OZAMIZ Airport 11:30.
"Hello Ozamiz!" bigkas ni Jessica at tinanggal ang Ray-ban sunglasses na suot-suot nya.
Sinong mag-aakala na maiisipan nyang dito na muna mamalagi. Maraming salamat sa boyfriend, estes ex boyfriend nyang si Danny na saksakan nang landi. Sa edad nya na bente singko ay wala pa talaga sa plano nya ang mag-asawa. Pero simula nang makapag-asawa na ang nakababata nyang kapatid na si Elaine na ngayon ay kasama ang mga magulang nya sa London ay hindi na sya tinigilan nang mga tao sa paligid nya na kulitin na lumagay narin sa tahimik.
Kaya naman nang manligaw sa kanya ang matagal na ring kaibigan at kapit bahay na si Danny, ay halos ang mga kamag-anak na nya ang sumagot dito para lang maging sila.
Pero kung kelan naman naging sila na at naisipan nang magpakasal ay saka naman ito nagloko. Ang masaklap pa ay sa mismong katrabaho pa nya ang nagawang buntisin nito.
At heto sya ngayon dahil sa sobrang kahihiyan sa nangyari ay napatigil na muna pansamantala sa trabaho at maisipang dito sa probinsya nang tatay nya mamalagi.
"Ate Jes!" napalingon si Jessica sa may bandang kanan para makita ang tumawag sa kanya.
Si Emil. Ang nakakababatang pinsan nya na anak nina Tiya Malou at Tiyo Manoy. Huli nya itong nakita noong magbakasyon ito sa kanila sa Manila tatlong taon na ang nakalilipas. Ang alam nya ay kakatapos lang nito nang kolehiyo.
"Emil! aba binatang-binata kana ah.!" ngumiti lang ito sa kanya at kinuha ang maletang dala-dala nya.
"Kumusta ang byahe te?"
"Okay lang naman, medyo delay na naman yung Cebu pacific.."
"Hindi na nakasama sina Mama kasi pinagluluto ka nya nang mga paborito mong pagkain." ngisi nito.
"Si Tiyang talaga."
Labis ang tuwa nang kanyang Tiya Malou nang tawagan nya ito noong nakaraang Lunes. Alam na nito ang nangyari sa kanya at nang kasintahan, malamang ay naikwento na rin nang Nanay nya dito dahil madalas itong tumawag sa matanda.
Nang makarating na sila sa may parking area. "Bago na naman tong sasakyan mo?" tanong nya sa nakababatang pinsan. Ang alam nya kasi ay Honda city ang niregalo nang Tiyo Manoy kay Emil nang makagraduate ito, pero isang Mitsubishi Sport SUV na kulay asul ang dala nito.
"Hindi sakin to te, pinahiram nang kabarkada ko. Coding po kasi ako ngayon."
"Ganun ba?, naku ingat ka sa pagmamaneho." paalala nya sa pinsan.
Nang nasa byahe na sila ay binuksan nya ang glass window para namnamin ang preskong hangin nang probinsya. Mukhang hindi nga sya nagkamali nang lugar na piniling puntahan, dahil ngayon palang ay narerelax na si Jessica. Sa totoo lang ay hindi pa nya alam kung gaano sya katagal mamamalagi dito. Saka nya na siguro iisipin ang bagay na yun.
Halos isang oras din ang naging byahe nila, buti nalang at hindi ganun kalayo ang Ozamiz sa Oroquieta City. Agad silang sinalubong nina Tiya Malou at Tiyo Manoy nang makababa na sya nang sasakyan. Hindi na ipinasok ni Emil ang SUV dahil ihahatid narin daw nito iyon sa bahay nang kaibigan.
"Masayang-masaya kami hija nang tumawag ka at sinabing dito ka muna. Alam mo namang matagal na namin yung gusto nang mga magulang mo." umpisa nito nang nasa sala na silang tatlo.
Dahil nga nasa London na ang magulang nila at kasama si Elaine ay naiwan syang mag-isa sa bahay. May mga kamag-anak din naman sya na nasa Manila, kaso ay hindi rin naman ganun kalapit ang mga tirahan nito sa kanya kaya hindi rin sila masyadong nagkikita.
"Okay ka na ba?" alam nyang itatanong nito ang tungkol sa bagay na yun.
"Sumama lang ho talaga ang loob ko Tiya, matagal na pala nila akong niloloko, kung hindi pa lumapit sakin yung kasamahan kong nabuntis ni Danny ay hindi ko pa malalaman." himutok nya.
BINABASA MO ANG
Maybe Forever | Completed
RomanceSampalan agad ang eksena sa unang pagkikita nina Jessica at Kyle. Inis sya sa binata dahil halatang babaero ito. Hindi ba nga't nasampal pa sya nang dahil dito? Ang tanong ay makakaya nya kayang pigilan ang sarili na wag mafall kay Kyle? Lalo na't...