*kindly play the music above*
"Ay pusa!" sigaw ko.
Sa gulat ko ay agad kong nabitawan ang sunflower na napitas kanina at nalaglag ulit ito. Shet mukhang may nakahuli sakin.
"Oh, sorry" narinig kong sambit nung lalaki sa likod.
"I didnt meant to scared you" dagdag niya.
Nang humarap ako sa kanya, nagulat ako. Parang siya yung lalaki kanina sa portrait.
Grabe, ang gwapo niya saka matangkad. Halatang sobrang tangos ng ilong nya tapos ang pungay ng mata, maputi rin siya gaya ko. Halatang bata pa talaga ang mukha niya. Nakasuot lang siya ng sando at may dogtag syang suot. Nakashort lang siya na puma tapos naka tsinelas na pang bahay lang yung ang kapal ng coton. Para siyang bagong gising.
"Did my father hired you?" tanong niya.
"Dami ko ng katulong dito, ipinasok ka pa." dagdag pa niya.
Medyo na offend naman ako sa sinabi niya, sabagay muka nga naman akong katulong if papasok ako dito.
"Ahmm, i..inimbitahan po ako ni uncle este ni Mr. Dawnstone" sambit ko. Mautal utal pa ako sa pagsasalita.
"Oo nga i mean bakit pa ba siya nagdala ng bago..."
"Ahhh...Gusto niya po sanang ipasok ako bilang empleyado sa kompanya nyo po." pagsabat ko agad habang nakamot ako sa ulo ko. Habol ko ang pag po po sa kanya, hue.
Nakita kong napatigil siya at napatingin sakin.
"Ah ok, sorry i thought he hired another maid. Sorry my mistake." aniya.
"Do you know who i am?"
Tumango naman ako.
"I am a CEO."
Mukhang mabait naman siya, siya nga talaga yung lalaki sa portrait kanina. Natatakot na tuloy akong umimik kasi siya pala yung CEO namin. Dapat kasi hinanap ko na agad yung kwarto baka mamaya makita niyang ginamitan ko na naman ng isip ko yung pagpitas ng sunflower. Nakayuko lang ako at hinihintay ko na umalis siya pero nakatingin lang siya.
"Bakit ka nandito sa itaas?" tanong niya.
"Hinahanap ko po yung guest's room, dun po kasi ako pinapastay ni uncle" tugon ko.
"Uncle? matagal mo na siyang kilala?" tanong niya.
"Opo"
"Drop that po, mukha ba kong ganun katanda? mukha ka pa ngang matanda satin."
Naestatwa ako sa sinabi niya, para tuloy gusto kong ibato sa kanya tong vase dito gamit isip ko. Pero hue, di naman ako mananakit ng tao gamit tong kakayahan ko. Ayokong abusuhin to ng husto kaya tipid na tipid lang pag gamit ko nito.
"Kidding." sambit niya sabay tawa na siya namang kinataka ko, may sira ba to? gwapong tao kaso mukhang loko.
Tumawa ako ng hilaw, oo mukha tuloy akong hilaw na isda sa pagtawa ng plastik. Kailangan kong pakisamahan ng ayos to, baka mamaya hindi niya ako tanggapin sa opisina niya.
Okay, Amee. Chill ka lang, kaya mo yan.
"You're searching for the guest's room, com'on ill lead you there."
BINABASA MO ANG
How the Heart moves
RomansaAmethyst is an extraordinary human who has ability to move things using her mind. She was curious about her powers, ever since she was a kid, no one can explain to her why she have this. There's no one else in this world who have the same ability li...