Chapter 09 - Music Room

7 1 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng theater and arts department. Hindi ko suot Ang contacts ko. Why? Takteng yan. Ayaw na ayaw ko pa namang napapadaan dito. Apakacorny. You know me, I hate people na bida bida. Karamihan kasi dito mga GGSS, Gandang ganda at gwapong gwapo sa sarili at higit sa lahat mga bakla. Ewan ko ba kung bakit allergic ako sa kanila. Madaldal kasi sila at ayoko nun. I can't tolerate noise but of course myself is an exception. Dito din pala nakapwesto ang music room. I love music pero takte I can't tolerate those bida bida people. Bakit ako nandito? Well, Dito kasi ang faculty ng Reyna ng mga bida bida. Si Jollibee pero hindi bida ang saya sa kaniya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakabusangot and guess what? Sakin sya lagi galit. Bukod sa mataray ako tumingin. Nadadarag ko pa siya tuwing nagtatanong ako sa mas nakakataas sa kaniya without even consulting her. Well, I tend to call her Ms. JO. Akala nya dahil sa apilyedo nyang Jolie but no, I call her JO as in Jolly Ogre. Bida bida masyado, gusto alam lahat at ogre dahil ang mema magalit. Eww, gross! So andito na ko sa harap ng faculty niya. I knocked. Whatever, Lezz be synthetic muna. Titser yan cystt. Ayoko bumagsak. Kaya shhh lang kayo. I open the door quietly and slowly...

"Uhmmmm ma'am, andito na po pala yung papers po namin" magalang kong saad...

"Just put it there" maarteng sabi nya habang nagmemake up. Kinaganda mo yan cyst? Tch! Di pa marunong mag thank you. Apakabastos tapos gusto respetuhin. Umalis nalang ako ng walang imik. Baka hindi ako makapagpigil at isumbong ko sya sa headತ_ತ

Madadaanan ko pala ang music room. Pumasok kaya ako? Kaso baka may tao. Open naman Yun sa lahat ng estudyante kaso pag bida bida ang kalaban, ekis yan. Magaling yan sa talakan at baka mapikon ako sabay ngudngod ng mukha nila sa lupa tapos ano? Ako nanaman dehado at ako mapapaguidance? Tsk! Di ko naman nilalahat ang theater and arts students, what I mean is karamihan sa kanila.

🎶 Wag mo sanang iisiping napapagod na ko
Di ako aporado,
Pero sayo ano ba ko
Gusto ko lang naman makasigurado 🎶

San nanggagaling yun? Ang angas ng kanta. Ang cute ng tono at ang meaninful ng lyrics. Gusto kong kantahin toh ng manliligaw sakin. Shoot! May bago na kong fave song. Mayghaddd umaariba nanaman ang hopeless romantic hormones ko! Feeling ko sa music room nanggagaling yung tunog... Medyo lumalakas na kasi. Malaki ang music room combine na kasi pati sa theater. May stage at nandun sa backstage ang mga instruments. Malawak yung backstage at syempre may mga upuan din sa room na toh na parang sa sinehan. Pumasok ako ng dahan dahan. Ahhh takte buti may uwang na konti yung pintuan kaya pinilit kong pagkasyahin ang sarili ko dun upang hindi makalikha ng anumang ingay.... Pigil hininga ako. Tinakpan ko pa ang bibig ko para sigurado and shoot! Nakaupo na ko sa gitnang spot. Hindi na ko mapapansin dito. Madilim naman e.

🎶 Araw araw kita love
Dati ayaw kong gawin lahat
Pero sayo mahal hindi na ko tamad
Lahat ng utos mo tinutupad
Kasi ang kapalit nito kikiss mo sabay hug
Binatang binatilyo, mabait na pilyo
Sumipag magsipilyo kasi baka amuyin mo
Tinigil ko lahat pati alak at sigarilyo
Kasi gusto ko ikaw lang ang aking bisyo
Laging bumibili ng pabangong matapang
Kagaya ko na sa lahat, kaya kang ipaglaban
Ikaw ang dahilan kaya nagawa ko to
Ang daming nagbago sakin ng hindi ko namalayan 🎶

Ahh potek, ang sweet, ang swabe, ang sexy at pogi ng boses!! Yung ibang part kasi binubulong nya(灬º‿º灬)♡ at yung strumming, nakakakiliti sa tenga. Sigurado akong music club toh. Sa music club kasi pwedeng sumali kahit junior, senior I college. I felt so relaxed. My heart is palpitating so fast. Feeling ko lumulutang ako and with that tuluyan na ako hinigop ng antok. •Hopeless romantic dazz me. I will never cherish this kind of moment bc of this stupid narcolepsy• My last thought before I close mAh eyes...

