Chapter 1: The Villa

4 0 0
                                    

AMETHYST'S POV






Inayos ko na ang salamin ko sa mata at tumingin sa salamin na nakarap sa akin, ayos na to.








Lumabas na ko ng bahay at nakita ko ang isang limousine na puti sa harapan namin. Grabe, ang laki nito. Nakakakita na ko ng ganito noon, pero never pa ko nakasakay.



Lumabas ang isang lalaking nakasuit.



"Ms. Linua, come inside. Our Master is waiting."







*********





Mahaba haba ang byahe at ng sabihin ng butler ni Mr. Dawnstone na nandito na kami sa mansion ng mga Dawnstone. Agad ko ng inayos ang sarili ko at lumabas na ng sasakyan.



Sa may tapat ng gate kami lumabas at sobrang laki na kaagad ng gate nito. Walang kalapit na kapitbahay akong nakikita, tanging mga puno at matatanaw mo at sa malayo ang isang malaking mansion din. Kanina sa daan halos mga mansion ang mga nakikita ko sa lugar nato.


Makikita mo pa lang sa labas na talagang mayaman sila.  Napapaligiran sila matatas na bakuran. May dalawang guard sa magkabilang sulok ng gate.






Pumasok na kami at nagulat ako ng basta nalang ito nagbukas. Napakalawak ng frontyard nila, parang isang napakaling field sa school sa magkabilang side. Sa gitna ay isang pathway na malawak kung saan kami ng butler ang naglalakad.




Sa gitna nito ay may tulay na maliit kung saan may maliit na palatubigan sa ilalim nito na napapaligiran ng mga isda. Parang nasa Japan ang palatubigan nila dito, may mga ibat ibang kulay ng isda at sobrang linaw ng tubig.

Malawak ang garden sa bawat dulo ng field, may nakikita akong mga arborvitae na halaman, roses at tulips rin na dinidiligan ng mga maids. Halos parang nasa isang pelikula na ako sa mga natatanaw ko, hindi ko maiwasang mamangha.

Nang dumadaan na kami sa tulay, napansin kong sobrang laki ng mansion nila. As in, pang american style ang bahay nila. At di ko alam, feel ko mga 100 times ng bahay namin ang laki.




Habang naglalakad patungo sa balcony ng bahay nila, napansin ko sa malaking pinto ay naghihintay si Mr. Dawnstone, sya ang nagimbita sakin dito para ioffer ang isang trabaho sakin. Kaibigan siya ni papa simula pa nung una, matagal ko na syang nakikita noong bata pa ko nung buhay pa si papa. Ngayong nagkita ulit kami, naikwento ko sa kanya ang lahat lahat kaya inimbitahan niya ko dito.



"Goodmorning sir." Bati ng butler na kasama ko. May butler rin siya sa likuran niya.




"Goodmoring po Mr. Dawnstone" aniko.




"Amethyst, you call me uncle from now." sambit niya sabay ngiti kaya naman napangiti rin ako.



"Pasensya ka na, hindi ako nakasama sa pagsundo sayo. May inasikaso ako sa pagalis ko, ipagpapatuloy ko kasi ang paghawak ng kompanya ko sa London."




Namangha naman ako, grabe may kompanya na sya dito meron pa pala sa ibang bansa.



"Ahh aalis po pala kayo."




"Oo wag ka magaalala, anak ko ang maghahawak ng kompanya. Siya narin ang bahalang magdesisyon kung saang pwesto ka niya ilalagay. Basta pagbutihin mo lang ang trabaho mo ija, may tiwala naman ako sayo. Alam kong sing tatag mo ang ama mo" sambit niya kaya naman nahiya tuloy ako.

"Pasensya ka na at ngayon lang kita natagpuan, wag kang magalala hindi mo na kailangang maghirap."



Napayuko naman ako at napangiti sa sinabi niya.

How the Heart movesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon