chapter 8

39 3 0
                                    

LIL' SIS'S BIRTHDAY
-

Nanatili ang katahimikan sa paligid namin at patuloy lang ako sa pag-obserba.

I really don't know how I forgot Max, pero hindi dahil bestfriend ko siya noon ay magiging okay na ang lahat. Iba ang kasalukuyan sa nakaraan. Kaya I won't let my past decide kung ano ang kahahantungan naming dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagpresentang mag-imis nito.

"Tulungan na kita." aniya, tinignan ko lang siya at hinayaan sa gusto niya.

Ako ang naghuhugas ng plato at siya naman ang nagpupunas at naglalagay sa dishdrainer. Umakto nalang ako ng parang hindi siya malapit sa akin. Pagkatapos kong maghugas ay umalis na ako sa may lababo.

Umupo na ako sa salas at kinalong ang kapatid ko. Nanatili lang siya siya sa may kitchen counter kahit natapos na siyang magpunas.

"Kuya Max, join us, please." sabi ni Cielo. Napabaling naman agad ang tingin ko kay Max at sinenyasan na huwag siyang pumayag.

"Sure, if you want to." He smiled and raised his eyebrow as if he won against me pagdating sa kapatid ko. Umupo siya sa tabi ko,lumayo naman ako ng kaunti sakanya at umupo sa pagitan namin si Cielo.

"Kuya Cyan, ayaw mo po ba kay Kuya Max?" nagulat ako sa kanyang itinanong.

"Hah? Ahmm, hindi naman sa ayaw ko sa kanya, pero hindi talaga kami close." sagot ko.

"Kuya Max is very kind to me, he even gave me this..." at pinakita niya sa akin ang kwintas na nasa leeg niya. Tumango nalang ako.

"Cyan, kuhanin mo yung cake na inorder ko sa Goldilocks sa mall. Magluluto lang ako ng handa ni Cielo." Sabi ni mom habang nag-iimis ng gamit nila sa may kwarto ko, "Isama mo na din si Max. Madami pa akong ipapabili eh. Para naman makapagbonding kayo."

"Mommy, can I go with them? Pleaseeee." Cielo said while hugging mom from behind.

"Sure sweetie, but make sure you won't do silly stuff with them. Okay?Always stay by your kuya's side. Take care of your little sister." As soon as mom give us permission, we left the unit and went to the parking lot.

"Let us use my car instead of yours." Tumango nalang siya at binuksan ang front door seat, "Sa back seat ka. Ayaw ko ng may katabi pangit." I raised an eyebrow at him.

"Sure, if you say so."

He's acting too weird lately and I don't know what is he up too or maybe he's just teasing me, or maybe hindi lang talaga ako sanay sa attitude niyang mabait. Kasi most of the time sa gathering, lagi siyang nakasigaw, konting mali may punishment na kung ano ano na magpapahirap sa buhay mo.

Pinaupo ko muna si Cielo sa frontseat at ianyos ang seat belt niya after that I opened the driver seat's door and went inside the car. Mom already text me the list of things that we should buy since she gave me the allowance.

Habang nagmamaneho ako ay kinukulbit ako ni Cielo, "Yes baby?" I asked.

"Can I borrow your phone. Hihi." i looked at her confusedly, "Why? I don't have any games there." She pouted.

"It's not that Kuya. Please give me your phone. Please pleaseeeee!" She's just cute I can't ignore her so gave her my phone.

She was just taking selfies while we are in the trip, she even asked me to take a picture of her since it's her birthday. We were stucked in the traffic for couple of minutes.

"Anong ginagawa mo?" saad ko ng makita kong inaalis niya ang seat belt niya.

"Can I just seat beside Kuya Max? Please." Lumingon naman ako sa backseat. He's sleeping peacefully while his head is leaning at the side of the window.

Dating My Dearest You (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon