Prolouge

4 0 0
                                    

Third Person's Pov





10 years ago...





"I left my car. Im walking alone...."




Naglalakad ang isang binata sa gitna ng gabi sa syudad ng Clayton. Habang nakikipagusap sya sa kanyang ama sa cellphone ay di nya alintana kung anong oras na.





Natapos sya sa pakikipagusap at ipapasundo na siya ng kanyang ama sa kanyang mga body guards. Wala ng masyadong tao sa syudad dahil alas onse na ng gabi. Tanging mga guards naalng na nagbabantay sa bawat nakasarang shop ang natitira. Wala na rin tao sa station ng tren kaya mas pinili nalang niyang lumapit sa isang waiting shed at doon maghintay.






Nang makaupo sya rito ay tinanggal niya ang itim na coat na uniporme at sinampay muna sa upuan. Masyadong madilim sa gilid ng shed. Ang katapat nito ay isang garden na madilim narin, tanging mga ilaw nalang ng bukas na bintana ng bawat matataas na gusali at ilaw ng mga poste ang nakikita. Pinasok nya ang kanyang cellphone sa bulsa at natulala sa langit. Nakita niyang dumaan ang isang meteor kaya namangha sya dito. Sayang at di niya nakuhanan ng litrato dahil naipasok na agad niya ang kanyang cellphone.






Maya maya may dumaan na naman at sa pagkakataong ito ay marami na.







Agad na niyang kinuha ang cellphone ngunit nagulat siya ng may 4 na lalaking nasa edad 50 pataas ang biglang sumulpot sa harapan niya at papalapit sa kanya.







"Ijo, gabing gabi na ah. Wala ka bang kasama diyan?" tanong ng mga ito at parang may masamang balak.






"Siguro mas maganda kung ihatid ka na namin pauwi" nakangiwing sambit naman ng isang lalaki.

"Oh mas maganda kung makipag kaibigan muna kami sa yo."





Palinga linga lang siya habang tumabi na sa kanya at umakbay ang isang lalaki.





"Makulit ka ba ijo?" tanong nito at kaagad agad na inilabas ang isang swish knife at itinutok sa tagiliran ng binata.





"Please dont..." mahinang bulong ng binata.





"Akina bag mo ijo." bulong ng isang lalaki rin sa likod at tinutok ang isang handgun sa kanyang ulo.

"Balita ko napakayaman ng kompanya nyo ah, siguro pwede ka naman naming magamit para yumaman kami?" dagdag pa nito sabay halakhak.






Kinilabutan na ang binata at di niya alam kung paano sya lalaban dahil wala syang dalang sandata, habang ang 4 na lalaki naman ay kanya kanyang halakhak. Hinalungkat na nila ang bag ng binata at nakuha nila dito ang cellphone niya at ang isang gold card. Nagulat ang mga holdaper sa nakitang gold card, dun nila napagtantong yayaman sila ng husto. Habang hawak ng isa ang gold card at cellphone ng iba ay sya naman kalkal ng isa sa wallet niya at kuha ng mga pera dito.










"Hoy mga tanda!"






Napalingon sila sa harap at nakita ang isang babaeng naakuniporme rin na itim na palda na maikli at may mahabang medyas. Iba sa uniporme ng binatang biktima nila. Pakuyakuyakoy lang ito sa harapan nila habang may dalang isang supot na puno ng cookies at tuloy ang kain nito, parang di natatakot ang dalaga sa mga magnanakaw at malamig lang itong nakatingin sa kanila.




"Wala na ba talaga kayong ibang mabiktima? ang papanget nyo na nga tapos gala pa kayo ng ganitong oras. Di naman ako magtataka kung maraming magtatakbuhan kung dumaan kayo dahil mga mukha naman kayong aswang."






How the Heart movesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon