Kabanata 2

22 0 0
                                    

Oliver's POV

Abala ako sa presentation ko for tomorrow. This is about the HS Design. One of the Hudson business. Ang pag-design ng mga mga house and furniture ng bahay.

"Hey dude" Biglang pasok ni Diego sa opisina. "Here's the information" sabay abot niya sakin ng isang brown envelope. Kinuha ko naman yon at agad na binuksan.

"Kahapon to be exact lang siya na tanggap sa trabaho" sabi niya. "Base sa nakalap kong impormasyon, Ninang niya ang nag-pasok sa kanya sa trabaho" dugtong pa niya.

Naintriga naman ako.

"Where's her family then???" Tanong ko.

"Yun ang hindi ko pa alam" sagot niya. "Pero malamang na sa probinsya dahil napag-alaman ko na kagagaling lang niya ng probinsya last night" dugtong niya.

"Maybe, she's working here in Manila to earned money for her family in province" sabi ko.

"Yeah, maybe it's possible" Diego agreed. "Pero matanong ko lang" he paused. "Bakit ka biglang naging interesado sa kanya???" Napatingin ako sa kanya. "Don't tell me because she looks like-"

"Yes" sagot ko agad. "Any problems???" Tanong ko.

"Nothing" sabi niya. "But you have P-"

"Stop" putol ka sa sasabihin niya. "Ayokong may makaalam nito bukod sating dalawa" sabi ko sabay labas ng office.

I don't know, pero nawalan ako ng gana tapusin ang presentation ko. Maybe may aasikasuhin lang akong iba.

Pinaandar ko ang kotse ko at pumunta sa ZB Hotel, actually this hotel is really beautiful kaya madalas dito namin pinipili ang mag-daos ng event katulad kagabi.

But what I like in this Hotel is the people around. Specially the girl last night. Yes, the girl who ask permission  to take a picture with us.

Actually when I stepped on the stage last night, my eyes suddenly saw her. She's beautiful.

Pumasok na ako sa loob at nag-check-in na. Dito muna ako mag-papalipas ng isang gabi. Gusto ko munang mapag-isa.

▪️▪️▪️
Eli's POV

Kasama ko si Ninang ngayon at ang iba pang kasamahan namin sa trabaho.

Lunch time pa lang naman.

"Ang sarap mo talagang mag-luto ng pansit Glenda" puri ng isa naming kasamahan. "Walang kupas" dugtong niya.

"Hahaha" tawanan naman namin. Paano ba naman ay punong puno ang bibig niya ng pansit habang sinasabi yon. Edi ang ending nabulunan siya.

"Dahan dahan kasi" sabi ni Ninang. "Ito tubig oh" abot niya.

Grabe naman at nabulunan talaga si ate. Hahaha. Well masarap naman talaga kasi ang luto ni Ninang. Kahit malamig na dahil kanina pang umaga niya ito niluto, pero masarap parin. Sabi niya sakin talagang nag-luluto daw siya madalas ng meryenda sa mga kasamahan niya. Ganon din naman daw ang iba.

Bongga. Baka dito na ako tumaba. Hahaha...

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Si Nanay nag-text.

From: Nanay
  
   Huwag kang papagutom ha, ingat ka palagi. Alagaan mo ang sarili mo.

To: Nanay

   Opo nay, tatandaan ko po lahat ng bilin niyo. Kayo din mo mag-iingat

Love you nay:-*:-*

"Bakit ngumi-ngiti ang isa diyan" napatingin naman ako sa nag-salita. Ako ata ang pinaparinggan eh.

"Jowa mo??" Tanong naman ng isa.

"Hindi po" pag-tanggi ko. Ganon ba dito?? Pag-may ka-text ka lang at napapangiti ka...jowa agad?? Wala pa ata yon sa bokabularyo ko. 23 years old pa lang ako noh.

"Hay naku mga mars" biglang nag-salita si Ninang. "No boyfriend since birth ang ina-anak ko" pag-tatanggol niya sa akin. Halos di naman makapaniwala ang iba.

"Weh??"

"Talaga??"

"Totoo po" nasabi ko na lang.

"Baka naman tinatago mo lang??" Sabi ulit ng isa.

Hays, pano ba to...ang hirap i-convince.

"Tama na nga ang mga chika" sabi ni Ninang. "Mag-ayos na tayo at mag-tatrabaho pa tayo" dugtong niya. "Mamaya pagalitan pa tayo eh" kanya kanya naman kaming nag-siligpitan ng kinainan namin.

Yung head namin, hindi namin kasabay kumain yon. Mas maaga silang nag-la-lunch kaysa sa amin. Edi sana all...

Matapos kaming kumain ay nag-si-punta na kami sa kanya kanya naming trabaho. As usual kaninang umaga sa pool area ako naka-assign pero ngayon, sa mga rooms naman.

Kinakabahan nga ako eh. Syempre alam niyo na.

Pinaalalahanan naman ako Ninang na knock three times daw. Pag-walang sumagot. Knock five times daw kapag wala pa knock ten times na daw. Minsan daw kasi hindi lang naririnig ng iba kaya hindi sumasagot.

First room. Walang tao, siguro kaaalis lang ng mga tao dito. Bale 2 beds ang meron dito. Medyo may kalakihan din.

Isa-isa ko ng inayos ang mga gamit sa loob. Nag-palit ng bedsheet, punda ng mga unan, at kurtina. Pag-katapos ay nagwalis na ako at nag mop sa kwarto. Sunod sa cr naman, nag-linis ako ng floor, wall at toilet at kung ano ano pa.

Nakakapagod...pinagpawisan ako dun ah...

Next room. Ganon din ang ginawa ko, wala na mang tao eh. Saka ginawa ko na yung sinabi ni Ninang na knock three, five hanggang ten.

Next three room puro naman may mga naka-check-in. Buti na lang as a family sila. Mas madaling i-approach.

Actually sa may mga rooms na may naka-check-in, tatanungin muna sila kung may ipapalinis saka kami papasok para mag-linis. Hindi kasi maiiwasan ang hindi pag-kakalat.

Next room na.

Knock three times...
Tok
Tok
Tok

Walang sumagot.

Knock five times...
Tok
Tok
Tok
Tok
Tok

Walang sumagot, siguro tulad lang to ng mga naunang rooms na nilinis ko. Walang tao.

Pero syempre mas maganda ng sigurado.

Knock ten times...
Tok
Tok
Tok
Tok
Tok
Tok
Tok
Tok
Tok
Tok

Wala parin.

Pumasok na ako room. Wala nga. Nag-simula na akong mag-palit ng bedsheet.

Grabe naman sa gulo to... Sa isip isip ko.

Pinag-pag ko muna yon ng pinag-pag saka tumuntong sa kama.

Ang lambot...

Tumalon talon pa ako habang nag-papagpag.

"What the hell" agad akong nagulat ng biglang may nag-salita. "What are you doing??"

Pag-kakita ko pa lang sa kanya agad akong napatalikod.

Si...

Si...

Mr. Oliver lang naman. Remember siya yung isa sa anak ng Hudson family.

At take note. Nakatapis lang siya...

OMO

Till my heartache's endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon