Chapter 4: Home

2 0 0
                                    




*Kindly play the video above*





Lumabas na ko sa building at napansin kong wala na rin palang masyadong tao. Alas nuebe na ng gabi kaya wala ng tao.




"Kakangalay pala umupo maghapon, hue." sambit ko. 

"Para tuloy may kalyo na yung pwet ko."




Grabe naman, unang araw ko palang tinambakan na agad ako ng paper works. Ang sakit ng kamay ko kakatype at kakasulat. Pabalik balik pa ko kanina sa itaas tapos sa room ni Sir Louis. Haist, gusto ko nalang matulog sa bahay ko. Lumabas na ako ng building at naglakad lakad na. Nako mukang wala pa atang taxi ngayon.




"Grabehan ha, pati ba naman taxi." pabulong ko.




Naglakad lakad lang ako sa dilim magisa. Mukhang wala pa yata akong masasaakyan aa.




Sa inis ko nakita ko ang mga batong nagkalat sa kalye at binuhat ko ang lahat ng ito gamit at isip ko at pinaltok ng malakas sa tabi.

 "Jusko."




Pagod na pagod na ko tapos lakad pa ako pauwi, ano ba yan.




Naalala kong may cookies pa pala ako sa bag ko kaya agad ko naman itong kinuha at laking tuwa ko ng meron nga. Nakita kong may isang pader na medyo may kababaan na malapad lapad naman at sa likod nito ay isang garden na madilim na.





"Haist, ikaw nalang talaga nagpapasaya sakin." aniko. Pasayaw sayaw ko pang binuksan ang plastik ng cookies ko at sumubo na akala mo creamstick.





Tumalon ako at umupo ako sa bato. Kinuyakoy ko ang paa ko dito. Mukhang malayo layo na ako sa may building ah, mahaba haba narin pala nailakad ko. Buti nalang may upuan dito. 





"What a life. Parang puro pagod nalang nangyayari sakin ah." mahina kong sambit. 



How the Heart movesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon