Hello guys! ito na po ulit ako! dapat talaga s january pa ito kasi naeexcite din kasi ako hahah! sana marami pa rin ang mag basa! hihi!
--
Maris pov
" Maris mamimiss kita.. " yumakap sakin si loisa.. pinipigilan kong pumatak ang luha saking mga mata..
" loisa ano ba.. " pasinghot singhot ko pang sabi. " babalik naman ako dito sa bakasyon " hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya at kita ko sa mukha nya ang lungkot habang umiiyak
" wag ka na malungkot loisa.. alam mo naman kailangan ko to diba? " bumalik nanaman sa alaala ko ang lahat..
*flashback*
2 buwan na ang nakakalipas mula ng umalis si tanda.. miss ko na sya.. miss na miss" maris anak.. " lumapit sakin si mama, nasa kwarto kasi ako ngayon.
" ma? " sagot ko naman.
" sigurado ka na bang hindi ka na sasama kay inigo sa thailand? " tanong sakin ni mama. nag backout kasi ako, parang hindi ko kayang malayo sa pamilya ko ng 3 taon.
" ma naman, ayoko po talaga, ayokong iwan kayo. " nakita ko naman na parang may lungkot sa mukha ni mama.
" anak kasi sayang yung scholarship na ibibigay saiyo ni sir jacob. hindi ka ba nanghihinayang? " dahil nga sa issue na kinasangkutan naming tatlo. bibigyan lang ako ng scholarship kung sa branch ng UB sa thailand ako mag aaral.
" pwede naman ako sumama sainyo pabalik ng davao ma. doon na lang ako ulit mag-aaral " pagpipilit ko.
" anak, alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon. kaya kami babalik sa davao ay para magsimula nalang ulit doon. " lungkot sa mga mata ni mama ang nakapag pakonsensya sakin..
simula kasi ng umalis si tanda nagkusa na rin sila mama na umalis sa company ng mga matsunaga. yung shares namin dun ay hindi na nakuha dahil ayaw ng ibigay ng mga matsunaga. hindi ng magulang ni tanda kundi ng grandparents ni tanda na mga hapon. kaya ayun ngayon naghihirap na kami. babalik silang lahat sa davao para magsimula ulit.
" sige ma, itutuloy ko na po yung sa UB. taon taon naman siguro uuwi ako, siguro makakahanap din ako ng trabaho dun pag tumagal. wag kayong mag-alala ma, gagawin ko lahat mabawi lang lahat ng nawala sainyo ng dahil sakin " niyakap ko si mama at isa lang ang pumasok sa isip ko. para ito sa pamilya ko. kung nagpakasal nga ako sa hindi ko kilala nagawa ko eh. lahat gagawin ko para sa pamilya ko
*end of flashback*
" hay nako maris! sana may Mr. & Ms. UB ulit sasali ako susundan kita! " sabi ni loisa habng pinupunasan nya ang luha nya." adik ka po! hahaha paano ka sasali sino partner mo? " tumingin ng masama sakin si loisa sabay tingin kay joshua na nasa tabi nya.
" oh? bakit nakatingin ka sakin? " biglang salita ni joshua. itong dalawang to hindi nagbabago!
" ewan ko sayo! wala ka talagang kwentang boyfriend! " parang batang galit na galit si loisa. habang si joshua ay kamot ulo.
" alam nyo ang cute nyo. pero guys ha, baka pag uwi ko may junior na kayo! ay nako! " asar ko para hindi na mag away yung dalawa.
" oy grabe ka maris! baka kayo nga ni inigo yun " pang aasar ni joshua at nilakihan ko sya ng mata. tong lalaking to kung ano ano pinagasabi! " joke lang. size 10 maris ha? kahit vans lang okay na pero mas okay sakin airmax " bumanat pa sya ng isa pa.
" heh! asan na ba si nichole at manolo? " hindi ko pa kasi sila nakakausap.
" we're here! mariskiiiiee! " yakap sakin ni nichole.
" mariskieee! mamimiss kita " sabay kurot sa pisngi ko ni manolo
" nolo! wg mo lamugin si maris sasapakin kita! " awat ni nichole. hay itong mga kaibigan ko masaya na sa buhay pag ibig nila. hahaha inggit much! paano
" kayo talaga! oy ha! kagaya ng bilin ko sa loishua! baka pag uwi ko may junior na sapok kayo! " nagkatinginan lang yung dalawa at tumawa. hay mga baliw!
" maris tara na? " yaya sakin ni inigo.. yumakap ulit si loisa sakin ng mahigpit
" maris size 7 ha! airmax din! tapos chocolates!!! loveyou! " sabay kiss sa pisngi ko.
" akala ko naman kung ano! tse! hahaha osige! ingat kayo guys! " at hinila ko na ang maleta ko habang papalyo sakanila na kumakaway..
sana nandito sila mama para maghatid sakin.. kaso noong isang linggo umuwi na sila sa davao nila ate..
" mabilis lang ang isang taon.. " nagsalita si inigo sa tabi ko.
" para sayo, sanay ka eh. eh ako? hay.. " hinawakan nya ang kamay ko.
" aalagaan kita, poprotektahan. i'll do everything para lang bumilis ang isang taon " at tuluyan na kaming sumakay ng eroplano...
--
parang kailan lang yan.. parang kailan lang simula nung umalis ako ng pilipinas.. at ngayon? ? hindi ko namalayan na 10 years na pala ako dito sa thailand.. every year umuuwi naman ako.. pero tama si inigo.. mabilis ang isang taon.. 10 taon na pala.. simula nung iniwan nya ko..