Chapter 13 : Best Friend

6 4 0
                                    


Aoi POV

pagpasok namin sa classroom wala ng ginawa si kailey kundi kulitin ako na sabihin kung anong nangyari sakin doon sa bahay nila, absent kasi siya kahapon.

"Uy Aoi mag kwento ka naman please" niyug yug niya pa ako, talaga naman. 

"Fine. nung nakuha ako doon sa mall akala ko talaga kikidnapin ako jusko kung ano ano pa pinag sasabi ko doon sa taong kumuha sakin nakakahiya"

Huminga ako sandali tapos itinuloy ko na yung sasabihin ko

 " Pagbaba ko kinalas nung lalaki yung tali  ko sa kamay ko  tapos pinaalis sakin yung blind fold ko pag katapos ko magbilang ng sampu, pagkakita ko si Aze pala. " nakita ko na kinilig siya habbang nagkwikwento ako buti na lang break time pa pero nandito kami sa room. 

"Tapos ayun na kumain lang kami don nag kakilanlanan kaso mukang galit sakin yung daddy niya hindi ko alam, sabi naman ng mommy ni aze baka pagod lang daw siya. kaya di ko na inusisa. may kapatid din si aze Adriel yung pangalan halos magkamukha sila pero sa tingin ko mas gwapo si Aze. "


"Uy may gusto ka na talaga kay aze no? sinasabi mo na mas gwapo siya eh" hindi na ako nag deny kasi halata na sa mukha ko na sa tingin ko ay pulang pula na 

"oo" sagot ko 

"Bat di mo pa sinasagot ? gusto mo na pala ?" tanong niya sakin 

"Di pa naman kasi siya nag tatanong eh gusto ko marinig sa kanya yung 'will you be my girlfriend'  sa bibig niya para romantic " sabi ko ng naka ngiti 

"Sus pa romaromantic ka pa, uso pala yun sayo ?" sabi niya sabay tawa niya nailing na lang ako sa pag ka praning niya. 

"Nga pala nagaway ba kayo ni kuya ?" tanong ko 

"Di naman bakit ?" 

"Wala akala ko lang nag away kayo." paliwanag ko 

"Kung mag away man kami hindi namin pinapalampas yun ng isang araw. kasi mahirap na baka magaway na ulit kami kinabukasan" nakakatuwa parang kelan lang hindi pa sila tas kita mo ngayon sila na. pero im happy for them hindi naman ako aawat kasi alam ko naman na mabait to si kailey. 

"Anjan na ang prof ! " sigaw ng isang kaklase namin kaya naman halos lahat ng kaklase namin bumalik na sa kanya kanyang pwesto para umupo. dahil alam nila na break time is over. 

"Hello class nandito lang naman ako para ipakilala sa inyo ang bagong transfer ngayong sem. ihjo come in" pumasok naman ang isang lalaki na matangkad maputi, gwapo at may bonus pang dimples cute! 

Ang gwapo niya infairness

oo nga mukang may isasama na naman tayo sa crush list natin 

kakatuwa daming gwapo dito satin busog na busog tayo.

dinig ko na bulungan ng mga haliparot na babae sa likod ko. 

" Introduce yourself" utos ng prof

"Hello guys My Name is Rosh Stephen Lee, 17 years old. half korean half filipino but since i lived in America i only speak English. hope we can be friends" sabi niya sabay ngiti niya na siya naman ikinalabas ng dimples niya. 

"Ok Rosh where do you want to sit?" tanong ng prof sa kanya saka naman itinuro ni rosh kung saan ang upuan  na gusto niya. tiningnan ko kung saan siya nakaturo at nakita ko na sa unahan pala ni Aze niya gustong umupo. 

"Alright you sit infront of Mr. Martinez" agad naman siya pumunta doon at umupo

"Ok class i will leave you now because i have important meeting to attend class dismissed " pagkasabi niya non nagsigawan na kaming lahat hindi na siya nag saway dahil alam niya na nature na niya yun. 

My First, First Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon