Let's meet at the coffee shop sa tapat ng University • Sent ✓
Ha? Bakit ano meron? • She replied
Wala nang tanong tanong. Papunta na ko
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••Pagkatapos kong maisend yun ay agad agad ko nang ibinulsa ang aking telepono. Sumakay ako sa Beb ko, Ang aking motor. Malayo layo kasi Ang pinakagate nitong Elegacy University mula sa Engineering building namin at nakatamad maglakad. Oo nga pala, si Fab ang kikitain ko - Fabrica Deltonous. Matagal na Siyang may gusto sakin. Mula Shs pa kaso wala e. She's not my type Kaya nakuntento nalang siya na maging kaibigan ko. Worth it naman e kasi nailalakad nya ko sa mga babae.
Pagdating ko sa El Cofé sa harap ng University... Nandun na sya agad. Hanep talaga, nauna pa sakin. Masyado naman tong excited na makita ako *Smirk. Hindi ako mayabang, sinasabi ko lang ang totoo kahit itanong nyo pa dyan. Lagi yang nagchachat, dm or text na puntahan nya daw ako kasi gusto nya na ko makita. Hindi Naman ako mukhang Americano. Actually nga nangingitim na ko dahil sa lintek na ROTC na Yan. Lagi pa napagtitripan pwet ko dahil matambok, inggit lang sila kasi wala sila neto *Smirk pero makarisma talaga ako Lalo na kapag ngumiti *wink. Going back, nakita nya na ako at ngiting ngiti sya sa direksyon mo kaya nilapitan ko na at pumasok na ko ng tuluyan sa coffee shop.
"Hi Dale, namiss Kita. Kamusta ka?" ngiting ngiti na salubong nya sakin.
"I will go straight to the point Fab, Ikaw ba ang nagdidikit ng tula sa bulletin board?" Seryosong tanong ko.
"Tula? Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong nya.
"May nagpopost kasi ng tula sa bulletin board sa ground at tumbok na tumbok Yung nararamdaman ko. Wala namang ibang nakakaalam NG pinagdaanan ko kundi ikaw lang at tropa ko. Pero hindi daw sila"
"Hindi ako yun. Pangako. Tanungin mo kaya?"
"Paano ko naman tatanungin e nasa bulletin board nga lang"
"Edi magdikit ka sa bulletin board ng tanong kung sino sya?"
"Ewan ko ba. Naguguluhan na ko." Nanlulumong ani ko.
Uminom muna kami ng kape bago umalis. Hindi na din kami masyadong nakapag usap dahil sinalpakan ko ng headphones Ang mga tenga ko dahil konting konti nalang mababaliw na ko... Kakaisip Kung sino yung totsi na Yun...
*Ting |One Message Receive📩|
Takteng yan. Di ko pa pala natatapos itong gusot na toh...
YOU ARE READING
I found myself in the Rain
Teen FictionAs I step outside of our school's gate.... everything seems weird. Sa pagtingala ko sa kalangitan... masyadong madilim at mukhang uulan ng malakas. Sa dinamirami ng araw, bakit ngayon pang hindi ko nadala ang payong ko? I was about to step back whe...