Lumipas ang mahigit 1 buwan at mas lalo ko pa nakilala si aziel, Matino naman siya, makulit at masaya kasama katulad na lang nagayon na kasama namin ang mga girls
"AHHAHAHAHAH grabe naman yung kwento mo Aze, habulin ba daw ng aso" sabi ni Aoi na mukang tawang tawa sa kwento ng Aso na katabi ko
"Eh siya ganon yung nangyari eh, kumakain lang naman ako ng fried chicken sa karinderya tas bigla na akong hinabol ng aso, nanana himik lang ako don eh"
"HAHAHAHA kasi naman baka sayo siya nakatingin hindi sa fried chicken mo medyo payat ka kasi eh" natatawang sinasabi ni kailey
"grabe naman kayo sakin, di ko kayo inaano jan eh" sabi ni aze habang kumakain ng paborito niyang pagkain hulaan niyo kung ano edi fried chicken.
"o siya o siya tama na yan punta na tayo sa klase natin baka ma late pa tayo" sabi ko sabay tayo
"Ay kill joy talaga to si kuya" nakataas pa yung isang kilay niya
" bakit may angal ka? "
"Di wala sabi ko nga tatayo na kami hehe " agad naman tumayo si kailey at aoi
"Wait kumakain pa ako eh" sabay kagat ng fried chicken niya
"edi maiwan ka jan" sabi ko
"eto na HOY! WAIT!" nagmamadali na siyang tumayo na ikinatawa naman nila aoi at kailey pag punta namin sa class naka upo na silang lahat dahil nanjan na yung prof
Kailey Pov
Kailey here, Sa totoo lang shiniship ko talaga si Aziel At Aoi mukha kasing bagay sila
Base sa mga kinikilos ni Aziel na pangungulit kay Aoi halatang may gusto eh
Nung nakaraan kasi pumunta si Aoi sa Locker niya dito sa school tas sinundan siya ni Aziel
* Flashback*
"Aoi "
"Hmm? bakit ano na naman trip mo?" sabi niya while nilalagay ang mga gamit niya sa locker niya
"Mapa ka ba?" Tanong ni Aziel
"Bakit kasi you turn my world up side down?"
"Hinde"
"Eh ano?"
"kasi i was lost in your eyes " sabay ngiti niya kay Aoi
"tsss laos na yan" inis na sabi ni Aoi
"Kung laos na yan bakit hindi mo alam ang sagot ?"
"Alam ko hindi ko lang talaga nasabi ang tamang sagot kasi diba madaming sagot don?"
"Wushu"
pinapanood na sila ng mga estudyante at mukang kinikilig din sila sa scene ng dalawa
nako di na talaga ako magtataka kapag nagkatuluyan silang dalawa solid ship ko sila
*End of Flashback*
isama na lang ulit natin sa example ng pangungulit ni Aziel kay Aoi ang isang scene na to na ngayon ay nagaganap dito sa room.
"Aoi, psst Aoi " tawag ni Aziel na halata naman nagungulit na naman
"Ano ba yun Aze ang kulit mo ha." Inis na sabi ni Aoi
"Pa isang pick up lang bilis" Sabi ni Aziel tapos pumunta siya dito sa unahan ni Aoi
"Sige a-ano yun ?" nautal na sabi ni Aoi paano ba naman kasi ang lapit ni Aziel
"Eiffel Tower ka ba?"
"B-bakit?"
"Kasi Eiffel For you "
ay patay na, i fell for you na nalalaman, halata naman kinilig si Aoi kasi na mumula pa ang pisngi niya
"Uy si Aoi nag blublush, syempre joke lang yun ano ka ba" pang asar ni Aziel
agad naman umangat yung pagkakatingin ni Aoi galing sa papel na sinusulatan niya papunta kay Aziel
"Nako, Aziel umalis ka na nga, baka mapatay kita"
"Patay agad? sungit naman tss makaalis na nga "
nag walk out na ang loko haha sabihan ba daw kasing joke lang eh halata naman na may gusto tong si Aoi kay Aziel dahil sa pamumula ng pisngi niya na mukha naman kinilig kanina
"Wag ka magalala Aoi kapag na fall ka sakin Sasaluhin naman kita, sino ba naman ako para tumangi, eh sa gwapo ko ba naman na to hindi ka ba ma fafall?"
napatingin ako sa kuya ni Aoi, Ang gwapo kasi talaga niya Matangkad, Maputi, ang ganda pa ng katawan.
