Chapter 8

850 27 0
                                    

WALA na syang nagawa nang isuot ni Kyle sa kanya ang helmet nito. Sa totoo lang ay hindi nya alam kung saan sila pupunta nang gabing iyon. Pero sa loob-loob nya ay na-eexcite syang makasama ang binata.

Siguro nga ay nababaliw na rin sya kagaya ni Kyle. Kahit sa gabing ito ay pipiliin nyang magpadala sa kanyang damdamin. Nagdadalawang isip pasya kanina nang magring ang cell phone nya at makita ang pangalan ni Kyle sa screen. Ang buong akala nya kasi ay nakauwi na ito, kasabay ni Kenneth. Nang kulitin sya nitong lumabas nang bahay ay wala sa isip na sasama sya dito.

Naguguluhan sya sa nararamdaman nya kay Kyle. At ngayong gabi ay gusto nyang malaman kung ano nga ba talaga ang binata para sa kanya. Kaya hindi na sya masyadong nagalit dito nang kulitin sya nitong sumama. Makakatanggi ka ba sa gwapong magmumukha nito na sadyang nagpacute pa? Tao lang ako at iba talaga ang epekto ni Kyle sakin!.

Pumasok ang motor nito sa isang Resort, bumati ang security guard sa binata. Nang makababa na sila nang motor nito ay inalalayan naman sya ni Kyle sa pagtanggal nang helmet na suot-suot nya.

"Pwede pa rin ba tayong maglakad-lakad dito? Mukhang sirado na eh.." takang tanong nya.

"Okay lang yan, pagmamay-ari ito nang pinsan namin. Kaya kahit magdamag tayo dito, walang magagalit." at kumindat pa ito sa kanya.

"Magdamag ka dyan!"

Kinuha ni Kyle ang kamay nya, at magkahawak kamay silang naglakad-lakad sa may tabing dagat. Habang naglalakad ay nakangiting nakatingin si Kyle sa kanya.

"Bakit ba ganyan ka makatingin?" tanong nya dito.

"Masaya lang ako, kasi pumayag kang kidnapin kita ngayon."

Napangiti sya sa sinabi nito. Namilog naman ang mga mata nito nang makita nito ang reaksyon ko.

"Woah! Ngumiti ka sakin! Totoo ba to?!"

"Ang kulit mo kasi!"

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "Please Jes, sabihin mo sakin kung ano talaga ang nararamdaman mo sakin ngayon... please be honest. Wag kang mag-isip nang kung ano-ano. Basta yung totoong nararamdaman mo sakin ngayon."

Lalong lumakas ang tibok nang puso nya sa paraan nang pagkakatitig ni Kyle sa kanya, tagos hanggang kaloob-looban nya iyon.

Nag-iwas sya nang tingin dito. Pero agad ding nabalik ang tingin nya dito nang hawakan nito ang baba nya at mapatitig sa mga mata nito.

"Kyle..."

"Kasi ako Jes, alam ko at sigurado ako sa nararamdaman ko sayo. Sabihin na nating bago palang tayong nagkakilala, pero anong magagawa ko? Mahal kita Jes."

Anong sasabihin ko dito? Magpapakatotoo na rin ba ako sa tunay na nararamdaman ko?

"Gusto rin kita Kyle... "nagbaba sya nang tingin nang sinabi nya iyon, dahil nahihiya talaga sya sa magiging reaksyon nito.

Nag-angat nalang sya nang tingin nang wala syang narinig na sagot mula sa binata. Doon nya nakita ang mga mata nitong nagpapakita nang pagkagulat at kasiyahan.

Natawa sya. "Oh, wala ka man lang sasabihin sa sinabi ko?" reklamo nya dito.

"Pwedeng ulitin mo.. " halos paos na sabi nito.

Kyle naman eh! Kaya lalo akong nafafall sayo eh!

"Ang sabi ko gusto din kita! gusto talaga liwanag—."

Hindi nya na natapos ang sasabihin nang angkinin na nito ang mga labi nya. Puno nang pananabik ang halik nito nung una, hanggang sa maging dahan-dahan iyon na parang hinanamnam ang bawat sulok nang bibig nya.

Maybe Forever | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon