Chapter 6: Good Time Together

1 0 0
                                    



Malalim parin ang iniisip ko habang nagtitimpla ng coffee ni sir Louis at naghahanda ng cookies.





Lumapit na ako sa table niya at nilapag ang pagkain niya. "Sir ito na po."





Napatingin siya sakin at napataas ang kilay niya. 




"Teka hindi ka ba nakatulog?" aniya. 

"Parang puyat na puyat ka ah." sambit niya sabay tawa ng bahagya.





Napalingon ako sa salamin sa gilid niya at halata ngang bangag ako. Sino ba namang hindi makatulog sa nangyari saking kagabi. 







"We didn't do anything last night am i right? nagkwentuhan lang naman tayo." sambit niya. 





Bigla akong namula at nahiya sa sinabi niya. Loko talaga tong si sir. Buti nalang wala si Sir Gian dito baka mamaya kung anong isipin niya.







"Ahh..ano..wala po sir."







Tumalikod na ako at pupunta sa kusina. "Wait Amee, call Gian and tell him to order 2 lunch for me today."







Siguro may bisita si sir ngayon kaya dalawa ang order niya. Tumango naman ako at nagpunta sa telepono.








Habang nagagawa ako ng papeles dito sa table ko, nakaramdam ako ng gutom. Sabagay alas onse na pala. Naisipan kong bumaba nalang para humanap ng karenderya at dun kumain. Inoff ko na ang computer. Napansin kong wala na pala yung mga kasama ko sa office, siguro naglulunch na sila.






Pangalawang araw ko palang dito at wala naman din akong masyadong nakakahalubilo. 






Nagulat ako ng biglang pumasok si Ms. Tang. "Good noon Miss Tang." bati ko.






"Same, Oh teka, naglunch ka na ba?" tanong niya at umupo sa table niya. 

" Kanina pang lunch ah"






"Ah maglulunch pa lang po sana, nakalimutan ko pong alas dose na pala" sambit ko sabay kamot sa ulo. 

"Sige Ms. Tang bababa po muna ako."






Maganda si Ms. Tang, mukhang matanda lang siya sakin ng bahagya. Mabait naman siya ngunit hindi kami masyadong naguusap kahapon at kanina. Kakausapin lang niya ako pag may mga kailangan akong ibigay na papel sa ibat ibang office. 






How the Heart movesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon