Chapter 6

883 26 0
                                    

HUMINGA muna sya nang malalim bago magpasyang pumasok na sa munisipyo.

"Jes, paki hatid mo itong puto balanghoy sa opisina ni Melvin sa munisipyo." utos ni Tiyang Malou sa akin kanina.

"Tiyang, hindi ko pa naman nakikilala yung Melvin na yun, bakit ako pa yung maghahatig?" reklamo nya.

"Tinawagan ko na sya, sabi ko ipahahatid ko sa pamangkin ko. Sige na, dahil paborito nya to eh."

Alam nyang sinasadya lang ito ni Tiyang Malou para makaharap nya na ang kuya ni Kyle. Naalala nya tuloy yung sabi ni Kyle na mukha daw unggoy yung kuya nya, which is alam nyang hindi naman totoo. Hindi ba close ang mga ito? Sabagay ay normal lang naman siguro sa magkakapatid ang ganyan, dahil minsan nya naring nilait ang kapatid nyang si Elaine nung nasa high school pa sila.

Nang maisip nya si Kyle ay hindi nya maiwasang maguilty. Parang pagtataksil itong gagawin ko. Natawa sya sa isiping yun. Bakit? Kayo ba Jes?

Kagabi ay napansin nyang nanunukso ang mga tingin ni Emil sa kanya, hindi nya tuloy alam kong may sinabi si Kyle dito. Hindi naman ito nagkaroon nang pagkakataon na kausapin sya dahil andun din si Tiyang at Tiyo sa sala na kasama nilang nagkukwentuhan.

At nitong umaga nga ay inutusan sya nang Tiyang na ihatid itong puto balanghoy kay Melvin.

Natigil sya sa pag-iisip nang mag-umpisa na syang umakyat nang hagdan nang munisipyo. Pagkarating nya sa unang baitang ay nakahanap agad sya nang taong mapagtatanungan.

"Excuse po, saan po ang office ni Attorney Melvin?" tanong ni Jessica sa may katandaang babae sa may desk.

Bago sumagot ay tinignan muna sya nito mula ulo hanggang paa. Nanunuri. Kinikilatis kong ano ang kaugnayan nya sa binata. "Yung pinto sa may kanan." nakangiting sabi na nito sa kanya na bahagya pang itinuro ang pintuan.

"Salamat po."

Ano ba naman to?! Kinakabahan ako!

Knock! knock!

"Come in..." narinig nyang sabi nang lalaking nasa loob.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan. Nakatungo parin ito at busy sa pag-uusisa sa mga papeles na nasa lamesa nito.

"Hi..." bati nya.

Nagtaas ito nang tingin at napatitig nang magtama ang kanilang mga mata. Bagaman nakasuot ito nang eyeglasses ay parang hindi naman iyon naging hadlang para makita ang pagiging gandang lalaki nito.

Unggoy? Sinong mukhang unggoy ang sinasabi ni Kyle?!

Pakiramdam nya ay nakalimutan nya nang kumurap at parang ganun din ito. Walanghiya! Bakit ba lagi nalang akong natatameme sa mga lalaki dito?!

Nang matauhan ay bigla itong tumayo at nagsalita.

"Hi..."

"Ako yung pamangkin ni Tiya Malou, dala ko yung puto balanghoy.."

"Right, please have a seat...by the way Melvin Gonzales." iniangat nito ang kamay at inabot nya naman iyon.

"Jessica."

Nang parehas na silang nakaupo ay mukhang hindi nito alam ang gagawin.

Did I make him feel nervous? natanong nya sa sarili.

"Ammm.. hindi na kita iistorbohin, saka hinatid ko lang talaga to." sabay lapag nang dala nyang paper bag.

Kinuha naman ito iyon. "Do you really have to go now?.." nahihiyang tanong nito. Nang mapansin nito ang bahagya nyang pagkagulat sa tinuran. "I mean..baka lang gusto mong tumambay dito..baka may itatanong ka?.. " he bit his lower lip. Halatang nahiya ito.

Maybe Forever | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon