Simula

24 0 0
                                    

Eli's POV

Mainit, maalinsangan at tirik na tirik ang araw ng maisipan akong pakuhanin ni nanay ng mangga sa puno ng kapitbahay namin.

Mga limang metro lang ang layo sa amin.

"Eli anak!!! Bilisan mo at kakain na tayo!!!" Grabe to si nanay, ang lakas ng boses.

"Nandyan na nay!!!" Sigaw ko din, aba sumigaw din ako noh. Ganyan talaga...like mother like daughter.

Sinoli ko muna yung hiniram kong panungkit ng kapitbahay namin bago ako umuwi.

"Salamat po hanggang sa uulitan" sabi ko.

Pag-pasok ko sa bahay biglang bumungad sakin ang amoy ng niluluto ni nanay. The only recipe of Reyes family.

Ang Galunggong...

Ang sarap kaya non, favorite ulam namin ni nanay yon samahan mo pa ng mangga na may bagong at kamatis. O diba...sarap lang.

"Grabe naman nay, amoy palang ulam na" sabi ko saka sunimulan ng balatan ang mangga.

"Talaga dahil punong puno to ng pag-mamahal habang niluluto ko"

"Ako din naman nay, buong puso ko inalay ang pagod at pawis ko para sa makuha tong mga mangga"

"Hahaha" tawanan namin ni Nanay. "Puro ka kalokohan" sabi ni nanay.

"Ay sus nay nag-mana lang naman ako sa inyo" napatigil ako ng biglang huminto si nanay sa ginagawa niya at bahagyang nakatingin lang sakin. "Nang kagandahan" dugtong ko. Kala niyo galit si nanay, di ata marunong magalit yan eh. "Kayo kasi nay di niyo ako pinapatapos eh" sabi ko sabay tawanan ulit namin.

"Mamimiss ko yan" bigla niya akong nilapitan at saka niyakap. "Mamimiss ko yung mga tawanan natin, ikaw kasi iiwan mo ko"

"Nay" hinarap ko siya sakin. "Ayaw ko man po pero kailangan, para may pang-tustos po ako sa mga maintenance at operation niyo" pagpapaliwanag ako. "Saka promise ko naman nay kapag nakaipon na po ako ng malaki-laki, babalik na ako dito at hindi na ako aalis"

"Promise?? Hindi mo gagayahin ang tatay mo??"

"Promise" with matching taas pa ng kanang kamay. Baka isipin niyo na iniwan kami ni tatay dahil nahuli siya ni nanay na may kasamang ibang babae hanggang sa nag-hiwalay sila at umalis at nanirahan na sa malayo. Nagkakamali kayo, sadyang oa lang ako mag-isip. Hahaha. Pero ang totoo ay napagod na si tatay sa pakikipag-laban sa sakit niya. Stage four lung cancer. Kaya ganun na lang ang reaction ni nanay ng malaman niyang ba-byahe ako pa-maynila mamayang gabi. Ayaw ko naman talaga eh, pero kailangan dahil tumatanda na si nanay, kapitin ng sakit. Ayoko pa naman na pati siya mawala pa sa akin.

Matapos namin kumain ay pinag-pahinga muna ako ni nanay. Gusto niya maganda raw ang maging pakiramdam ko bago lumuwas para wala rin daw bad vibes ang kumapit sakin.

Paggising ko agad kong tinignan ang orasan namin.

3:00 pm na. Kailangan ko ng gumayak. Mga 5:00 pm pa naman ako pupunta sa terminal pero mas maganda ng maaga.

Kinuha ko na ang tuwalya ko saka sinabit sa balikat. Palabas na ako ng kwarto ko ng biglang may sumabog na confetti sa mga mukha ko. Kasabay non ang mga maiingay na torotot.

Sa pag-kakaalam ko, hindi naman bagong taon ngayon.

"Nay naman..." Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Bakit may paganito pa??"

"Anak syempre bago ka umalis gusto kong may baon baon kang ngiti" sabi ni nanay. "Gusto ko palagi mo kaming maalala" niyakap ko si nanay at hindi ko na napigilang hindi umiyak. Mamimiss ko talaga to. Sila at ang probinsya.

