Chapter 10: Dinner date

18 10 0
                                    

Aoi pov 


Dahil sabado ngayon boring na naman ang buhay nandito ako sa higaan nakahiga lang, nagtext ng pala sakin si Aze about sa date namin mamaya 


Aze, 

meet up plaza 5 pm sunduin hintayin kita doon. 


Actually hindi ko patalaga pinagiisipan kung pupunta ba ako o hindi kasi ba naman tamad na tamad ako ngayon plus isama mo pa na sabado ngayon kaya mas lalo nakakatamad, nung nagpaalam nga pala si aze kay mama na magdadate kami ngayon agad pumayag si mama di pa talaga siya nagdalawang isip parang pinapamigay na ako ni mama. 

mamaya maya pa may kumatok dito sa kwarto ko 


"Sino yan ?" sigaw ko 


"ako to si mama " sabi niya kaya agad akong tumayo at binuksan yung pinto nakalock kasi 

"Ma ano yan ? " tanong ko sa kanya may bit bit kasi siya na mga paper bags na halos lahat branded 


"Ano pa edi mga sosootin mo mamaya sa date niyo ni aze " si mama talaga parang pinapamigay na ako mas excited pa ata siya maka date si aze kesa sakin 


"Ma naman parang ikaw yung excited na makipag date kay aze, ikaw na lang kaya ma ?" sbai ko 


"Anak kung bata lang ako kagaya mo at kasing ganda mo malamang sinagot ko na si aze bago pa makuha ng iba" sabay tawa niya 


"Ma naman eh!" saway ko 


"Joke lang anak ito naman. Sootin mo yan mamaya complete yan, may heels  may necklase may earings at kung ano ano pa " sabi niya ng nakangiti 


"mama di naman po ako pupunta sa party para mag damit ng sobrang garbo at mag soot ng mga borloloy na yan" inis na sabi ko 


"Oo nga hindi ka pupuntang party pero alam mo ba anak na dapat sa first date niyo dapat pinaka maganda ka, para sayo lang nakatingin ang mga tao pati na din si aze " hagikgik pa ni mama 


ano na ba gagawin ko neto ? Sabi sabi ko sa isip ko. 



"sige na nga " pagkatapos ko yung sabihin ay napangiti naman si mama. 


"Ayan ang gusto ko sayo anak, masunuring anak. " umalis na siya at sinasarado ang pinto 


--


5pm na nakabihis na din ako naka dress lang naman ako na black para elegant yung kulay tas nag light make up ako tas sinuoot ko yung mga pinamili sakin ni mama kanina na heels tsaka accessories ayaw ko man sootin pero sayang kasi yung effort ni mama sa pag bili non tsaka gastos pa. 


"Ang ganda mo anak " narinig kong sabi ni mama ng makita niya ako na bumababa ng hagdan 


My First, First Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon