Kabanata 5

18 0 0
                                    

Eli's POV

"Bakit tayo nandito??" Tanong ng makarating kami sa sementeryo. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse pag-katapos ay tahimik lang kaming nag-lalakad.

"Basta malalaman mo din" sabi niya saka sinundan na lang siya.

Huminto kami sa tapat ng isang puntod.

    Kate Fernandez
Born: October 3, 1996
Death: March 21, 2018

Yan yung nakalagay. Napatingin naman ako sa tabi ko, nag-sisindi siya ng apoy sa kandila.

"Ano mo siya" Tanong ko. Bigla naman siyang nalungkot. "Sorry, okay lang naman kung-"

"My ex" putol niya sa sasabihin ko. Pero ano daw?? Ex...tama ba narinig ko??

"My ex-wife" dugtong niya. Umupo siya sa carabao grass kaya umupo na rin ako. Tahimik lang kaming dalawa. Na-curious naman ako bigla, May naging asawa na pala siya, wala sa itsura.

"We've been married just a couple of months" pagpapatuloy niya. "But we decided agad na bumuo ng pamilya" nagulat at na-curious naman ako. Nakatingin parin siya sa puntod ng ex-wife niya.

"Awa ng diyos biniyayaan niya agad kami, nabuntis si Kate" may anak na din pala siya. "Sobra ang saya namin non, dahil yun ang pangarap naming dalawa, ang bumuo ng isang pamilya" pag-papatuloy niya.

"E kung ganon sir, nasaan po yung anak niyo??" Natanong ko. Bigla naman siyang napayuko habang nagpipigil ng mahihinang hikbi.

"They both died" barag na boses niya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya. "Masyadong maselan ang pag-bubuntis ni Kate at hindi niya yon kinaya" sabi niya. "Habang nanganganak siya, nalaman ng mga doktor na wala ng buhay ang anak namin, hanggang sa unti-unti ng nawawalan ng malay si Kate" this time hindi niya na napigilang umiyak. Alam kong kakikilala pa lang namin pero sobra akong naawa sa kanya ngayon, gusto siyang i-comfort pero di ko alam kung paano.

Napayuko na lang din ako. Kasalanan ko din to eh, nag-tanong pa kasi ako.

"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. dito lang ako sa tabi mo, dadamayan kita" sabi ko saka bahagya akong tumabi sa kanya at tinap ang likod niya.

▪️▪️▪️
Presty POV

"Naiinis ako sa kanya!!"

"Pwede bang tumahik ka, andaming tao oh" napatingin naman ako sa paligid. I know na sa restaurant kami. "nakakahiya" dugtong niya.

"Nakakainis kasi eh" bulong ko. "Mag-damag ko siyang tinatawagan kahapon tapos hindi man lang niya sinasagot ang mga tawag ko" paliwanag ko. "At alam mo ang dahilan niya??" Napailing naman siya. "Lowbat phone niya" sabi ko.

"E malay mo naman talaga lowbat ang phone niya" sabi niya. "Ikaw lang talaga tong kung ano-ano ang iniisip" napatingin naman ako sa sinabi niya.

"FYI ha, he's my fiance kaya kilala ko na siya" sabi ko. "Simula ng mamatay ang ex-wife at anak nila, puro trabaho na ang inatupag niya, kahit nga akong fiance niya hindi niya pinag-tutuunan ng pansin eh" napairap na naman ako ng maalala ko ang mga pag-papapansin kong ginawa sa kaniya.

"Oliver" tawag ko sa kaniya. Napatingin naman siya saglit sakin pero agad ding umiwas at nag-focus sa ginagawa niya.

"Bakit??" Walang ganang tanong niya.

"Ibibigay ko lang sana tong cookies na bake ko" inilapag ko yon sa desk niya pero ni isa wala man lang sinabi. "Sige alis na ako" sabi ko na lang at umalis na.

Sa totoo lang noon pa man may gusto na ako kay Oliver. Mag-kaibigan kasi ang family namin at co-owners din ng H & M wine corporation kaya palagi ko na siyang nakikita. Gusto kong mag-papansin sa kanya noon pa man pero may asawa siya at soon mag-kakaanak na sila. Hanggang sa nalaman ko kila mommy and daddy na namatay yung asawa at anak nito habang nanganganak.

Kaya simula non kinapalan ko na ang mukha ko at nagpapansin sa kanya hanggang sa na notice ng parents namin na i-arrange marriage kami, mas maganda daw kasi sa image ng business namin.

"So anong plano mo??" Napahinto naman ako sa pag-didaydream ko.

"You'll found out soon"

▪️▪️▪️
Eli's POV

"Isa po sa strawberry at choco flavor" sabi ko. Nandito kami ngayon bumibili ng ice cream, dito sa park. Napag-isipan ko na samahan muna ngayon si Oliver. Kaya um-absent na muna ako. Kaya lang ang problema di ako naka-pagpaalam kay Ninang dahil naiwan ko yung cellphone.

"Mahilig ka rin pala sa ice cream noh" sabi niya habang nag-lalakad kami pabalik sa pwesto namin kanina.

"Oo super, lalo na kapag strawberry at chocolate" sabi ko sabay dila sa ice cream na hawak ko.

Umupo na kami sa bench.

"E Ikaw ba??" Tanong ko naman sa kaniya. Hindi kasi siya bumili eh.

"Wala akong hilig diyan" sabi niya. Pero halatang halata naman garod na natatakam siya.

"Sorry may laway na eh" sabi ko at natawa naman kami pareho.

"Hindi ko nga gusto yan" ulit niya.

"E bakit parang natatakam ka??" Tanong ko. "Sabihin mo lang kung gusto mo, ako na bibili" sabi ko habang natatawa.

"Ang kulit mo din noh, hindi ko nga sabi gusto yan" sabi niya sabay harap sa isang gilid. Lumipat naman ako don.

"Hmm~~" sabi ko sabay dila ng ice cream. Sinusubukan ko lang inggitin tong isang to. Alam ko namang gusto niya rin kumain ng ice cream eh, ewan ko ba kung bakit dinedeny niya. Pakipot ba...

"Di mo talaga titigilan yan??" Sabi niya sakin pero wala akong pakialam. Iniinggit ko pa rin siya.

"Hmm~~" abala ako sa pang-iinggit sa kanya ng bigla na lang lumapat ang ice cream sa mukha ko. Tawa siya ng tawa habang lumalayo na sakin.

"Ganon ha" sabi ko sabay habol sa kaniya.

"Ang bagal mo naman" sabi niya kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko.

"Ano ka ngayon" sabi ko ng mahawakan ko siya sa damit niya. Pinahidan ko din siya ng ice cream sa mukha.

"Sarap ba??" Sabi ko habang hawak hawak parin siya sa damit. Siya naman lihis ng lihis.

"Hahaha" tawa lang kami ng tawa habang nag-hahabulan parin. Hinahabol niya ako at ganon din ako, hinahabol ko din siya.

"Aw" sabi ko ng bigla akong natisod.

Nagulat na lang kaming pareho sa sumunod na nangyari.

Tsup~~

Till my heartache's endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon