Di ko ba alam kung bakit ganito kayaman ang mga Dawnstone. Grabe parang lahat nalang ng pagaari nalang nakakagulat sa yaman.
Pumasok na ako sa building ng kompanya. May palapag itong 30 floors at nakausap ko na kagabi sa cellphone ang COO ng kompanya, si sir Gian, kasing edad ko lang din siya halos. Pinakilala siya sakin ni uncle kasi siya daw ang magdadala sakin kay sir Marcus ngayon. Ngayon palang niya sasabihin kung anong position ko dito sa trabaho ko. Medyo kinakabahan ako pero binaliwala ko nalang.
Laking pasalamat ko naman kila uncle dahil may trabaho na ko, si sir Marcus eh mabait naman nung nasa kanila ako, kahit lagi akong binabara noon. Pero alam ko naman na siguro baka sa bahay lang nila yun. Mukhang sigurong iba ang dating niya pag nasa trabaho na siya. Umuwi narin agad ako nung araw na galing ako sa kanila, pagkatapos naming maglunch agad na ko hinatid ng butler ni uncle pauwi. Si sir Marcus naman nagpaalam na rin sakin. Umalis na kahapon si uncle kaya di na rin ako makakapunta sa bahay nila eh si sir rin naman may ari nun, nakakahiya naman if siya ang dadalawin ko.
Sumakay na ko ng elevator at may nakasabay akong dalawang babaeng magaganda, nakamini skirt silang pencil cut na kulay itim, tapos naka suit rin na itim bali ang naiba lang eh yung suot nilang blouse sa loob. Tatlo lang kami sa loob ng elevator at di ko maiwasang makinig sa pinagusapan nila.
"Nako sis, alam mo bang pang ilang assistant na ni Sir Louis ang natanggal. Jusko sana mapili naman ako, pag napili aong maging p.a nya nako pwede na kong mamatay." sambit ng babae sabay tawa nila.
Sinong sir Louis?
"Nako sis, feel ko ako magwawagi di ikaw! sa palagi mong late na yan sa palagay mo makukuha ka." suway naman nung kasama niya.
"Parang di kaibigan ha, basta pag napili ako lagi kitang chihchikahin sa mangyayari! AAAHHH!" tili naman nung isa.
Seryoso, modelo ba yun para pagkaguluhan nila?
"Uy gaga may kasama pala tayo."
Napatingin sila sakin parehas at biglang tumaray ang mga awra nila kaya naman napaipod nalang ako sa likod.
"Hoy." ani nung babae.
BINABASA MO ANG
How the Heart moves
RomanceAmethyst is an extraordinary human who has ability to move things using her mind. She was curious about her powers, ever since she was a kid, no one can explain to her why she have this. There's no one else in this world who have the same ability li...