"Hoy kailey tumutulo na yung laway mo " Sabi ng kaklase namin na agad ko naman pinunasan pero wala naman pala
"Baka matunaw si Akiro niyan sa ginagawa mo eh " Sabi naman ng pambansang Aso namin sa grupo, sino pa edi si Aziel. kahit gwapo din si Aziel nako Aso pa din talaga AHAHHAHA
"H-hindi ah sino masabi na kay Akiro ako nakatingin? "
"Ako kasi titig na titig ka eh. " waaah nakakahiya hindi na ako sumagot.
Aoi Pov
"hello class, hindi ko alam kung sinabi na sa inyo ng ibang prof niyo pero, next week magkakaroon ng fashion Show at kailangan may 2 representative kada class"
"Kailangan niyo pagpiliaan ng maigi kung sino ang sasali dahil hindi biro ito, may mga judges na mula pa sa ibat ibang bansa na pupunta para sa dadating na fashion show "
"Maam si Aoi po tsaka si Aziel!" sigaw ng kaklase na sumigaw sa bandang kanan
"hoy anong Aziel at Aoi ka jan ! nanjan naman si kailey " sigaw ni Aze
"Hoy bat ako nanahimik ako ah " sagot ni Kailey
"Kunyari ka pa Aze gusto mo din naman tch" pabulong na sabi ni kuya
"ok lang yan Aze bagay naman kayo eh" Sabi nung nag sigaw ng pangalan namin kanina
"oo nga " sabi naman ng iba naming mga classmates
"O sige ganto na lang , kung si kailey ang ilalagay sino ang partner " tanong ng magaling naming prof
"Sir si kuya Akiro po " with evil smile
"Hoy Tumahimik ka nga " sagot ni kuya
"Shhh quiet sige ganito na lang, Secretary please stand up" tumayo naman ang secretary ng class
"Gusto ko bilangin mo kung ilan ang may gusto sa team nila Aoi ganon din sa team nila Kailey para mapili natin kung sino ang tamang representative para sa fashion show "
ngayon pa lang nag dadasal na ako na sana hindi ako yung mapili dahil for sure fail yun, Jusme hindi naman ako pala sali sa mga ganitong mga event please Lord wag niyo naman ako ipahiya.
"Sino ang vote para kay kailey at Akiro ?" Sigaw ng secretary
nagtaasan naman ng kamay ang mga kaklase ko
"1..2..3...4......15 sir "
literal na lumaki yung mata ko dahil dito sa classroom na to 32 kami ibig sabihin non
"Yes! nanalo manok ko Aoi at Aziel na Yie..." sabi ng lalaki na nagsabi ng pangalan namin kanina
"Yieeeee... ikaw ah Aziel ka pala ha ? " sabi ni kailey na habang tinutusok pa yung tagiliran ko ng ballpen
"Hindi noh"
"Ok dahil sila ang nanalo sa voting si Ms. Aoi Saito at Mr. Aziel Martinez ang pupunta sa fashion show next week" Sabi ni sir at nag hiyawan naman ang mga kaklase ko
"Patay....." Bulong ko
BINABASA MO ANG
My First, First Love [On-going]
Hayran KurguAko si Aoi Saito, Maganda , Mabait, makulit. pero sino ang magaakala na makita ko ulit ang First love ko? Ano kaya ang gagawin ng tadhana? Magkakatuluyan ba kami o hindi? Again this is Aoi Saito and this is My First First Love