Chapter 06 - First move

9 1 0
                                    

Dale's POV💫

1 message receive📩
Babe ano bang nangyayari please naman oh sabihin mo sakin. Nawawalan kana ba ng gana sakin? Sabihin mo Lang oh. Hindi Naman kita pipigilan na umalis. Alam ko Naman na madali lang talaga akong sukuan dahil sa ugali ko...

Sorry Nami pero wag muna tayong mag usap ayokong pati ang pagkakaibigan natin maapektuhan. mahalaga ka din Naman sakin.... •Sent✓
*************************************

Ayan si Nami Nexis. Ang tropa ko na naging ka m.u ko pero Wala e hindi na ko masaya kaya bigla ko nalang sya inignore at hindi na nireplyan pero Hindi ko sya matakasan kasi yung tropa ko dati, tropa nya din

Kinabukasan, maaga ako pumasok para pagplanuhan yung gagawin mamaya

Break time ngayon at sinama ko na ang mga tropa ko sa bulletin board. May hawak ako ngayong sticky note at andami nang nakatingin samin sapagkat kanina pa kami nakaharap doon ngunit hindi ko padin malaman kung ano ang isusulat ko... Nagsimula ko nang igalaw ang aking panulat

___________________________

Are you okay?

I understand the pain and the beast that was needed to be tame

I have a lot of things to say

But first, may I know your name?

-NOWTI

___________________________

Nang maidikit ko na ito ay binasa ko itong muli. Sana Naman sagutin nya...

Pagkatapos nun, inaya ko na ang tropa na bumalik sa klase. Kaso bigla akong nagutom Kaya pinauna ko na sila para makadaan muna ko sa cafeteria pero habang papunta ako Doon may trouble akong napansin. May lalaking pinipilit sa isang babae na makipag usap sakanya. Naghihigitan sila pero as I look at the girl's face. Wala etong emosyon. Hindi ko alam kung nagagalit na ba sya or something. Para syang patay, walang kabuhay buhay. Ewan ko Kung anong nangyari sakin. Wala Naman sa vocabulary ko Ang makipag basag ulo pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na hawak ang braso ng lalaki at nang Hindi nya padin binitawan Yung babae. Hindi na ko nakapagpigil at kinwelyuhan ko na sya.

"Pre, anong ginagawa mo?" -Pukaw ni Justin sa atensyon ko. Sinundan pala nila ko

"Tinutulungan itong babae" sagot ko

"Babae? Nasaan?" Tanong ni Kit

"Pare bitawan mo na ko Kung ayaw mong magkagulo tayo. Konti nalang, baka mapatay na Kita. Nagpipigil Lang ako" banta sakin netong lalaking toh

"Edi patayin mo" then i smirk. Akala nya ba takot ako sa kamatayan? Nagpapatawa ba sya? That's my goal.

Binitawan ko na sya at aalis na Sana ako ng higitin nya ko...

Ring bell🔔

Totoo pala yung save by the Bell. Binitawan ako. Takot pala toh malate e.

"Pare ano yung kanina?" Tanong ni Kit nang papunta na kami sa room

"Ewan ko"

"Anong Ewan mo? Nabaliw ka na ba talaga ng tuluyan Dale?" -Justine

" Hindi ko Alam. Nakita ko lang yung babae -" Hindi ko natapos Yung sasabihin ko. Dahil sumabat si Justine

"Ayon babae nanaman. Kahapon Lang nababaliw ka dun sa totsi girl tapos ngayon ayan nanaman. Wala ka na talagang pag asa magbago bro"

"Hindi Naman toh katulad ni totsi girl na hinahanap ko. Hindi ko din alam. Hindi toh attractive okay pero natagpuan ko na lang sarili ko kanina na hawak yung lalaki kasi pinipilit nya yung babae na makipag usap sa kanya. Weird right? Parang bigla nalang nandilim yung paningin ko"

"Ewan ko sayo pre. Gutom Lang yan. Tara sa El Cofé. Magkape muna tayo bago ka tuluyang mabaliw dyan" -Kit

I found myself in the RainWhere stories live. Discover now