"ANONG nangyari?" tanong ni Emil kay Kyle nang balikan sya nito.
"Baliw talaga yung April na yun..."
"Bakit? at saka ang pula nang pisngi mo ah...wag mong sabihing nasampal ka?"
Naglalakad na sila papunta sa gilid nang kalsada kung saan nakapark ang sasakyan nya.
Nangmakapasok na sila nang sasakyan ay hindi parin nya magawang istart ang engine nito.
"Anong problema tol? natauhan ka ba dahil sa sakit nang sampal nya?" natatawang biro ni Emil sa kaibigan.
"Ang ganda nong babae kanina, sayang hindi sinabi yung pangalan." humarap si Emil kay Kyle na para bang nagtatanong.
Matalik na kaibigan nya si Emil, halos sabay silang lumaki nito. Madalas silang magkasama sa iisang section na lalong nagpatibay sa samahan nila. Lagi din nilang pinagdidiwang nang sabay ang kanilang kaarawan dahil araw lang naman ang pagitan. Kagaya nung nakaraang buwan sabay nilang pinagdiwang ang ika-bente anyos nilang dalawa. Parehas din nilang pinagpasalamat nang makagraduate na sila sa kolehiyo, sa wakas na matatakasan na nya ang mga babaeng imbes na mag-aral ay sya ang pinagkakaabalan.
Nang pamansin na nag-aabang na sasabihin nya si Emil ay saka na nya ikunuwento ang eksena kanina sa may isawan. "Ibang klase ka talaga, nasampal kana't lahat-lahat babae parin ang iniisip mo."
Hindi sya madaling humanga sa isang babae. Kahit simula't sapol ay lagi nang may mga nagpapakita sa kanya nang motibo ay hindi nya pinapansin ang mga yun. Nang tumuntong sya nang high school ay halos dalhan sya nang mga bulaklak nang mga babaeng nagkakagusto sa kanya, at nang nag kolehiyo nga sya ay mas naging malala pa ang lahat.
May mga hitsura naman ang mga nagkakagusto sa kanya, pero talagang wala syang magustuhan, at kung meron man ay hanggang dun lang dahil ayaw naman nyang makipagrelasyon.
Ang nakatatanda nyang kapatid na si Jeffrey ay nagpakasal na sa girlfriend nito nong nakaraang taon. Ang kuya Melvin naman nila na syang panganay ay masyadong workaholic at kagaya nyang walang balak magkagirlfriend.
Pero ang babaeng nakita nya kanina sa may isawan. Kahit pakasalan nya ito ay gagawin nya para dito. Alam nya sa sarili na tinamaan talaga sya sa babae nang makita nya palang itong namimili sa may Mini Mart. Parang syang ewan na sumunod-sunod dito, mabuti nalang at wala si Emil na nagsabing kikitain si Daisy sa may Mercury drugstore.
Nang tumawid ito nang kalsada para pumunta sa may isawan ay naakit syang lumapit dito at sadyaing madikit ang katawan sa babae. Sa pagkakadikit nya sa babae ay parang gusto nya itong yakapin nang mahigpit at halikan ang leeg nito.
Baliw na sya! Ang buong akala nya ay si April ang baliw pero heto sya't pinapantasya ang babaeng ni hindi nga nya nalaman ang pangalan.
"Hoy tol?!" pukaw ni Emil sa kanya. Nakalimutan nyang kasama nya pa pala ito.
Hinatid na nya si Emil sa bahay nito, niyaya syang pumasok muna para makilala ang pinsan nitong galing daw nang Maynila. Kanina nga ay pinahiram nya pa ang sasakyan dahil coding ito.
"Bukas nalang tol..." paalam nya sa kaibigan.
Nagmamadaling nagmaneho ulit sya pabalik sa sentro. Umaasang mahahanap nya ang babae ulit doon. Naiinis sya sa sarili na hindi nya man lang nasaulo ang plate number nang tricycle na nasakyan nito, di sana ay mas madali nyang matatanong ito kung saan nito hinatid pauwi ang babae.
Ano ka ba naman Kyle?! sita nya sa sarili. Nang matanggap na wala na talaga syang magagawa ay naisipan nyang umuwi nalang, tutal may bukas pa naman. Kung kailangang abangan nya ito sa may isawan ay gagawin nya makita nya lang ulit ito.
BINABASA MO ANG
Maybe Forever | Completed
RomanceSampalan agad ang eksena sa unang pagkikita nina Jessica at Kyle. Inis sya sa binata dahil halatang babaero ito. Hindi ba nga't nasampal pa sya nang dahil dito? Ang tanong ay makakaya nya kayang pigilan ang sarili na wag mafall kay Kyle? Lalo na't...