DALE'S POV💫

"Walang kupas ka talaga pre. Bumalik ka na kaya sa banda natin?" –Kit
Yea may banda kami dati... "SHEEN JUST KIT" Ang witty ng name noh? We will be making our first album that time nung magbackout ako.

flashback•́  ‿ ,•̀
"Pre ayoko na... Gusto ko muna magpahinga..." Matamlay na sabi ko. Nagkasabay sabay na kasi e. Sa acads, pasang awa nanaman ako. Tres ako sa math. WTF rayt? Tapos sa parents ko grabe yung pressure. Kailangan ganito ganyan dahil may pinangangalagaan kaming reputasyon. At higit sa lahat, sa babaeng pinakamamahal ko. She left me because I still have communication with my ex. Magaling kasi sa math yung ex ko kaya nagpapatulong ako. Kasi  kung kay Kate Sy, Kay beb, Ang babaeng pinakamamahal ko. Siya lang at wala nang iba. Ayoko kasing maging burden sakanya. I love her so much and I lose her.... At simula nung araw na yon, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko magmamahl pa, I don't deserve to be happy, hinding hindi ko mapapatawad ng sarili ko... And now eto

"ANONG KALOKOHAN ANG SINASABI MO DYAN?!!!" Galit na sigaw ni Kit

"BIG BREAK NA NATIN TOH. ANO BA PRE?!" Inis na bulyaw naman ni Justine

"Sorry talaga mga pre nagiging pabigat nanaman ako...sa inyo. Walang kwenta sa acads, walang kwentang anak, walang kwentang boyfriend. Isinumpa ata ako pre"

"No, you're not. You have so much talents and looks" –Kit

"But it's not enough..."

"Look pare—" pinutol ko ang sasabihin ni Justine

"No. Stop. Ayoko na muna mga pre. I need a break. Ayokong dumating yung oras na pati sa banda at pagsasayaw, mawalan na din ako ng kwenta..."

End of flashback•́  ‿ ,•̀

"Hui pre bumalik ka na kase" pamimilit ni Kit

"Hindi pa ko handa..." — "pre mag aala una na pala mahuhuli na kayo sa klase nyo" pag iiba ko ng atmosphere

"Anong kayo? Magkakaklase tayo tukmol" –Justine

"Di muna ako papasok, kelangan ko muna mag isip..." Sabi ko... With that umalis na sila. Naiintindihan naman nila ako. Simula nung magka mental break down ako, nagkaganto na ko at dito sa music room ang tambayan ko. Papunta na ko sa paborito kong pwesto, sa gitnang bahagi ng kwartong ito nang may makita akong puting buhok. Wtf! May multo ba dito? This thing creeps me. WTF madilim pa naman. Dahan Dahan akong lumapit and I am relieved na estudyante lang pala at partida natutulog. At kelan pa naging pampatulog ang boses ko? WTF?! Lahat kaya napapatili at naiinlove sa boses ko tapos itong babaeng toh tinulugan lang? My ego men! Tsk? Bat ba ko may pake sa babaeng toh? Wala namang kakaiba SA kanya Bukod sa puti nyang buhok that makes her mysterious. Di ko masyadong maaninag ang mukha nya kasi madilim. Tsk! As if I care. Nilabas ko nalang ang MP3 player ko at nag headset. Volumes up, ignore the world. Umupo nalang ako sa likod nya sinuot ko na din ang black hoodie ko. Hindi na ko masyadong pansin dito kasi madilim at black din naman ang upuan.  I really love black for Pete's sake. Papikit na ko sa sobrang pag eenjoy sa pakikinig ng Iris by sleeping with sirens nang bumukas ang pinto. Automatic ko namang natanggal ang headset sa tenga ko...

"Ghadddd girls! Nandito nga sya!" Sabi ng isang babaeng maputi, mahaba ang buhok at maliit...?

"Sabi ko naman kasi sa kaniya kanina sasamahan ko na sya e. Napakatigas ng ulo. " Dagdag naman ng babaeng chubby na hanggang balikat ang buhok at medyo matangkad...
Anim silang babae. Ano bang meron bat batalyon naman ata ang nagwawala dito? Nakakarindi. Tumayo na ako at pumunta sa may pintuan ng music room. Bago ako tuluyang lumabas nilingon ko muna ang babaeng puti (puti kasi ang buhok nya...) •Who are you and why are you that mysterious?• My last thoughts bago ko nilisan ang lugar. Kampante naman ako na hindi ako makikilala ng mga babaeng yun dahil nakahoodie ako at hindi ako tumingin sa kanila.

I found myself in the RainWhere stories live. Discover now