9:30AM.
Nakamotor na pumunta si Kyle kina Emil. Hindi na naman sya nakatulog nang maayos kagabi sa kakaisip. Habang nasa byahe ay nag-iisip sya nang mga paraan para mapalapit dito. Iniisip din nya kung sasabihin ba nya sa kaibigan ang tungkol sa nararamdaman nya sa pinsan nito.
Masyadong maaga para pangapit-bahay pero anong magagawa nya. He can't wait to see her.
Nagpabalik-balik sya sa harap nang gate nina Emil. Nag-iisip nang idadahilan.
Alam nyang wala sa bahay si Emil dahil nakatext nya ito kahapon at nagsabing pupunta sa bukid para samahan ang ama.
Bahala na! Kapalan na natin ang mukha natin Kyle!
"Tao po.." tawag nya.
Binuksan ni Tiya Malou ang gate para sa kanya at pinapasok sya nito pagkakita nito sa kanya.
"Oh Kyle.."
"Si Emil po?"
"Nasa bukid kasama nang Tiyo Manoy mo, may lakad ba kayo?"
"Wala naman po.. ah Tiyang... baka may sirang bagay kayo dyan na pwede kong ayusin?"
Natawa si Tiya Malou sa tinuran nya. "Okay na hijo.. salamat Kyle."
"Ano kasi.. kasi po.. nasa trabaho po si Kuya.. tapos yung kasambahay po namin pinagday-off nya." Huminga muna sya nang malalim. "Pwede po bang dito na muna ko tumambay at makikikain narin po ako nang tanghalian?..." nahihiyang paalam nya sa matanda na tinuring narin nyang ina.
Mas lalong natawa ang matanda. " Ay naku walang problema sa akin yan Kyle, para narin kitang anak no. Sya sige dun ka na muna sa may sala, o di kaya ay dun ka sa kwarto ni Emil. Ikaw na ang bahala."
"Salamat po Tiyang.!" masayang sagot nya.
"Teka lang Kyle..."
Dahan-dahan syang lumingon pabalik dito.
"Bakit po?..."
"Parang may iba sayo hijo?" at tinignan syang maigi nang matanda.
"Ay oo nga, aba naku nagpagupit ka nang buhok!"
Sinuklay nang mga dalari nya ang ngayon ay maiksi nang buhok. "Bagay po ba?"
"Bagay na bagay sayo hijo, mas lalo kang naging gwapo. Saka..mas bumata ka sa gupit mo."
Natigilan sya. Bumata? Noooo! Kung mas bata syang tignan ngayon ay baka mas lalo syang tanggihan ni Jessica. Ang buong akala nya kasi ay magmamatured sya tignan, pero parang baliktad ata ang kinalabasan.!
"Oh ba't natahimik ka Kyle?"
"Wala po...pasok na po ako sa loob." nanlulumong saad nya.
"Mabuti pa, at tatapusin ko muna ang pagwawalis dito...may pagkain dyan sa lamesa kung gusto mo."
"Salamat po."
Nang makaupo sa sofa ay nakita nya si Manang Beth na may inabot. "Ako na po Manang Beth."
"Ay salamat Kyle." mukhang napansin si Manang Beth na parang may hinahanap sya.
"May hinahanap ka? Nasa bukid si Emil...."
"Si Jessica po? tanong nya. Napansin nyang napatitig sa kanya ang matanda. "I mean si Ate Jessica po?..." pagtatama nya.
Ngumiti si Manang Beth. "Nasa kwarto nya, tulog pa yun."
"Ah sige po, kung kailangan nyo po nang tulong nandito lang po ako sa sala."
***
BINABASA MO ANG
Maybe Forever | Completed
RomanceSampalan agad ang eksena sa unang pagkikita nina Jessica at Kyle. Inis sya sa binata dahil halatang babaero ito. Hindi ba nga't nasampal pa sya nang dahil dito? Ang tanong ay makakaya nya kayang pigilan ang sarili na wag mafall kay Kyle? Lalo na't...