chapter 6

51 4 0
                                    

HATE LIST




Dalawang linggo na din ang nakalipas. As usual, naattend pa din kami ng gathering tuwing hapon. Nakakapanibago, kasi si Aly na ang nangungunang magsalita sa gathering. Second motion nalang si Max. At may bali-balita din na muntik ng mapatalsik si Max sa pagiging president ng engineering student's association, dahil nalaman ng dean ang pagpaparusa niya sa mga kaibigan ko.

Hanggang ngayon naguguluhan ako sa kanya kapag naaalala ko ang nangyari. He's mad at me that time at halos suntukin niya na ako at ng sumigaw naman ako, biglang kumalma ang boses niya na tila may kakaiba pa itong ibig sabihin.

Nagtungo ako sa library ng mag-isa, may irereport kasi ako next week kaya habang maaga pa ay gagawa na ako, dahil mahirap maghabol ng report. I'm just being a responsible student.

I went to the librarian and asked if the the book entitled "Advance Engineering Mathematics " is still available. Hindi ako inallow ng prof ko na gumamit ng internet sa paggawa ng report kasi what's the purpose of the books inside the library di ba kung magdedepend lang tayo sa mga nababasa natin sa internet.

"Yes, it's still available. Just check it our there. Kaso baka maunahan ka, may kumukuha din kasi. Isang copy lang iyon." sabi ni librarian at inabot sa akin ang index card na may nakasulat kung saang alley ito nakakabilang.

Sinuri ko ng maigi ang book shelf kung saan nakalagay ang libro. Hoping that it is still available. Since iisang copy lang iyon, I must find that one. At tumigil ang mundo ko ng makita ko ang isang kamay na kumuha ng libro. Nagkatinginan kami, agad naman akong umiwas.

"Ahm. Hi, ikaw si Cyan Suarez di ba? I'm Zach Ferrer, sorry, gagamitin mo din ba 'to?" Tanong niya, he's a also a freshman like me. From section two.

"Ah oo eh, pero okay lang ikaw naman naunang nakakuha. Hahanap nalang ako." sabi ko at yumuko papaalis. At sa dulo ng isang aisle ay nauntog ako, hindi sa book shelf kundi sa isang tao.

Inangat ko ang tingin ko at napaatras, "A-ah. Sorry." paghingi ko ng paumanhin sa pagkakabungo ko sa kanya.

"Wala ka bang klase?" Tanong niya sabay tinaasan ako ng kilay, "It's none of your business." May inis sa tono kong sagot at nilagpasan siya pero hinigit niya ang kamay ko kaya napabalik ako.

Nagkatitigan kami pero seryoso ako na may halong pagtataka na din. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, at binuka ang palad ko. Kinuha niya pala ang index card. Nilagpasan niya ako, sinundan ko naman siya ng tingin. He's finding the book that I have already lost.

Inabot naman niya pabalik sakin ang papel, "Nakuha na yata. By the way, if you want a copy, parang meron ako niyan sa condo." napabuntong hininga nalang at ako at inikutan siya ng mata.

"Wag ka ng magbait-baitan. Hindi ako interesado. Maghahanap nalang ako sa ibang library." nagpatuloy ako sa paglalakad at sinadya ko pang sanggiin ang kanyang balikat.

"Attend the gathering, I prepared a good activity." He said from behind ngunit hindi ko nalang ito pinansin.

I'm disappoint yet annoyed sa naecounter ko sa library. Wala naman akong magagawa kundi hanapin nalang yung libro sa ibang library o kaya magrent nalang sa mga bookshops. For sure mayroon namang available. Ayaw ko lang talagang pumayag sa alok ni Max na pagpapahiram ng libro, for what? Malay ko ba, i don't want to owe him for something I can find.

I just spent my whole lunch break looking for that book. Kahit sa national book store ay wala, mabilis daw kasi iyon mawala dahil nga ginagamit itong reference ng mga engineering students na katulad ko.

Dating My Dearest You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon