Chapter 05 -Those empty eyes

14 1 0
                                    

Rain's POV

Today is the third day na magpopost ako ng tula dito. Lahat sila ay interesado nang malaman kung sino ako pero wala naman akong balak magpakilala. Hindi naman ako pabida. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.
______________________________

UNTITLED
Wanted to be near you
I tried to live somehow
But you already have someone new
And somebody owns you now

-TOTSI
______________________________

"Oh Rain. Nandyan ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ng tropa" pukaw ni Serina Mendez - Ang best buddy ko. Lagi nyang sinusuportahan lahat ng kalokohan ko sa buhay. Iisa nga utak namin nyan, sa pagsasayaw lang Hindi. Yung tipong kami Yung nagturo pero pag performance na, magkaiba na. Buti nalang nahahati ang mga tinuturuan namin. Yung iba nakatingin sakin at yung iba sakanya kaya parang sinadyang magkaibang steps lang talaga. Sabay kaming umibig nyan. Parehas ding nabigo at nasaktan. Ewan ko ba dyan nakakadalawa na kong jowa samantalang sya naka stick padin sa first love nya na hindi nya naman sigurado kung nag eexist ba talaga. Gusto nya kasi kung sino yung first love nya, yun na yung huli. Hayaan mo na susuportahan ko yan sa lahat. We are best buddies e. Walang iwanan. Naiintindihan ko Naman sya, hayss, pag ibig nga naman.

Going back to reality. Papunta na kami ngayon sa Senior Highschool building. Yea. Shs palang ako at malelate na kami dahil 7 ang pasok namin pero 6 kami umalis ng bahay nito ni Serina. Haysss the late Serenity and Mendoza. Lagi naman e at dahil yun sakin dahil napakabagal ko kumilos. Ewan ko ba. Wala Lang talaga akong gana araw araw...

Pagpasok na pagpasok palang namin, rinig na rinig ko na agad ang kwentuhan ng rakkisebun- Ang tropa ko meaning lucky 7 at sila lang ang nakakaalam kung gaano ako ka vulnerable.

"Itext mo na nga yung dalawa sabihin mo bilisan nila." Iritang sabi ni Jenny Miztiqua, bestfriend din namin. Actually tatlo Lang kami dati, tinatawag kaming Serementiqua pero naisip namin it's time for change at nakita namin ang apat pa naming kasama at dahil yun kay Elise Hwang, kaibigan ni Se (Serina) and Je (Jenny). Yea. May kaibigan sila na di ko Naman close. D Kasi ako approachable. Sa totoo lang, pag Hindi ako kilala ng tao, maaring isipin nya na iniirapan ko sya sapagkat matalim akong tumingin. Ewan ko ba natural na yun sakin. At ayun na nga nabuo na ang rakkisebun which is me, Serina Mendez (Se), Jenny Miztiqua (Je), Elise Hwang (El), Cassie Blythe (Ca), Fyra Fowler (Fy) at Barbie Calleja (Ba). Ganyan ako katamad. Hanggang one syllable and two letters lang ang tawag ko sa kanila.

"Oo nga lagi nalang late. Malilintikan na sila sa teacher natin buti nakakausap natin yung class monitor na wag silang ilista sa late" dugtong ni El

"Kinakausap o tinatakot?" Panunudyo ni Ca

"No need kaya pa ng plastik skills ni Serina si Kaye Montella" sagot ni Fy

"Tsaka na takutin pag hindi na madala sa ating pang uuto" - Ba

"Hoi pinag uusapan nyo nanaman kami" kuha mo sa atensyon nila

"Totoo naman e lagi nalang kayo late. Kami ang kinakabahan sainyo e" -Je

"Don't be. Kami nga chill Lang e. Diba Se?" Then I smile yung ngiting aso

"Hay nako. Yan si Rain sisihin nyo napakabagal kumilos tapos bigla bigla nalang nawawala. Nandun nanaman sa bulletin board" Rant ni Se

"Ahhh. Alam na namin" -El. Yea they knew the totsi thing

"Hayaan nyo na. Dyan nya lang naman nailalabas ang kalungkutan nya" Salo sakin ni Ca

After nun nagsi upo na kami dahil magsisimula na ang klase

Ganto ang pwesto namin para easy access

JE ⬛ME ⬛SE
EL ⬛CA ⬛FY ⬛BA

Para mabilis namin maabot ang isat isa and one more thing, malapit sa pinto para mabilis makasibat pag nagugutom kami.

Bell rings🔔

Papunta na kami ngayon sa cafeteria pero sabi ko dadaan muna ko sa bulletin board. Gustong gusto ko kasing binabasa ng paulit ulit ang tula ko. I judge mahself first kasi ayokong majudge ng iba. I want everything to be perfect but I know that's impossible . Kaso hindi ako nakalapit kasi andaming mga lalaki... Kaya naghintay muna ako. Nang makaalis sila ay may lumapit na babae. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya habang nakaharap sa bulletin board. Who is she? And why she looks mad yet I can smell some envy and anger as she close her pist. Well I don't care. Madami namang laman yung bulletin board so I don't care anyways... Tumalikod nalang ako at habang papunta ako sa cafeteria... Naharang ako ni Red Suarez. For me, ex ko nalang sya. Ilang beses na ko nakipaghiwalay sakanya dahil nakita ko syang may babae. Nilapitan pa sya nun nang minsang magkasama kami. Ang kapal naman ng mukha nya na lokohin ako diba? Dahil daw kinakausap ko pa si Vander Yakiniku-My greatest love. Pero along the way nawala na din yung pagmamahal ko. Napagod na din kasi lagi nalang ako ang hinahabol. Oo naging tanga ako sakanya. Nung una panakip butas lang naman si Red pero I fell sa pagiging maeffort nya pero wala e. Niloko ako. Ayoko sa manloloko. Mabilis din naman syang nawala sa isip ko kasi hindi naman ganun kalalim ang pagmamahal ko. Yea. I loved him pero hindi yun sapat para tanggapin ko yung panloloko nya at magpakabulag.

"Can we talk?" Red said as he grab my arm

"Wala na tayong dapat pag usapan. Tapos na tayo. Ayoko sa manloloko" walang emosyong sabi ko

"No. Please patawarin mo ko. Hindi ko na uulitin. Please mahal na mahal kita rain"

"Sana naisip mo yan bago mo ginawa"

"Please Naman..."

"No. Let me go. Wala na tayo. Tapos ang usapan." Pero hindi ko maagaw sakanya ang braso ko. Masyado syang malakas.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso nya.
"Pare tama na. Nasasaktan na yung babae oh" Sabi nito

"Sino ka ba? Wag mo ko mapare pare. Wag ka mangialam dito" nabitawan nya ko ng kwelyuhan sya nung lalaki. Who is he ba?

Umalis na ko nang hindi manlang nakapagpasalamat. Ayoko nang magstay dun. Baka hindi na ko makaalis. His eyes... Those empty eyes. I got those eyes too at ngayon lang ako nakakita ng mga mata na katulad ng sakin. Sino sya?

Nang makarating ako sa cafeteria. Umupo na agad ako sa pwesto ng rakkisebun.

"Oh? Bat ngayon ka Lang?" Tanong ni Se.

"Ewan ko....." Nakatulalang sagot ko

"Anong hindi mo alam?" -Se

"That guy..."

"Ayon may lalaki nanaman. Landi ka teh?" - Je

"Those eyes..."

"Hay nako tigil tigilan mo yan" -Se

Sino ba sya. Bakit yung angas, yung mata, Kung paano magsalita bakit iba yung epekto sa sistema ko?....

I found myself in the RainWhere stories live. Discover now