Pag-katapos ng masayang kaganapan sa bahay ay umalis na ako. Hindi na ako nag-pahatid kay nanay sa terminal dahil alam kong mas iiyak lang kaming pareho. Nag-promise naman ako sa kanya na tatawag ako madalas para iupdate siya at para mangamusta. Isa pa di na ako mangangamba sa kanya sa bahay dahil binilinan ko na sina Angie at Angeline na bantayan si nanay, suswelduhan ko na lang din sila buwan buwan, isasama ko sa perang ipapadala ko.

Natapos din ang mahabang biyahe mula probinsya to Manila. Grabe pala dito sa Manila. Ang ganda. Ang laki-laki ng mga building.

Bumaba na ako sa bus. Hinihintay na lang ang susundo sa akin. Kaibigan ni Nanay at the same time Ninang ko. Si Ninang Glenda.

Umupo muna ako sa isang bench don. Tinext si nanay. Ayaw ko naman siyang tawagan dahil ayaw kong istorbohin ang tulog niya.

Maya maya pa ay tinawagan na ako ni Ninang.

["Hello po Ninang"] sabi ko.

["Nasaan ka na?? Nandito na ako sa terminal"] pinag-masdan ko naman yung paligid.

["Ninang nandito po ako malapit sa mga tindahan"] sabi ko.

["Ang dami nyo dyan, di kita makita"] oo nga...pano ba??

["Ninang naka white po ako na shirt saka naka pantalon po, nasa bench po ako nakatayo"] tumayo naman ako mula sa pag-kakaupo.

["E hindi talaga kita makita e"] Hays, sign of aging nga naman. Sorry na agad Ninang. hahaha...

["Sige Ninang ganito na lang po, ako na lang ang mag-hahanap sa inyo"]

["Sige"]

["Ano bang kulay ng damit niyo Ninang??"] Tanong ko.

["Naka green ako ng damit-"]

["Na naka black na pajama???"] Sabi ko dahil parang natatanaw ko na si Ninang. Di ko lang sure.

["Oo tama"] may tama nga ako.

["Sige hintayin nyo lang po ako dyan"] sabi ko at saka siya pinuntahan.

Maraming tao ang na sa terminal ngayon kaya nakipag-singitan pa ako. Nandito kasi ako malapit sa mga nag-titinda ng meryenda kaya maraming tao. Marami ding bumibili.

"Ninang" sabi ko ilang dipa na lang ang layo ko mula sa kanya. Nag-mano naman ako.

"Kamusta ang byahe??" Tanong niya.

"Okay lang naman po Ninang" sagot ko.

"Osya tara na" sabi niya. "Matulog ka ka agad pagdating sa bahay at bukas na bukas din ay mag-sisimula na tayo sa trabaho" dugtong niya. Nag-taka naman ako dahil sa sinabi niya. Sabi niya kasi non ay hindi muna niya ako bibiglain agad mag-trabaho kapag galing ko sa byahe.

"May event kasi sa hotel mamaya. Mga big-time daw ang mga bisita kaya kailangan ng mas madaming helper" paliwanag niya. Na-curious naman ako.

"Ano pong event??? Saka sino po yung mga big-time na pupunta???"

"Ang pag-kakatanda ko ay mga negosyante ng isang kilalang maker of wine" tumango na lang ako.

"Ang H & M wine corporation" napanganga na lang ako sa gulat. Ito yung sinasabi sakin dati ni tatay na nakita niya sa dyaryo. Idolo daw niya sila dahil sa husay nila sa paggawa ng wine. Sa katunayan ay yung isa mga wine nila ay binili ni tatay na halos pinag-ipunan niya ng matagal. Sabi pa nga niya gusto niya daw makita sila ng personal at makapag-papicture. Isa din kasi sa pangarap ni tatay ay ang maging isang wine maker kaya siguro sobra nyang idolo ang mga tao sa likod ng H & M wine corporation. Sayang lang at wala na si tatay para makita sila at makapag-papicture. Pero di bale ako ang tutupad non para sa kanya.

Till my heartache's endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon