Maaga akong pumasok upang makapunta pa sa library para makapag basa-basa.
Malaki ang library ng joaquin academy dahil na rin isa ito sa mga sikat na paaralan sa Pilipinas.
Pumasok na ako sa library at agad hinanap ang libro aking babasahin.
Sobrang laki ng library pero konti lang ang mga taong pumupunta rito dahil ang kadalasan dahilan nila ay may internet naman kaya bakit kailangan pa mag-library.Sabagay mga mayayaman nga naman tamad na talaga mag-aral. Kinuha ko na ang Librong babasahin ko saka pumunta sa upuan para mag simulang magbasa.
Kakatapos ko lang basahin ang unang pahina ng libro. Ang binabasa ko ay Twisted Flikcs ni Jessica Zafra. Mahilig din ako magbasa ng mga quote at explanation ng mga palabas kaya nakaka-engganyo talaga magbasa.
Bigla ako nakaramdam ng bigat ng balikat ko, agad kong nilingon ito. Kita ko ang asul na mga mata niya at magandang mukha niya.
Agad ako napa kunot noo at tinignan siya upang sabihin na Bakit??
Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin at tumabi. Bumutong hininga siya saka nag salita.
Hindi mo ba ako nakikilala? Lalo napa kunot noo ako. Kilala? Hindi ko naman talaga siya kilala at saka wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko.
Ganito siguro kapag nasanay ka na mapag-isa, nagiging normal na lang ang lahat kahit mag-isa ka lang ayos lang.
Ako si Agie Yvron. You can call me "Agie", ako iyung sinabihan mo na manahimik kahapon kasi naiingayan ka yata i think?. Agad ako napa tango tango ng maalala ko siya. Siya pala iyung ang daming kuwento tungkol sa summer vacation niya nung nakaraang school year.
Napansin kong napatingin siya sa hawak kong libro saka napa ngiti. Ang sipag mo naman. Nagbabasa ka ng mga libro? (obvious ba? sa isip ko lang, ayoko gamitin ang intrusive thoughts ko at baka masaktan siya).
Siguro matalino ka? hindi ko lang siya pinansin. Hindi naman sa isnaber pero hindi ko naman priority na makipag usap sa mga hindi ko kakilala. Ang Priority ko ay makapag tapos ng pag aaral.
Maingay ba ako? muling sambit niya. Sabay ayos ng ilang hiblab ng buhok niya sa tenga.
"Oo ang ingay mo panget!" Napalingon ako kung sino ang nagsalita.
"Shssshhhh" napatingin kami sa librarian at nag hand gesture pa ito ng mata niya na sinasabi na binabantayan kita sa nag salita kanina ng "panget".
"Sorry po!, sabay peace sign sabi ng babae. Sabay upo nito sa gilid ko pero may ilang pagitan sa upuan namin.
Bigla naman nabago ang expression ng mukha ko dahil sa nakita ko napalingon ako sa gilid at sa harapan ko? paanong naging dalawa siya?
Anong mukha yan? Parang nakakita ka ng multo, Bakit? sin- , napatampal ako ng mukha ng mag sink-in sa utak ko na mag kambal sila dahil mag kamukhang-magkamukha sila.
Bakit ka ba nandito ha? Sumbat agad ni Agie pero pabulong lang.
Ah Nababagot ako kambal ang aga natin gumising, Nahihikab na sabi niya.
Sino naman kasama mo? Tinapunan niya ako ng tingin sabay ngiwi. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero ngumiwi ba siya sa akin?
Hi My name is Maggie Yvron sabay tapat ng kamay niya sa akin, you can call me "Maggie".
Nag-alangan pa ako makipag shake hands sa kaniya kasi hindi din ako sanay kumausap ng stranger lalona't babae, kahit classmates ko pa. Sa huli kinamayan ko ito.
I'm Ken. Tipid kong sabi.
Pinagmasdan ko mabuti ang nasa
gilid ko at sa babaeng nasa harap ko. Parehas na parehas sila parang perkpekto ang pagkakalikha sa kanilang dalawa. Pati ang hulma ng mukha nito, ang maputing mukha nila, manipis na labi na mapula, matangos na ilong at magandang mata na kulay asul sa tingin ko ang height nila ay nasa 5'5.

BINABASA MO ANG
METEORITO
FantasiSimple lang ang buhay ko kagaya ng mga Pilipino na kapos palad, suwerte na kung makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Masaya at kuntento na ako kung anong uri ng pamilya ang mayroon ako. Wala man kaibigan pero ayos lang sa akin pero nabago a...