka si Katherine ito ngunit, namlumo na lamang ako ng mabasa ang txt message galing kay Nenita na aalis si Katherine papuntang New york ngayong hapon para ipagpatuloy ang pag-aaral, kaya dali-dali akong nagbihis at lumuwas ng manila para makita siya. Pumunta ako sa airport na binigay ni Nenita sa txt pero wala na akong naabutan dahil kakalipad lang ng eroplanong sinasakyan niya.
-
Habang tinatanaw sa malayo ang eroplano ay bumuhos nanaman ang mga luha ko dahil wala lang man akong nagawa para sa taong pinakamamahal ko. Siguro ito na ang tamang panahon para sumuko na ako dahil kung hindi pa ako susuko mas masisira ko ang buhay at kinabukasan ko. Kung mahal ako ni Katherine ay sana binigyan niya ako ng pagkakataong maka paliwanag sa kaniya dahil handa naman akong isiwalat lahat ng hindi niya nalalaman, ngunit huli na ang lahat kahit pa umiyak at mabulok pa ako dito sa kinatatayuan ko ay wala itong magagawa sa problema ko. Kinuha ko ang aking cellphone at ng send ako ng voice message sa kaniya.
"Katherine, magiging masaya din ako dahil sa pinili mong desisiyon at hanggang dito na lang ako".
.
.
[You're no longer my warm light upon my soul Katherine La Louisa]
YOU ARE READING
One Shot Stories
FanfictionThis book is composed of my one shot stories. So that, one shot lang talaga siya wala ng pa intro intro sagad agad