NAISIPAN nyang mamaya na magreply pagkatapos kumain.
Si Emil ay panay ang sulyap sa kanya na para bang may sasabihin.
Mga ilang araw narin sya dito sa probinsya, madalas syang walang ginagawa. Hindi sya sanay sa ganoon, kaya naman may naisip sya na paraan para may pagkaabalahan naman sya.
"Tiyang, Tiyo may sasabihin mo sana ako." umpisa nya.
"Ano yun hija?"
"Ilang beses ko narin po itong pinag-isipan, dahil wala naman po akong ginagawa dito. Gusto ko po sanang maghanap nang trabaho dito, kahit yung part time lang. Nakakahiya naman po kasi yung palagi nalang po akong ganito."
"Hija, hindi ka naman namin inuubliga na magtrabaho..."
"Alam ko naman po yun, sayang din naman po kasi ang mga araw ko dito. May alam po ba kayong pwedeng kong pasukan pansamantala?."
"May alam ako Jessica." nakangising sambit ni Tiyang Malou sa kanila.
"Talaga po? saan Tiyang?."
"Saan pa eh sa munisipyo. Tamang-tama dahil naghahanap si Melvin nang magiging assistant nya."
Nailang sya sa suhestyon nito. "Tiyang, baka naman po meron sa ilang lugar, sa munisipyo po ba talaga?."
"Ay oo, naku matutuwa yung si Melvin."
"Nay, wag na don sa munisipyo, te Jes tulungan kitang mag-apply sa sentro." sabat naman ni Emil. Parang alam nya na kung bakit ayaw nito na sa munisipyo sya magtrabaho.
Nang gabing yun ay tinatawagan nya si Janet para pagsabihan ito na wag ibibigay kay Danny ang address nila dito sa probinsya kung maaari. Wala naman kasing dapat pang pag-usapan sila nang binata. Ang problema ay hindi naman ito nasagot, naka-off ang cell phone.
Pagkalapag nya nang cellphone nya ay agad nyang naalala ang nagtext sa kanya kanina.
"Who u?" text nya dito.
"Akala ko nakatulog ka na, tapos nakalimutan mo nang magreply sakin... :("
Ano ba yan! hindi naman sinagot yung tanong ko. Kung totoo nga yung sinabi ni Tiyang na hiningi ni Melvin ang # nya ay marahil ang binata nga ang katext nya.
"Melvin?"
"Close na ba kayo ni kuya? T_T"
Hala! si Kyle to?! Biglang lumakas na naman ang tibok nang puso nya. Lalong lang lumala nang..
xxxxxxxx148 calling...
Nabitawan nya tuloy ang cellphone nya, matagal bago nya ito kinuha at sagutin.
"Hello?.."
"Nakakatampo ka na ah.."
"Ginawa ko sayo?"
"Hiningi ba ni kuya ang # mo?"
Tumahimik sya. Kinikilig sa inaasal nito.
"Jessica..."
"Oh?"
"Nababaliw na ko sayo."
Hindi sya nakahinga sa sinabi nito. Pakiramdam nya ay konting push nalang at bibigay na talaga sya dito. Mas bata sayo yan Jes!
"Tu...tumigil ka nga dyan, buti pa matulog ka na.. gabi na oh."
"Mamaya na... saka saglit lang kitang nakita ngayon."
"Tama lang yun, para makalimutan mo na yang kalokohan mo."
"Kalokohan ka dyan, totoo yun. Sana naman maniwala ka sakin. Saka..."
BINABASA MO ANG
Maybe Forever | Completed
RomanceSampalan agad ang eksena sa unang pagkikita nina Jessica at Kyle. Inis sya sa binata dahil halatang babaero ito. Hindi ba nga't nasampal pa sya nang dahil dito? Ang tanong ay makakaya nya kayang pigilan ang sarili na wag mafall kay Kyle? Lalo na't...