Chapter 5

960 31 0
                                    

PERO hindi nya narin talaga napigilan ang sarili nya at tuluyang nang natawa. Malakas kasi talaga ang charisma nito.

Maging ito ay natawa narin. Pagkabawi ni Jessica nang kamay nya ay sinagot nya na rin ito.

"Jessica."

"Jessica?.."

"Jessica Jane Garcia."

Tumitig ito sa kanya nang maigi, na bahagya nyang ikinailang.

"Bago ka dito Jessica Jane?"

Kelangan talaga buong pangalan ko ang sabihin nito?.

"Oo..pwede bang Jessica nalang?" ngiti nya dito.

"Ako nga pala si Ke..." naputol ang sasabihin nito nang marinig nila si Kyle na papalapit na sa kanila.

"Kuya Kenneth.."

"Oh Kyle, nandito ka pala?..." bumaling-baling ito sa kanila. Nagtatanong ang mga mata dahil dumikit si Kyle sa kanya na ikinatambol na naman nang dibdib nya.

"Magkasama kayo?"

"Girlfriend ko Kuya.."

Parehas silang nagulat ni Kenneth sa sinabi nito. Magrereact pa sana sya, pero hinayaan nya nalang dahil baka mapahiya naman ito sa lalaking tinawag nitong Kenneth.

Si Kenneth ang nagsalita. "Wow naman Kyle, sa wakas ay nagkagirlfriend ka na, akala ko idol mo si Melvin na nagkaforever na ata sa trabaho nya." ngisi pa nito.

Chineck nito ang cellphone. "Anyways, I need to go. Nice meeting you Jessica Jane..." pagpapacute pa nito at tuluyan na silang iniwan.

"Jessica Jane?" nakataas ang kilay na tanong ni Kyle na para bang hindi nito gusto ang tinawag ni Kenneth sa kanya.

"Sira ka ba? bakit mo sinabi na girlfriend mo ko?!"

"Babaero yun, baka hindi lang sampal ang abutin mo dun kapag nahuli ka nang mga girlfriends nun." seryosong saad nito.

Hinimas nya ang pisngi nya nang maaalala ang pagsampal sa kanya ni April nung isang araw.

"Teka nga? iniwan lang kita saglit, may nagpakilala na agad sayo? Iniwas kay Kuya Melvin, si Kuya Kenneth naman pala." pagmamaktol nito.

"Pinagsasabi mo dyan?!"

"Sagutin mo na ko Jes please..."

"Sagutin ka dyan? kakakilala lang natin nung isang araw. At saka di ba sabi ko sayo basted ka na?!"

"Whatever Jes, basta simula ngayon babakuran na kita... Jessica Jane." ngisi nito at nagawa pa syang nakawan nang halik nang mokong.!

"Nakakailan ka na ah?!" sabay hampas sa braso nito. Susundan nya pa sana ang paghampas dito pero mabilis na itong nakaiwas.

Babakuran ba kamo?! With all your heart Kyle!

Nang maihatid na sya sa bahay ni Kyle ay nagpaalam na din ito dahil may iniutos daw ang kuya Jeffrey nito.

Nagpasya naman syang gumalaw-galaw sa bahay at tulungan si Manang Beth sa gawaing bahay. Wala pa syang isang linggo dito sa probinsya ay parang ang dami-dami nang nangyari sa kanya. Naalala nyang hindi nya pa pala natatawagan ang matalik nyang kaibigan na si Janet. Isa ito sa nagkumbinsi sa kanya na pumunta na muna dito sa probinsya nang tatay nya para makalimutan ang kahihiyang ginawa ni Danny sa kanya sa Manila.

Inidial nya na sana ang number nito nang mapansin nya si Manang Beth na papalapit.

"Hija, ba't naman naglilinis ka pa, ako nang bahala dyan."

Maybe Forever | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon