Chapter 1

104 28 43
                                    

Aoi Pov

Hi Ako nga pala si Aoi Saito isa akong half japanese, bubbly at friendly ako Simple lang din ako di ako maarte at mas lalong hindi ako pala party katulad ng ibang girls Syempre di din mawawala na maganda ako. First day of school ngayon kaya magkatabi kami ng kuya ko na si Akiro Saito kumakain dito sa dining table. Hindi kami pareho ng ugali ni kuya

si kuya kasi tahimik pero masakit kung magsalita, masungit pa di ko nga alam kung saan nagmana yan kasi si mama tsaka si papa di naman ganon. nga pala dito na kami naka base sa pinas mas mura daw kasi yung tuition fee dito sabi ni mama kaya dito niya na kami pinag aral ng college.

pareho lang kami ng year ni kuya kasi 1 year lang naman yung tanda niya sakin kaya pinag sabay na kami ni mama ng year ng pagaaral.

may babaeng palapit samin sa dining table kaya nilingon namin ni kuya yung babae

"Anak di pa ba kayo tapos jan? baka ma late kayo" siya si mama.  Aria Saito ang pangalan niya May katangkadan din ng konti Di katulad ko sakto lang 

"Di naman ma maaga pa naman" Sagot ni kuya pagkatapos ininom ang kape niya 

"Sige kayo bahala basta Wag niyo ko sisisihin kung ma late kayo ha?"Sabi ulit ni mama sabay ngiti ni mama

tama nga naman si kuya di pa naman kasi kami late maaga pa 8 ang start ng class. At dahil jan naisipan ko na tumingin  saglit sa orasan namin sa sala

nagulat ako kung anong nakita ko

"waaaaaa kuya 7:40 na!" sigaw ko galing sa sala

"Ha sure ka?" nagtataka pa siya na tumingin sakin

"oo kuya tingnan mo bilis!" with matching sign pa na pumunta siya dito sa sala

"oo nga shit."

agad agad namin kinuha yung gamit namin ni kuya sabay paalam na di namin kay mama

"Ma alis na kami ma!" sabi namin ni kuya

"Sige ingat kayo" naka smiling face pa si mama.

"Ako na mag dridrive" 

"ok kuya " pagkatapos dumerecho na kami sa kotse 

pagkarating  na pagkarating namin sa school ni kuya syempre hindi na kami nag aksaya ng oras at tumakbo na kami wala na kaming paki sa mga tumitingin samin kung bakit kami tumatakbo.pagdating namin sa classroom hingal na hingal kami ni kuya pero iisa lang ang napansin namin ni kuya

"Bakit wala pang masyadong students diba sabi mo  mag 8-8 na?" pagtataka ni kuya lumapit ako sa isang babae na nakaupo sa isang upuan sa classroom namin.

"Oo nakita mo pa nga eh" Sagot ko 

"Tsk magtanong ka nga." sabi ni kuya na naiinis pa 

"Miss pwede magtanong ?"

"Oo naman Ano yun?" sagot ng babae buti na lang mabait to 

" Anong oras na?"

"7:15 pa lang bakit?" nanlaki agad yung mata ko sabay tingin kay kuya na halata naman na nagulat din iisa lang ang nasaisip namin ni kuya ngayon at yun ay ang sumigaw ng "MAMA!".

makalipas ang ilang minuto dumating na ang prof.

"Hello class  Ako nga pala si  Mr.Lance Buenavista you can call me Sir Lance or Sir Buenavista" nagsimula na siyang mag salita sa unahan sinabi niya na din sa unahan kung anong nakuha niyang course at kelan siya grumaduate

"Now, i want you to introduce yourselves one by one, Lets start with you " turo niya

unang tumayo si ate maganda na pinag tanungan ko kanina na sa tingin ko Girl crush ko na. oh diba first day na first day may crush agad.  Wait uunahan ko na kayo di ako tibo ah  girl crush lang talaga. 

My First, First Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon