Chapter 3

9 6 0
                                    

Ken

Maaga akong nagising at nandito na ako sa Joaquin Academy. Kasalukuyan ako nasa loob ng library maaga pa kaya makakapag basa-basa pa ulit ako ng "Twisted Flicks".

Bigla ako napahawak sa tiyan ko dahil tumunog ito. Wala pa masyadong tao sa library kaya walang nakarinig na nagugutom na ako.

Nagbayad kasi si Nanay ng Kuryente at Tubig ngayon kaya kailangan namin mag tipid sa pagkain.

Sinabi ko na kakain na lang ako ng kanin bow. (Kanin na may sabaw). Sa Mamihan sa Halagang 30 pesos. Pero hindi pa rin sapat iyon sa akin, mabilis ang metabolism ko.

Kinuha ko ang pitaka ko. Binuksan ko iyon at tinignan kung may laman. takte! na iyan 20 pesos lang ang laman. Pamasahe ko na lamang ito mamaya. Wala akong nagawa kundi ibalik ito sa bulsa ko.

Hindi pa rin ako sumasahod sa pag part time job ko kasi walang pang kinsenas.

Nag advanced ako sa Boss ko para may pang dadag pangbayad sa Kuryente at Tubig para hindi na masyado isipin ni Nanay ang mga bayarin namin.

Nag part time job ako sa isang restaurant. Ang pangalan ay
Biniroco Restaurant. Mabait naman ang boss ko at naiintindihan niya ng estado ng buhay ko. May kaliitan lang ang sahod. 4,500 monthly.

Naiintindihan ko na ganun ang pasahod pero mas gusto ko na mataas pa roon pero no choice ako dahil nag-aaral pa ako at part time job ko lang iyon.

Isa akong waiter sa Restaurant na iyun. Maraming bumabalik sa restaurant na iyon dahil daw sa akin. Nakikipag picture kasi ang mga Babae at pusong babae sa akin suwerte raw ako sa Restaurant na iyun dahil lalo raw dumami nung nag apply ako bilang waiter. Ang problema lang ay hindi kalakihan ang Sahod.

Pansin ko sa ibang Restaurant ay ang pinaka mababang sahod ay 6,500 plus at ang minimum ay 8,000+, malaki talaga ang sahod lalo na kung kilala ang Restaurant saka ang lagi kumakain dito ay mayayaman.

Bigla na naman tumunog ang tiyan ko wala akong magagawa kung hindi Tiisin na lang ito. Kinuha ko ang Plastic bottle na may malamig na Tubig sa gilid ng bag ko. Binuksan ko ito at ininom.

Kinalahati ko lang ito para mamaya ay may maiinom pa ako. Binalik ko na ng plastic bottle sa gilid ng bag ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko. Napansin kong may mga papalapit sa akin. Pinag sa walang kibo ko na lang ito. Nilapag nito ang paper bag namay tatak pa itong MCDO may drinks rin at coffee.

Napatingin ako kung sino ito.
Si Agie at Maggie.

Ohh Hi! sa inyo bati ko sa kanila.

Umupo si Agie sa kanan ko at si Maggie naman kaliwa ko.

Kain na tayo. Yaya sa akin ni Agie.

Huwag na Agie busgog pa ako saka kakain ko lang.

Napatingin ako kay Maggie at tinarayan ako, anong problema ng babaeng ito? ang aga-aga.

Sinungaling walang alinlangan na sabi ni Maggie. Alam namin na Guto ka!

Bigla naman ako nakaramdam ng hiya sabay napakamot sa ulo ko.

Tatangi na ulit sana ako pero sa isip-isip ko ay Oo!, sige tamang-tama! gutom na gutom na ako!!.

Brrwwwwrrr!!!.. Bigla tumunog ang tiyan ko.

Bad Timing bwiset na tiyan ito.

Ahh kakain mo palang pala ha. sarcastic na sabi ni Agie na tatawa pa.

Kinuha niya ang libro ko at Nilagay muna sa isang gilid.

Binuksan na niya paper bag at kinuha roon ang Mcdo fried chicken, Burger Stake, Drinks at Coffee. May Ice Cream pang family ang laki. Bawat order ay tatlong piraso tamang-tama para sa aming tatlo.

METEORITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon