~Authors Note~
Hello Readers, I haven't re-edited all my chapters yet. So you can expect wrong grammar and wrong spelling. Thank you again for your supports.
Ken POV
"Ken!, anak gising na!" sigaw ni
Inay. Agad ako napa bangon dahil sa sigaw ni Nanay. Pagtapos ay tumayo ako para ayusin ang kama ko at dumeretso na ako sa cr para mag hilamos at mag sipilyo.Ang bahay namin ay simple lang, may second floor ito at gawa sa kawayan na bamboo pero may mga plywood din naman na ginamit para mabuo ang bahay namin. Sabi ni Tatay minana pa raw niya ito sa Papa niya.
Ito raw ang pamana ni Lolo kay Papa bago siya mawala. Kaya rito kaming nakatira at inaalagaan ang bahay na ito.
Nay!, Tay!, magandang umaga po!. Ano po ang ulam natin ngayon?, masigla kong sabi.
Anak maupo ka muna. Umupo na ako at iniintay si Inay na paghainan ako ng pagkain.
Sumahod na ang iyong Tatay kahapon sa pag Construction Worker niya. Kaya masarap ang ating umagahan ngayon. Agad napadako ang aking mga mata sa platitong naka takip na dala-dala ni Nanay. Inilapag na niya ito dahan dahan at binuksan.
Charan!!! Masiglang sabi ni Nanay na may kasama pa na pag shake ng kamay niya katapat ng platito.
Bumungad sa akin ang Bacon, Itlog at Hotdog.Namilog ang mga mata ko . Ngayon na lang ulit ako makaka tikim nito!. Ang huling kong tikim dito sa mga ganitong ulam ay noong isang buwan pa kadalasan kasi ulam namin ay kamote, tuyo at sapsap na isda.
Oh siya tarana't kumain na tayo. Sabi ni Inay.
Mahal!, kumain na tayo tawag ni Nanay kay Tatay. Agad naman naglakad si Tatay papunta sa amin at iniwan ang ginagawa niya sa Pinto.
Nagkukumpuni na naman yata siya ng pinto namin at naglalagay ng panibagong padlock.
Noong nakaraan araw kasi ay may nag tangkang mag nakaw sa bahay namin. Imagine? may nagkaka interes pa pala sa bahay namin.
Hindi naman sa nilalait ko ang bahay namin pero mahirap lang ang estado ng pamumuhay namin pero may nagkaka interes pa rin magnakaw sa bahay namin.
Umupo na si Tatay sa pinaka gitna ng lamesa, ang puwesto ko naman ay sa kanan bahagi ng lamesa at si Nanay naman sa kaliwang bahagi ng lamesa.
Nagdasal muna kami pagkatapos ay nag simula na kami kumain. Kagaya ng naka gawian namin tuwing kumakain ay nag kwe-kuwentuhan lang kami tungkol sa aming buhay.
Oh, anak First day of school mo pala ngayon diba? sabi ni Nanay. Habang ngumunguya, Napahinto ako saglit sa Pagkain at Tumango kay Nanay.
Excited na parang ewan ang nararamdam ko dahil panigurado ay bibigyan na naman kami ng napakarami na gawain kahit First day of School pa lang.
Alam ko po Inay natatawa kong sabi, kagabi ko pa nga po hinanda ang mga gamit ko dahil excited ako kasi pasukan na ulit.
Oh siya bilisan mo d'yan para makapag handa ka ng maayos. Opo! sabay subo ng pagkain.
Nang matapos na ako kumain ay nilagay ko sa lababo ang pinggan na ginamit ko. Agad ako nag tungo sa cr upang maligo. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis ng Uniform.
Red ang kulay ng uniporme sa lalaki at kulay black naman ang pants at black shoes nito. Sa Babae naman ay navy blue ang blouse nila at ang palda ay kulay black pati na rin ang sapatos.
Matapos ko magsuot ng uniporme ay inayos ko na ang buhok ko. Tinignan ko mabuti ang lahat ng gamit ko sa bag upang maka siguro na walang naiwan na gamit.
![](https://img.wattpad.com/cover/223333757-288-k180166.jpg)
BINABASA MO ANG
METEORITO
FantasySimple lang ang buhay ko kagaya ng mga Pilipino na kapos palad, suwerte na kung makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Masaya at kuntento na ako kung anong uri ng pamilya ang mayroon ako. Wala man kaibigan pero ayos lang sa akin pero nabago a...