Ken
Naglalakad na kami at malapit na kami sa gate ng Tenor Island nang may marinig kaming mga tunog ng radyo.
Nagka tinginan kaming tatlo at sabay napatango alam ko kung anong tunugan na iyon, mga pulis. Agad kami nag tago tatlo sa likod ng nga puno ng may lumbas na isang pulis.
Pero bakit pa kami nagulat ei binalita na ito sa Tv malamang ay may pulis na magbabantay sa ganitong sitwasyon.
"Yes! Chief! nandito na po kaming lahat", nakahanda na rin po ang mga kasamahan natin sa pagtama ng Meteor dito wala na rin ang mga taong naka tira rito napalikas na po namin silang lahat.
"Ganun ba, salamat police officer Quinto siguraduhin mo lang na walang mga teenager na mag gagala d'yan at idouble check ninyo ang buong paligid delikado ang mangyayari ngayon kaya maski kayo ay mag-ingat din". Sabi sa kabilang linya ng kausap ni Officer Quinto.
"Yes! Chief, copy po".
Ngayon ako nakaramdaman ng kaba. Saan pala tayo dadaan may mga naka bantay na pulis sa main gate? Tanong ko kay Agie,
Kambal mag search ka nga sa internet kung saan tayo puwede dumaan sigurado ako na may iba pang daan pa para makapasok sa island na iyan.
"Wait".... kinuha agad ni Maggie ang cellphone niya at nag search dito. Lumipas ang ilang minuto ng mag salita ito.
Sabi rito meron pa raw daan ilang lakad lang mula rito sa puwesto natin.
"Bingo!" sabi ni Agie natutuwa sa nalaman niyang balita sa kaniyang Kambal.
Nagsimula na kaming maglakad at nagunguna si Maggie sa paglalakad dahil siya ang may hawak ng Mapa namin gamit ang cellphone niya kung saan kami makakapasok sa Island ng hindi napapansin ng mga pulis.
Palingon-lingon kami sa paligid upang masigurong walang makakakita sa amin na mga pulis na nag papatrol sa lugar na ito.
"Jackpot!" sabi ni Maggie sabay turo sa harapan namin. Nakaharap kami sa malaking gate na kinakalawang na at may dahon-dahon na rin. Huminga muna ako ng malalim saka binuksan ang malaking Gate.
Nahirapan pa ako itulak ito kaya nag tulong-tulong kaming tatlo sa pagtulak sa gate na ito. Sabay namin tinulak ang gate at sa wakas ay nabuksan namin ito. Lumikha pa ito ng nakakatakot na tunog na kadalasan maririnig sa mga horror movie na nagbubukas ng gate.
Agad na nagtayuan ang balahibo ko ng dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Ako ang nauna pumasok at sumunod naman si Agie at Maggie.
Sobrang tahimik ng paligid ang maririnig lang ay ang simoy ng hangin mga ingay ng insekto at mga tunog ng dahon na nagtatama dahil sa hangin.
Napatigil ako ng may maramdaman. Tumigil din sila sa paglalakad at napakunot noo naman nakatingin si Agie sa akin base sa mukha niya ay nagtatanong ito ng bakit?
Aray! sigaw ni Maggie ng tumama ang ilong niya sa likod ng kambal niya. Agad ko itong nilingon at hinihimas nito ang ilong niya.
Huwag ka nga tumitigil basta-basta kambal lalo na't nasa harap pa kita. Kapag itong ilong na ito naging pango sinasabi ko sa iyo.
Tanging tawa lang ang ginanti ni Agie sa kaniyang kambal.
"Hello! may tao ba d'yan?" agad kaming nag tinginan at hinila silang dalawa para mag tago sa likod ng malaking puno.
Nakita ko na may isang Police officer na nag fla-flash light sa mga dahon dumating ang isa niyang kasamahan.
May problema ba Sir? tanong nito sa kasamahan niya.
Parang may nakita akong pigura ng isang babae at may narinig na sigaw mula rito pero parang namamalik mata lang yata ako at mali ng dinig.
"Sir. baka White lady!" natatakot na sabi ng Police Officer na kausap niya.
BINABASA MO ANG
METEORITO
FantasiaSimple lang ang buhay ko kagaya ng mga Pilipino na kapos palad, suwerte na kung makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Masaya at kuntento na ako kung anong uri ng pamilya ang mayroon ako. Wala man kaibigan pero ayos lamg sa akin pero nabago a...